Chapter 8: Promise
I smiled when I saw one of my old books. Nasa kuwarto na ako at kakatapos lang makipagkuwentuhan sa mga magulang ko. Hindi pa ako inaantok at binalak kong magbasa pero hindi ko naituloy nang makita ang libro ko noong bata pa. Kinuha ko iyon at binuklat. Natawa pa ako nang makitang may mga drawing iyon na mukhang kagagawan ko.
Hinaplos ko ang pahina. There's a nostalgic feelings inside me. Isang kuwintas ang bumungad sa akin sa sunod kong buklat ng pahina. Kumunot ang noo ko, hindi gaanong maalala kung akin ba iyon. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. It's a silver necklace na may letter G na pendant.
Bakit ito nandito? Is it mine? Bigla kong naalala ang regalo sa akin ni Papa sa isa sa mga kaarawan ko. Hindi ko na gaanong tanda dahil bata pa ako noon. Itinago ko iyon noon at halos hindi gaanong naisuot.
Binitawan ko ang libro at pumunta sa harap ng salamin. Isinuot ko ang kuwintas sa aking leeg. Napangiti ako at hinaplos ang letter G na pendant no'n. It looks good on my neck. I love it. Kaya naman hindi ko na tinanggal iyon sa aking leeg. Hindi ko na rin itinuloy ang pagbabasa.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school dahil maaga rin sila Mama. Si Zen naman ay nag-text sa akin kanina na nasa bahay pa lang daw nila dahil tinanghali nang nagising. Sanay naman na ako sa lalaking 'yon.
"Oh, nandito na pala si Kira."
Nakasalubong ko ang mga kaibigan ni Trek habang naglalakad, napatigil ako dahil huminto rin sila sa harapan ko. Mukhang may sasabihin. Hindi nila kasama si Trek.
"Kanina pa naghihintay sa'yo si Trek," ani Rage.
"Parang tanga nga, e. Kanina pa rin bulong nang bulong sa sarili," dagdag pa ni Shawn.
Nagtawanan sila at napangiti ako.
"T-teka..."
Nagtaka ako nang makitaan ng gulat si Owen habang nakatingin siya sa aking leeg. Napatingin din tuloy ako roon at hinawakan ang suot kong kuwintas. Napakurap-kurap si Owen at tila hindi makapaniwala sa nakikita. Mas lalo ko iyong pinagtakhan.
"Suot mo 'yong..."
Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin dahil sa gulat. Hinaplos ko ang pendant ng suot kong kuwintas at mas lalo siyang pinagkunutan ng noo. Ano ba'ng problema niya? At bakit parang kilala niya ang... kuwintas ko?
"Inangkin ka na nga talaga niya," kapagkuwan ay makahulugan niyang sinabi.
"I think you should go to him now, Kira," sumingit si Westley. "Mukhang nababaliw na siya."
Sinundan ko ng tingin ang tinitignan ni Westley at muli kaming nagtawanan nang mula sa kinaroroonan namin ay natanaw namin si Trek na pinupukpok ang sariling ulo. Nasiraan na nga yata ng bait.
Nagpaalam ako sa apat at ngumiti naman sila sa akin. Agad ko nang pinuntahan si Trek na agad umayos ng tayo nang makitang papalapit ako. Huminto ako sa kanyang harapan at agad nagsalita.
"Hinahanap mo raw ako."
Tumikhim siya. "Ah, o-oo. I want to ask you something and you can't say no."
Napangiwi ako. "May gano'n ba? Paladesisyon ka naman. Ano ba'ng itatanong mo?"
"Will you allow me to court you?" mabilis niyang tanong na halos hindi ko na maintindihan.
"Ha?" nasabi ko kahit naunawaan ko naman.
Nag-iwas siya ng tingin. Hindi siya makatingin sa aking mga mata. He looks uneasy and it's making me laugh. I chuckled while looking at his bothered face.
"Come on, Kira. I won't repeat it again."
"You're really asking me that?" natatawang sabi ko. "Hindi ka pa nanliligaw sa lagay na 'yan, ha? E, kung maka-angkin ka nga sa'kin ay parang girlfriend mo na ako."
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...