Chapter 20: Cold
Dumating ang araw ng kaarawan ng pinsan ni Shawn. Si Trek ang nagpaalam sa mga magulang ko na isasama ako. Si Zen ay hindi pupunta, kaya nga magpapaiwan na rin sana ako kaso ayaw ni Trek. Pumayag na rin lang daw ang mga magulang ko kaya sulitin na namin at 'wag nang sayangin.
"Pupunta muna raw tayo kila Shawn at sabay-sabay na tayong pupunta kila Claire," he informed while driving.
"I really don't know if I should go," sabi ko habang nakatanaw sa bintana.
"Bakit hindi? You're with me," mariin niyang sabi.
"It just don't feel right. Bakit pa ako sasama?"
Hindi ko mahanap ang tamang mga salita para sa kanya. Pakiramdam ko lang mali na sumama ako dahil mga lalaki sila at ako lang ang babae. I am aware of how people judge. I know I shouldn't give a damn, but I just can't help it.
"Is it because Zen can't come?" Malamig niyang tanong.
Mabilis akong napatingin sa kanya. He's focused on the road but I can see the coldness in his eyes.
"Hindi n-naman. Parang mas mabuti kasing 'wag nang sumama? Mas mag-eenjoy kayo. Magiging alalahanin mo pa ako ro'n."
"Why are you even thinking about that? You are my responsibility."
Hindi na ako nagsalita kahit marami akong gustong sabihin. Sa tono ng boses niya, mas pipiliin ko na lang ang manahimik.
"Kira, I don't like your silence. What are your thoughts?" He demanded.
"Wala..." I said, instead of voicing out my thoughts. "Hayaan mo na."
Hindi rin siya nagsalita ngunit nanatili ang malamig niyang ekspresyon. I saw his Adam's apple move as his jaw clenched. Umiwas ako ng tingin at tumanaw na lang sa bintana. Ngunit nang makabawi ay muli siyang nagsalita.
"Ayaw mong pumunta? Are you not comfortable without Zen? Okay ka naman noong kasama siya," he concluded.
Hindi ako sumagot. Hindi naman sa gano'n pero may maliit na parteng iyon ang dahilan. Pumayag akong sumama noon dahil kasama si Zen. Ang kaso hindi maganda ang pakiramdam niya kaya hindi na pumunta. Ngayon ay si Trek na lang at ang mga kaibigan niya ang kasama ko. It just feels unfamiliar.
"Bakit, Kira? Nandito naman ako..." he said breathily.
Hindi pa rin ako nagsalita. Pinakiramdaman ko ang sarili. Ang sabi ko gusto ko na si Trek. May mga oras na kumportable ako sa kanya, parang kilalang-kilala ko siya. Iyong parang matagal na kaming magkasama. Pero may mga pagkakataon ding ganito, 'yong parang napipilitan lang ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
"I'm sorry..."
Napalingon ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Malamlam na ang kanyang mga mata. The coldness is gone but pain is now visible. My heart hurt at that. Napakurap-kurap ako at agad na-guilty sa mga sinabi at naisip.
"I'm sorry if you feel forced. Ibalik na lang kita sa inyo?" Patanong niyang sabi.
Umawang ang aking labi. I swallowed hard, guilty for all the words I have said now.
"U-uh... hindi na, Trek. A-ayos lang. Ano..." Hindi ko na alam ang sasabihin ko. "K-kaya ko lang naman nasabi 'yon kasi naisip ko lang na baka maging pabigat pa ako sa inyo. You can stay there as long as you want pero dahil kasama mo ako, nadadamay ka sa curfew ko."
I watch him lick his lower lip. He looks forlorn now. That made me more guilty.
"It's okay as long as it's you. You don't have to feel that way..." mahinang sabi niya. "Are you sure you still want to come?"
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Fiksi RemajaPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...