25. Freedom Wall
Sabrina's Point Of View
Dumaan muna ako ngayon sa botique ni Auntie dahil kailangan ko'ng icheck yung gown na susuotin ko for our grand prom.
"Do you like it, Sab?" tanong ni Auntie habang nakangiti na nakatingin saakin. Pinagmasdan ko naman ang sarili ko sa full-length mirror ni Auntie habang suot suot ko ang gown na si Auntie mismo ang gumawa.
Grabe, ang ganda.
"Auntie, ginalingan nyo naman masyado e." pagcocompliment ko kay Auntie sa gown na gawa niya. Agad naman akong tinulak ni Auntie sa balikat ko.
"Hindi ka makaka-tawad sakin, wag mo ako'ng daanin sa compliment." saad niya dahilan para matawa kaming dalawa.
"Seryoso naman ako, Auntie."
Pinagmasdan ko ulit ang sarili ko sa salamin dahil hindi ako maka-move on sa ganda ng gown na suot ko ngayon. Lalo tuloy ako'ng naeexcite para sa grand prom.
Napatingin naman kami ni Auntie sa entrance ng botique na ito nang marinig namin na bumukas ito at nakita ko doon na nakatayo si Pierce at seryosong nakatingin sakin.
Naramdaman ko tuloy ang abnormal na pagtibok ng puso ko.
"Yes? May kailangan ka, hijo?" tanong ni Auntie kay Pierce kaya naman nabaling sakaniya ang atensyon ni Pierce.
Ngumiti ito atsaka muling ibinalik ang tingin sakin. "Her. I need her."
Yung puso ko, nahulog na ata ng tuluyan.
Brychelle's Point Of View
Nakailang beses na akong nagpalit ng pwesto ko mula sa pagkakahiga pero hindi pa din ako makuntento. Nakailang inom na din ako ng gatas pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sakin. Nababaliw na ata ako.
"Okay lang naman sakin eh. Basta sasayaw tayo ha?"
Ginulo ko ang buhok ko nang maalala ko ang sinabi ni Kim kanina. Hindi na kasi nawala sa isip ko ang sinabi niya at parang oras oras nitong binabagabag ang konsensya ko. Ano ba?
"Hey."
"Ay anak ng tupang gala!" napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang biglang may magsalita mula sa pinto. Tinignan ko iyon at nakita ko si Kuya na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin. "Kuya ano ba? Bakit ka ba nanggugulat?" tanong ko habang nakahawak ng mahigpit sa parte ng dibdib ko.
Lalong lumaki ang pagkakunot ng noo ni Kuya dahil sa tanong ko. "I'm not." simpleng sagot niya.
Napairap ako dahil sa sagot ni Kuya. Parang ewan talaga 'tong lalaking 'to. Sobrang grumpy. Parang babaeng laging menopausal. Minsan mas gugustuhin ko na lang mapanis ang laway ko kesa kausapin si Kuya. Bukod sa ang sobrang onti niya sumagot ay sobrang sungit din. Akala mo cute.
"Ano ba'ng ginagawa mo dito?" pagiiba ko na lang ng topic nang makarecover ako mula sa pagkakagulat.
"Someone's looking for you." bakas sa tono ng boses niya na hindi siya natutuwa doon.
"Sino daw?" huh? Sino naman kaya ang maghahanap sakin ngayon?
"I don't know. A guy." nagkibit balikat siya. "Your boyfriend."
Lalo akong napairap at kinuha ko ang pinaka malapit na unan sakin at binato ito kay Kuya. "Judgemental mo!" sigaw ko.
Parang ewan talaga to, lahat nalang ng lalaking naiinvolve saakin, lagi niyang cinoconsider agad na boyfriend ko. Judgemental brother! Masyadong advance mag isip.
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Teen Fiction"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1