BITTER FOREVER (WALANG FOREVER)
COPYRIGHT © 2016
GoddesswriterAll rights reserved.
BITTER FOREVER (WALANG FOREVER)
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
P R O L O G U E
Masaya ang relasyon namin.
Sobrang saya talaga.
Actually, wala na nga akong hihilingin pang-iba eh. Kasi nga perfect na ang relasyon namin kasi sobra-sobrang napaka saya.
Super saya kasi....
palaging may-away.
palaging may problema.
palaging cool-off. Actually, every minutes kami kung mag cool-off.
Ang saya diba? Walang kasing saya.
Well, until one day came, nagbreak din kami.
Nakipagbreak lang naman siya without giving me the reason why.
Yan ang mas masaya.
Ang kapal ng mukha niya, parang encyclopedia.
Ano'ng feeling?
Uulitin ko pa ba? EDI MASAYA!
This is the happiest part of my life. Ang makipag break sakin ang autistic ko'ng EX boyfriend. Ugh
Mahal daw ako? Mahal daw? Aba, anong klaseng love yun? Napaka-sweet naman.
Ayoko na. Ayoko na talaga! Hindi ko na rin naman kayang makisama sa mga taong kinulang sa pag-iisip.
Hindi ko nga alam kung paano naging kami e. Isang malaking palaisipan pa rin para saakin ang naging relasyon namin. Siguro ginayuma niya ako.
3 years din yung sinayang niya eh.
3 years ko din yung pinagtyagaan sa pag-uugali niyang isip-bata.
3 years ko din sinayang yung mga poging lalaki na nagdaan sa buhay ko kasi nga I'm trying to be loyal here pero hindi sapat. Hindi kailan man naging sapat para sakanya.
Then what after? Iiwan niya lang ako ng basta-basta na ni hindi man lang ako binibigyan ng concrete and definite reason? Parang hindi naman ata tama yun.
Dear EX,
Mahal na mahal na mahal na mahal na sobrang mahal na mahal kita. Noon. Not until now. Minahal kita, iningatan kita, pinahalagahan kita. Noon. Pero hindi na ngayon. Gusto ko lang sabihin sayo na makaka-move on din ako sayo, hindi ngayon pero soon. Wait mo lang.
Nagmomove on,
EX BRY
(CAPSLOCK PARA INTENSE)
-----x
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Teen Fiction"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1