Chapter 5: Bisita
Nag-iwas ako ng tingin. Nawalan ako ng sasabihin. Hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa kanya ngayong ganyan ang mood niya. Ngumuso ako at inabala na lamang ang sarili sa pagbibilang ng mga taong nakikita sa ibaba.
"I forgot to ask, is your back okay?" maya maya'y tanong niya.
"Hindi naman na masakit."
"I'm sorry, love..." mahinang sabi niya, mukhang sisingsisi.
Nilingon ko siya. "Para saan naman?"
A small smile crept on his lips but his eyes were sad. "Kasi nadamay ka pa sa gulo ko."
"Hindi mo naman kasalanan 'yon. May tumulak sa akin kaya ako napunta roon," paliwanag ko.
Biglang nagdilim ang mga mata niya. "Who was that?"
"Hindi ko alam. Baka hindi sinasadyang maitulak ako?" sabi ko na lang.
Ayaw ko sanang pag-usapan ang kaso ay nababahala talaga ako dahil suspended si Trek. Madalas na nga siyang mag-cutting tapos hindi pa siya makakapasok ng isang linggo. Baka hindi na siya makapasa niyan.
"What's on your mind, love?"
"Bakit parang ayos lang sa'yo ang ma-suspend?" Hindi ko na mapigilang itanong. "Hindi ka makakapasok ng isang linggo, Trek."
Ngumisi siya. "Matagal na akong nasu-suspend, noon nga ay tatlong linggo pa. But I still managed to cope up with the lessons. See? I passed."
"So, you're saying that you can still learn without going to school..." sarkasmo kong sabi.
"Love, I have books. I can learn better by reading. Inaantok ako kapag nakikinig sa teacher."
"You're weird. Inaantok ka kapag nakikinig pero hindi kapag nagbabasa?" Natawa ako.
"Yup. Not that I'm being arrogant but I'm smarter than you think. Guttierez' are fast learners."
Hindi nga mahihimigan ang pagmamayabang sa tinig niya at halatang sinero siya sa sinabi. Siguro nga ay nasasabi siya ng totoo. Tarantado si Trek at mahilig sumuway sa mga rules, kaya bakit siya nasa Section namin? Malamang dahil may utak siya.
"So, Owen is smart too?"
Tumango siya at binasa ang pang-ibabang labi. "Of course. I think it runs in the blood. My other cousins are always on top when it comes to school. Tamad lang kami nila Owen."
Napanguso ako. "Bakit kasi isang linggo? Hindi ba puwedeng araw lang?"
"You saw Zaijan's condition, right? We punched him hard that's why the suspension is longer. Nagalit nga 'yong Mommy niya, e." Natawa pa siya.
Hindi ko talaga makuha ang mood ng lalaking 'to. Ganito na nga ang nangyayari tapos parang hindi man lang siya nababahala. It seems like he's used to this kind of situation. But I couldn't stop my concern. Maitatago siguro pero hindi mapipigilan ang pag-aalala ko sa kanya.
"E, ikaw? Mapapagalitan ka ng parents mo kapag nalaman nilang suspended ka," sabi ko.
Natigilan siya at hindi kaagad nakapagsalita. I saw his Adam's apple moved. Now he looks uneasy. Mas lalo akong nagtaka at naipakita ko iyon sa paniningkit ng aking mga mata.
"They won't know. Trust me. My parents will not waste a minute asking about my suspension."
"Nalulungkot ka ba?" I can't help but to ask.
Kanina ko pa napapansin na matamlay ang kaniyang mga mata. Sa normal na araw ay madalas siyang maloko at may ngisi sa labi. Pero ngayon, ang mga ngiti niya ay hindi umaabot sa mata.
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...