Chapter 4: Suspend
Kinabukasan ay sumabay ulit ako sa mga magulang ko sa pagpasok. Hinintay ko muna silang makaalis bago naglakad na. Marami-rami na ang students, karamihan ay mga nakatambay. May mga naglalaro din sa field dahil hindi pa masiyadong mainit.
"Angel!"
Bago pa man makalingon ay naramdaman ko nang may umakbay sa akin. Sumalubong sa aking paningin ang nakangiting mukha ni Zen pero may napansin akong kakaiba, meron siyang pasa sa pisngi.
Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin at namaywang sa kanyang harapan. Pinaningkitan ko siya ng mata at may pagtataka naman niya akong tinignan.
Tinuro ko ang pisngi niya. "Ano'ng nangyari d'yan?"
"Ah, nasali lang ako sa gulo kahapon noong pauwi na ako," sagot nito na parang wala lang iyon.
Hinawakan niya ang pisngi pero agad ding napangiwi nang siguro ay masaktan. Baliw talaga.
"At bakit ka napasali sa gulo?" may riin kong tanong.
Kilala ko siya. Hindi mahilig si Zen sa mga pisikal na away. At sino naman ang magtatangka sa kanya? Mapang-asar lang si Zen pero wala siyang mga kaaway.
"Ang galing pala makipagsuntukan no'ng lalaking nagkakagusto sa'yo, 'no? Kayang-kaya ka niyang protektahan–"
"Bakit mo naman kasama si Trek?" Kumunot lalo ang noo ko.
"Trek pala ang pangalan no'n? Parang pamilyar–"
"Ano ba kasi'ng nangyari kagabi? Bakit ka nakipag-away? Alam mong hindi ka puwedeng..."
Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil sa labis na emosyong nararamdaman. Nagtaas-baba ang aking dibdib sa matinding inis na nararamdaman. Nagiging padalos-dalos na naman siya, alam naman nitong makakasama iyon sa kanya.
"Nadamay lang ako, Angel. Pauwi na ako no'n nang makita ko 'yong mga kaklase natin na sila Trek. Akala ko ay may problema kaya hinintuan ko sila. Hindi ko naman alam na may away pala sila ng grupo ng lalaking nandoon. E'di, akala nila kasama ako sa mga kaibigan ni Trek kaya nadamay ako," paliwanag niya nang mapansin ang hitsura ko.
"Iyan ang nakukuha mo sa pagiging tsismoso. E, ano sana kung pinabayaan mo na lang sila at hindi ka na huminto?" sermon ko.
Ngumuso siya. "Gusto ko lang naman tumulong–"
"Hindi ka sanay sa physical na sakitan, Zen! Iyang pagtulong na sinasabi mo ay makakasama sa'yo!"
"Hindi ko naman alam na magkakaroon ng away ro'n, e. Angel naman."
"Mabuti at 'yan lang ang inabot mo," inis ko pa ring sabi.
"Kaya nga. Mabait pala 'yong si Trek kahit mukha siyang masungit, 'no?" Dinumbo niya ako sa balikat.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Alam mo bang sinalo niya ang lahat ng suntok na para sa akin? Para akong bidang babae sa isang palabas at kailangan niyang protektahan–"
"Kailan ka pa naging bakla?" putol ko sa pagpapantasya niya.
Sumimangot siya. "Angel talaga, palagi akong binabara."
"Tsk. Halika na."
Nauna ako sa paglalakad pero agad rin naman siyang nakasunod hanggang sa mauna na siya sa akin at nang hindi makuntento ay hinila niya ang kamay ko para mapasunod sa kanya. Pilit kong sinabayan ang malalaki niyang hakbang. May mga Estudyanteng napapatingin pero binaliwala namin iyon.
Nasa hallway kami nang biglang magkagulo ang mga Estudyante. Naging maingay sila at hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagtutulakan. Parehas kaming napahinto ni Zen, hawak niya pa rin ang kamay ko. Nilingon namin ang pinagmumulan ng komusyon at napataas ako ng kilay sa nakita.
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...