04. Magbebreak din kayo!
**
Pagkabalik na pagkabalik ko palang sa room namin ay agad na bumungad ang nakakairitang pagmumukha ni Sab.
"Hoy babae, ano namang ginawa niyo ni Kim sa music room ha?" agad na tanong ni Sab na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko. Nakita ba nya kami? Tch. Di man lang lumapit.
"Ha?" pagmamaangmangan ko sakanya.
"Wag ka na nga'ng pa-inosente dyan. May nakakita sainyo na pumasok daw kayo sa music room. Ikaw na babae ka! Napaka-harot mo. Iniwan ko lang kayo kahapong magkasabay tapos kung anu-ano ng milagro agad ang pinaggagagawa ninyo. Hindi ka man lang nagke-kwento. Ano'ng klase kang friend?"
I was like this (-_-)
Like what? Ano bang pinagsasasabi ng isang ito? Nababaliw na siya?
"Lakas ng tama mo." i rolled my eyes heavenward at nilagpasan ko nalang siya.
"Bry, alam ko'ng nahihiya ka lang aminin sakin..." tumigil siya saglit at lumapit sakin ng kaunti para ipagpatuloy ang sinasabi niya. "Basta ninang ako ha?"
Dahil sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay isang malakas na hampas ang natanggap nya mula sakin.
"Ano'ng pinagsasasabi mo jan?"
"Ouch. Ang sakit nun, ha?" reklamo niya habang nakahawak sa braso niya na nahampas ko. "Alam mo Bry, napaka-mean mo. Hindi ko alam kung bakit tumagal ako'ng bestfriend ang turing ko sayo." sabi niya na akala mo ay sobrang nagsisisi siya.
"Kung ano-ano kasi ang pinagsasasabi mo jan! Tumigil ka nga." after that nilagpasan ko na lang siya at pumunta na sa proper seat ko.
Naupo lang ako dun at humalumbaba tsaka ako tumingin sa labas. Hindi ko na pinansin si Sab dahil puro kalokohan lang naman ang lumalabas sa bibig niya.
Patuloy lang ako sa pagtingin sa labas nang sa kamalas-malasang pagkakataon pa ay nakita ko yung nakakasulasok na pagmumukha ng magaling kong EX.
Nagkataon namang napatingin din ito sakin. At dumagdag pa sa pagkaasar ko yung ngiti niya na sobrang fake. Duh, as if namang ngitian ko din sya pabalik. Ano'ng feeling niya? Close kami? Inirapan ko siya at tumingin ako sa babaeng kasama niya na nagmukha ng espasol sa kapal ng foundation sa mukha.
"Bry..."
"Tumahimik ka ha?" nilingon ko yung tumawag sa pangalan ko at nakita ko dun ang isa pa'ng lalaki na kinaiinisan ko. Si Kim. Teka, Kim nga ba? Pang-babae yung name. Pangalan ko yun eh. Brychelle Khim. Psh
"Itatanong ko lang sana kung sayo ito?" pagtatanong niya at itinaas yung kamay niya na may hawak hawak na necklace.
"Mukha bang akin..." natigil ako sa sasabihin nang maramdaman ko'ng wala saakin ang necklace ko. Tinignan ko ulit ang kwintas na hawak niya tsaka ko napagtanto na akin nga ito. "Teka, paano'ng napunta sayo yan?" pagtatanong ko sakanya.
"Naiwan mo kanina sa music room." sabi niya sakin. Agad ko naman itong hinila sakanya.
"Thanks." simpleng sagot ko sakaniya at isinuot ko na ito sakin.
"Gotcha! Sinasabi ko na nga ba. Nagkita kayo sa music room ano? May tinatago kayo sakin? Mayroon ba ako'ng hindi nalalaman na dapat kong malaman kaya ipaalam niyo na?" napatingin agad ako kay Sab ng masama habang itong lalaking katabi ko namanvay mukhang clueless sa sinasabi ni Sab.
Nag-peace sign saakin si Sab at ngumiti ng parang ewan bago umalis sa harap ko.
Agad namang hinila ng nerd na ito yung upuan niya at inilapit saakin.
BINABASA MO ANG
Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETED
Teen Fiction"Ang maniwala sa forever, TANGA." Bitter Series #1