37. Ignacio

713 17 1
                                    

37. Ignacio

Kirby's Point Of View

"Lasing ka nanaman tol." narinig kong saad ng isa sa mga kaibigan ko. Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Ngayon pa ba ako titigil sa pag inom kung lasing na nga ako?

Nilagyan ko ng alak ang baso ko at akmang iinumin ko na iyon nang may humawak nito. Tinignan ko ng masama ang isa sa mga kasama ko ngayon.

"Tol ang kulit mo naman e." saad nya habang pilit na kinukuha sakin ang baso na hawak ko. Sa sobrang inis ay tinulak ko siya sa balikat niya.

"Ikaw ang makulit. Umalis ka na nga dito." galit na sigaw ko sakanya. Nakita ko din ang galit sa mata niya bago gumanti ng suntok saakin kaya napaupo ako sa sahig.

"Tangina naman tol. Nag aalala lang ako sayo oh. Lagi ka na lang ganyan, ikaw naman ang gumusto nito diba? Panindigan mo gago." sabi niya bago ako iniwan. Naramdaman ko na tinulungan ako ng isa pa sa mga kasama namin ngayon para tumayo.

Tangina. Hindi ko ginusto 'to. Kahit minsan hindi ko ginusto na mangyari 'to. Bakit ko gugustuhin na mawala sakin ang kaisa-isang babae na pinaramdam sakin ng totoong pagmamahal?

Masakit para sakin na iwanan siya—si Brychelle. Hindi ko ginusto ang nangyari pero kailangan ko iyong gawin.

Hindi nga naman lahat ng gusto natin ay makukuha natin. Tangina lang.

Ilang beses ko'ng sinubukan na kausapin si Bry pero ayaw niya. Haha. Nakakatawa. Bakit nga ba nya gugustuhing kausapin ang lalaking sinaktan siya ng sobra at ang naging dahilan ng pagiging bitter niya? Wala naman siguro.

Masakit para sakin na iniwan ko siya. Pinagsisisihan ko ang lahat pero wala na akong magagawa. Simula ng maghiwalay kami ay kung sino sinong babae na ang nakakasama ko, hindi ko na nga alam ang pangalan ng iba sakanila dahil isa lang ang kilala ko. Si Brychelle.

Pero wala ng mas masakit pa na yung babaeng sobrang minahal ko ay may iba ng gusto. Ayoko man isipin. Ayoko man aminin pero nakikita ko sakanya.

Nakakatawa kasi huli na ako. Kasalanan ko din naman. Pero sana kausapin man lang niya ako.

Ang bading pakinggang pero namimiss ko na siya. Ang babaeng mahal ko.

Brychelle's P.O.V.

Madali lang kami ni Sabrina sa Mall. Tumagal kasi ako sa pagbibihis kaya inabot na kami ng 10:30 bago makarating sa Mall. At dahil kami'ng mga SC officers ang gagawa ng designs mamayang 2pm ay naging madali lang ang pagmo-Mall namin.

Nawala pa nga ang napaka sayang ngiti ni Sabrina nang malaman na by 2 o'clock ay aalis na ako. And almost 1pm na ngayon.

Ngayon ay nasa isang fast food chain na kami para kumain. Libre ko obviously, dahil ako daw ang nag suggest na mag mall kami at bayad ko man lang daw sa napaka daming araw na pag iwas at di ko pagsabi sakanya ng totoong nangyari.

Kailangan pa daw nyang makausap si Marjorie bago nya malaman kung ano ba ang talagang bumabagabag sakin.

At the whole time na sinasabi niya sakin yan, naka pout sya. I was like duh? Mukha syang duck sa ginagawa nya.

At since libre ko, sya ang inutusan kong bumili ng foods namin. Nakakatamad na din kasi at isa pa, napaka dami ng pinamili ko para sa mga needs sa pagdedecorate. Bwisit lang kasi, bakit ba ang dami dami nito? Sakin ba nila lahat pinabili yung mga kakailanganin? Ugh, pag lang nalaman ko na ako pala ang umako sa pagbibili ng mga gamit nang hindi ko alam, lagot silang lahat sakin.

"Kunot na kunot noo mo huy."

I glared at her. Pang basag sya ng moment ko.

"Order mo po!" magalang na sabi niya at nag bow pa saakin. Inismidan ko nalang sya sa ginawa nya.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon