Chapter 23: Petty
Tahimik kaming naglakad patungo sa isang bakanteng table. Marami talagang mag-aaral ngayon kaya naman punuan sa canteen. Kanya-kanya kaming hila ng upuan pagkatapos mailapag ang mga pagkain namin sa table. Ang ingay mula sa mga tao sa paligid ay halos hindi na maintindihan.
"Why are you staring?"
Napatingin ako kay Zander nang tanungin siya ni Coreen. Nakita ko ang paglunok ng lalaki at umiwas ng tingin. Mukha siyang nabigla, hindi pa rin yata sanay sa presensiya ni Coreen.
"N-nothing..." medyo nautal pa nitong sagot.
Walang nagsalita sa amin. Hindi rin magawang magkuwentuhan ng dalawa dahil marahil ay naiilang kay Coreen. Bumalik ang tingin ko sa pila habang umiinom sa binili kong juice. Si Trek, Zaijan, at Westley lang ang nanatili sa ayos. Si Zen, Shawn, Owen, at Rage ay magulo na at nagtutulakan pa.
"'Wag kasi 'yan ang bilhin mo!" Simangot ni Zen.
Napailing na lamang ako sa inaasta niya. Para siyang batang nagd-demand sa mga nakatatanda niyang kapatid. Pinagtitinginan na sila ng ibang students ngunit hindi man lang nila iyon binigyan ng pansin.
"Bakit hindi?" Shawn said in disbelief. "Gusto ko 'to!"
"Bakit ba kasi kayo nagta–"
Nalunod ang boses ni Rage nang magsalita ulit si Zen. "Ayoko niyan!"
"Ano ba kayong dalawa? Puwede niyo namang bilhin pareho," ani Owen.
"Si Zen kasi..." parang batang sabi ni Shawn na tila nagsusumbong.
"Dapat sinabi mo sa akin agad," sabi naman ni Zen na mas marahan na ngayon ang boses.
"Kami na ang bibili. Umupo na kayo," sabi ni Rage sa kanila.
Hindi na nagsalita ang dalawa. Humawak si Zen sa braso ni Shawn at hinila ito papunta sa puwesto nila. Doon pa lamang natahimik sa puwesto nila. Tinanggal ko roon ang tingin at binalingan naman ang mga kasama ko. Kagaya ko ay galing sa pila ang tingin nila, maliban kay Coreen na abala sa cellphone.
"Ang ingay nila," naiilang na komento ni Tiffany.
"Walang bago."
Nagulat kami nang sumagot si Coreen. Nagkatinginan kaming tatlo. Nang walang nagsalita sa amin ay nag-angat ng tingin si Coreen.
"Why so stiff? Chill, I don't bite," she said cooly.
Naiilang na ngumiti si Tiffany. Naningkit ang ang kanyang mga mata. Namumula ang kaniyang mga pisngi.
"Oh, gosh. Should I just go?" Nagtaas ng kilay si Coreen. "Mukha na kayong mga statue."
"Hindi, Coreen." Ako na ang sumagot at ngumiti. "Hindi lang sila sanay."
"Well I'm sorry if my presence intimidates you," she said confidently.
I just smiled a little. Nang muling bumaling sa pila ay papunta na si Trek, Westley, at Rage, kina Zen at Shawn. Samantala si Zaijan ay kakatapos lang tanggapin ang pagkain niya.
"Zaijan, here!" Nagtaas ng kamay si Coreen nang tawagin ang pinsan.
Napatingin sa amin si Zaijan at nang magtagpo ang aming mga mata ay mabilis siyang umiwas. Mukhang hindi siya sang-ayon sa sinabi ng pinsan pero hindi nagawang magsalita. Madalas niyang pinipiling manahimik kahit makikita naman sa kanyang mukha ang pagtanggi.
Umusod si Zander palapit kay Tiffany para bigyan ng space si Zaijan sa tabi ng kanyang pinsan. Hindi ko maiwasan ang pagtitig sa lalaking ngayon ay wala na namang emosyon. Noon pa man, unang tingin pa lang kay Zaijan, may kakaiba na sa kanya. I just can't point out what it is but there's something about him that feels weird.
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...