Chapter 14

6 2 0
                                    

Chapter 14: Girlfriend

Saturday came and Trek was in our house early in the morning. Ginawa nga niya ang sinabing ipapaalam ako dahil wala pa mang sabado ay nasabi na niya iyon sa mga magulang ko. Maging si Zen ay alam ang paglabas namin ni Trek ngayon. Sinabi pa nga niya na tawagan ko lang daw siya kapag biglang naisipan ni Trek na itanan ako, loko-loko talaga.

My parents agreed. Ayos lang naman daw basta uuwi kami sa tamang oras. Hindi naman na issue ito sa amin dahil maganda rin naman talagang mapreskuhan ang utak namin.

"Where do you want to go?" Tanong ni Trek at pinagbuksan ako ng pintuan.

Sumagot lang ako nang makapasok na siya sa driver's seat. "Kahit saan. Ikaw nang bahala."

"Are you sure with that?" He suddenly asked with so much playfullness.

Mahinang natawa ako at napailing lang. Habang nagmamaneho siya ay nakatanaw naman ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin. We also had a smooth conversation.

"Why'd you suddenly asked me out, by the way?" Tanong ko.

"I just want to. I'm still courting you, right? Masyado kang malayo kapag nasa school tayo kaya naisipan kong ilabas ka rin," sagot niya.

"I just can't see you as a person who wants to go out on a date. It isn't awkward, though."

When I said he is not the type of person who wants to go out, I am definitely right. He's been driving for almost an hour now but I can guess that he doesn't know where to go.

"Are you really sure about this?" Natatawang tanong.

Saglit niya akong nilingon pero agad ring nagpokus sa daan. Nakitaan ko ng pagkabahala ang kanyang mga mata pero binalewala ko iyon.

"Of course, I'm sure about our date. I just... uh... I never tried going out with a girl before. Madalas kasing mga kaibigan ko lang ang kasama ko."

Bahagya pa akong nagulat sa narinig. Hindi ba't niligawan niya ang pinsan kong si Shakira? Hindi ba nila nasubukang lumabas? Maybe, they were still young back then. Ang aga kasi nila naglandi, psh.

"Saan ba nagpupunta kapag lumalabas?" Naitanong ko.

"Ikaw?" Balik niya, sinasabing ako ang sumagot.

"Ah, restaurant? Park? Mall?" Hindi siguradong sagot ko.

"The last choice, it is."

Lumiko siya at tinungo namin ang isa sa pinakakilalang mall sa lugar namin. Siguro ay wala na siyang maisip pa kaya dito kami pumunta. Halatang pareho kaming walang alam sa mga ganito. Nagmumukha tuloy kaming ewan.

"My friends and I usually go to this mall whenever we were cutting classes," aniya.

He parked his car in the parking lot of the mall. Nauna siyang lumabas at bago niya pa gawin para sa akin ay binuksan ko na ang pintuan ng kotse at sumunod sa kanya. Nang maglakad kami ay doon ako nagtanong.

"Ano nama'ng ginagawa niyo rito?"

Nakikita ko na sa aking isipan ang grupo ng mga lalaki na gumagala sa mall habang naka-uniform pa. Saglit siyang natahimik at kapagkuwan ay ngumisi.

Pure Intention (Possession Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon