14. He's Good
Brychelle's Point Of View
"Ma, punta lang ako sa school." pagpapaalam ko kay Mama na ngayon ay busy sa pagluluto ng kung ano. Dali dali na din ako'ng umalis dahil kailangan ko'ng magmadali dahil may pupuntahan pa ako.
Nang makarating sa school ay agad akong dumiretso sa SC room dahil isa ako sa representative ng Student Council. Sa totoo lang ay ayokong magpakita sakanila dahil panigurado ako na tambak na gawain lang ang ibibigay nila lalo na saamin na mga representative lang.
At hindi nga ako nagkakamali.
"Bitter princess, buti talaga at dumating ka. Ikaw na lang ang pag asa namin." iyan agad ang bungad ng SC president namin na si Mimi. Ngumiti ako sakaniya pero mukhang naging ngiwi ito sa sobrang pilit.
"Ano'ng meron?" naguguluhang tanong ko.
"Masyado kasi kaming busy sa pagpeprepare. Haggardo bersosa na nga kami dito momsh, oh. Kaya please, makikisuyo lang sana kami." he looks so desperate at gusto kong matawa dahil totoong haggard na nga sila.
"Sure, ano ba iyon?" kahit labag sa kalooban ko ay wala din naman akong magagawa kundi ang pumayag na lang.
"Pakibili naman ng lahat ng ito sa NBS. Okay lang naman, diba?" inabot niya sakin ang list ng mga bibilhin ko at halos malaglag na ang panga ko sa dami ng nakalista doon. Kaya ko kayang dalhin lahat?
Habang isa isa ko'ng tinitignan ang mga materials na bibilhin ko ay naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan ng SC room.
"Oh andyan na pala si Kirby."
Parang lalo akong natigilan.
"Kirby will help you naman, momsh." at dahil sa sinabi ni Mimi ay bigla akong natauhan.
"Wait, bakit ako? I can help you here naman. Iba na lang ang pakisuyuan nyo." I almost plead. Mas gugustuhin ko pa na magmantika ang mukha ko dito sa loob ng SC room kaysa ang makasama ang lalaki na yan. Virus kaya yan.
"Eh, girl, ikaw lang naman ang magaling sa mga materials. And noon pa man, kayo na ni Kirby ang namimili ng materials, diba? Parang dati lang." napatingin ako ng masama kay Georgia dahil sa sinabi niya. Halata na nang-aasar siya.
"Dati nga diba? Which means is past is past." I can't help myself but to say those words. Argh, gagawin ko ang lahat but not with him.
"Teh, wala namang malisya. Kayo lang talaga ang parehas na representative and we already used to it na din kasi." dagdag naman ni Mimi at wala na din akong nagawa nang itulak na kami ni Mimi palabas sa SC room.
Napairap ako at hinarap si Kirby.
"Wag mo na ako'ng samahan. I can manage."
Lalakad na sana ako paalis nang mas nauna siyang maglakad. "Sige, bahala ka na."
Oo talaga. Para namang kailangan ko siya.
Dali dali na akong pumunta sa pinaka malapit na Mall para pumunta sa NBS at nagsimula na akong kumuha ng mga materials na nakalagay dito sa listahan.
Lord, ikaw na lang po ang makakatulong saakin.
Mabuti na lang at tinulungan ako ni Manong Guard na dalhin sa cashier ang mga materials na nabili ko kaya hindi na ako masyadong nahirapan. Magpapatulong nalang din ako mamaya sa mga makikita ko pa.
"Ma'am 3,467 po lahat."
"Okey, wait lang po." agad ko'ng kinuha ang wallet ko at kukuha sana ng pera nang makita na 500 na lang ang natitira ko'ng pera. Sht. Nakalimutan ko'ng kunin yung pera.
"Miss, pwedeng pa-hold po muna? May tatawagan lang po ako."
Pilit na ngiti ang sinagot saakin nung cashier. "Ma'am hindi po pwede. May iba din po kasing customer na naghihintay."
Ihohold lang naman, e. Ang OA niya ha?
"Wait lang po, Miss may tatawagan lang—"
"How much it cost again?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko doon si Kirby.
"3,467 po lahat." napataas ang isang kilay ko nang mapansin ang biglang pagiiba ng aura nung cashier.
"Here's the payment and keep the change." naglapag siya ng 4k doon at kinuha na ang resibo tsaka siya umalis habang dala dala ang mga materials na pinamili ko.
Nang medyo makalayo na ay kaagad siyang nagsalita. "Akala ko ba you can manage?" may halong pang aasar na sabi niya.
Napairap ako. "Of course I can. Nakalimutan ko lang kunin yung pera, duh?"
Napangiti na lang siya habang naiiling habang ako naman ay gusto ko siyang sapakin. Nabwibwisit talaga ako sa presensiya niya. Ang sarap itapon sa ilog.
"Merienda tayo?" pag aalok niya. Lalo tuloy akong napairap.
"Ang sabi, bumili ng materials, hindi magmerienda. Atsaka feeling mo naman sasama ako sayo magmerienda? Asa." mabuti na lang at kaagad na may tumigil na jeep papunta sa school at obviously, hindi ako tumabi sakaniya. At hindi ko din siya tinulungan magdala ng mga binili namin, kaya naman niya diba?
Nng makarating sa school ay nagulat na lang ako nang biglang may humila sa kamay ko.
"Hoy ano'ng meron? Kidnapping 'to huy." reklamo ko sa kung sino man ang humihila saakin. Pero hindi ako pinapansin ng kung sino man ito. Patuloy lang siya sa paghila saakin sa kung hindi ako nagkakamali ay sa Auditorium.
Ano'ng meron?
Bakit ang daming tao dito ngayon at mukhang nagkakagulo pa?
"Huy ano'ng meron?" takang tanong ko sa babaeng humihila sakin pero wala na siya. Hindi ko alam kung saan siya sumiksik at kung ano na ba ang nangyari sakaniya. Saan nagpunta yun?
Aalis na lang sana ako nang biglang may magsalita sa mic.
"Ang kantang ito ay para kay Bitter princess." matapos sabihin iyon ay nagulat na lang ako nang biglang may tumutok na liwanag saakin at halos mapapikit na ako sa sobrang liwanag. Feeling ko anytime ay pwede na akong mabulag. Ano ba'ng nangyayari?
Maya maya lang din ay nakarecover na ang paningin ko sa napakaliwanag at nakita ko na kung sino ang nasa stage at iyon ay walang iba kundi si Nerd.
Ano'ng eksena nya?
"Brychelle Khim Alvarez, para sayo 'to." itinaas niya ang dalawang drum stick na hawak niya at nakita ko nanaman ang malawak na pagngiti niya na nagiging dahilan ng paniningkit lalo ng mata niya.
Gusto ko'ng umalis sa pwesto ko dahil bukod sa sobrang liwanag ay medyo naiilang na din ako dahil ang ilan ay patuloy pa rin ang pagtingin sakin habang may mapang asar na ngiti—pero hindi ako umaalis.
Patuloy ko lang na pinapanuod si Nerd habang tumutugtog sa unahan. Walang ibang kumakanta, puro instruments lang.
Wow.
Hindi ko naman itatanggi na ang galing niya talaga mag drum. Muntik na nga akong pumalakpak ng mag-solo siya at may kung ano ano pa'ng style ng pagdadrum ang ginawa. I can say that he's really good but still annoying.
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Teen Fiction"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1