15. Rumerevenge! XD
"Bry, ok ka lang?" kasabay ko ngayon si Sabrina na kumakain dito sa canteen. Actually, ngayon na lang ulit. Medyo matagal na din simula nung last na nagka bonding kami ni Sab. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw naman niya mag open up. Even though alam ko na break na sila ni Paolo.
"I should be the one asking you that." pagbabalik ko sakaniya at hindi naman siya nakasagot. Mukhang natigilan siya sa sinabi ko pero agad ding umiling at hindi na lang nagsalita.
Well, hindi ko siya pipilitin magkwento kung ayaw niya. It's her choice. At kahit medyo corny man pakinggan, but I'm always here for her.
The whole time ay parehas lang kaming tahimik at walang nagsasalita. Medyo bago sa feeling pero hinayaan ko na muna. I know she's in pain right now at ayokong ngayon siya magdrama sakin cause I'm not in the mood.
Parehas kaming napalingon ni Sab sa cellphone niya na nakapatong sa lamesa nang mag vibrate ito. Hindi niya iyon kinuha at nanatili lang siyang nakatingin doon.
"Bry, bakit hindi mo na ulit sinubukan mag mahal?"
Napakunot ang noo ko sa naging tanong niya. Masyado kasing out of this world.
"Bakit? Required ba?" tanong ko sakaniya.
Ngumiti siya pero pilit. "No, pero isang beses ka pa lang naman nagmamahal diba?"
Napairap ako. "That's the point, isang beses pa lang pero ang sakit na. I don't want another pain, Sab." diretsong sagot ko.
"But you'll learn from that pain."
Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sakaniya at napaisip ako.
Hindi pa nga ako tapos sa pain tapos maghahanap pa ako ng another pain? No thanks.
****
"Mahal!"
I don't know what's with me. Even though ayoko na tinatawag ako'ng mahal ng Nerd na iyon ay automatic pa rin akong nagreresponse kapag naririnig ko iyon.
Nilingon ko ang lugar kung saan may tumawag saakin and there, nakita ko si Nerd na kumakaway sakin sa may entrance ng locker room. Papunta kasi ako sa locker room dahil ilalagay ko ang mga gamit ko sa locker ko.
"Stalker ka ba talaga?" iritang tanong ko sakaniya.
"Huy hindi ha? Nakita kasi kita na papunta dito, e." sagot naman niya saakin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. He always has a reason.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may magsalita bigla sa harap ko.
"Whoa wait!"
Napairap agad ako nang marinig ko ang boses na iyon. Kasumpa sumpang boses mula sa kasumpa sumpang tao.
Pero kahit nagsalita na siya ay nagpanggap ako na hindi ko siya nakikita at sinadya kong ibangga sakaniya ang mga dala ko para malaglag ito sakaniya.
At nagtagumpay ako. Nyenye buti nga.
"Uy may tao pala dun, akala ko kasi plywood." pang aasar ko sakaniya. Agad ko naman siyang inirapan at dali dali ko ding kinuha ang mga gamit ko. Delikado, baka malagyan pa ng bacteria niya.
"Gwapo ko kasi kaya hindi mo ako nakita." sabi niya saakin nang nakangiti. Psh, ang mema niya.
"Oo, yung sinasabi mo kasing gwapo hindi ko talaga makita kahit saang banda." diretsong sagot ko at inirapan nanaman siya.
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Teen Fiction"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1