Chapter 6: Stay away
Sa hallway ay nakasalubong ko sina Tiffany at Zander na umagang-umaga ay may dalang mga pagkain. Hindi agad ako napansin ng dalawa dahil abala sila sa pagdadaldalan. Nang makita ako ni Tiffany ay itinuro niya ako kay Zander at kumaway sila sa akin. Ngumiti ako sa kanila. Tinakbo nila ang distansya namin.
"Uy, Kira! Saan ka pupunta?" si Tiffany.
"Sa classroom," tipid kong sagot.
Umakbay siya sa akin at kulang na lang ay halikan ako. Si Zander naman ay nanatili sa gilid namin.
"Mamaya na. Hindi pa naman oras ng klase. Tumambay muna tayo." Cute na ngumiti si Tiffany.
"Sige."
"Mm. Gusto mo?" Inalok nila ako ng pagkain na inilingan ko lang.
Sa tabi ng hallway ay may mga bench doon. Naupo kami at nagmasid sa paligid. Mataas na ang araw pero hindi naman mainit ang sinag nito, kaya naman masarap talaga ang tumambay. Hindi lang naman kami ang nandito.
"Hay. Ang guwapo talaga ni baby Rage ko." Halos kuminang ang mga mata ni Tiffany nang sabihin iyon.
"Guwapo nga pero hindi ka naman gusto." Putol ni Zander sa pagpapantasya ng aming kaibigan.
Masama siyang tiningnan ni Tifanny. "Panira ka talaga, e, 'no?"
"Girl, nagsasabi lang ng totoo." Umirap si Zander.
"Ha! Makikita mo at magugustuhan din ako ni Rage."
Lumingon ako sa tinitignan ni Tiffany. Sila Trek iyon kasama ang mga kaibigan niya. Mula rito ay tanaw ang tambayan ng mga students. Sa tuwing umaga at hapon ay maraming nakatambay roon, kung hindi mga nagkukwentuhan ay nagre-review.
Napalingon sa gawi namin si Trek at nang magtama ang aming tingin ay ngumiti ito. Hindi ko nagawang ngumiti pabalik at napatitig lang ako sa kanya. Ngumisi ako at napailing. Ang guwapo nga niya talaga.
"Oh my gosh! Girl, nakatitig sayo si Trek!" Tumili si Tiffany at hinampas ako sa braso.
"Bebs, nakakakilig kayo!" Halos sabunutan naman na ako ni Zander dahil sa panggigigil niya.
"Kaya nga! Alam mo 'yon? The way he looked at you, may paghanga sa mga mata niya." Ngumuso si Tiffany at muli akong hinampas sa braso. "Sana ganiyan rin sa akin si Rage!"
"Luh. Asa ka." Nag-ikot ng mata si Zander.
"Zander, nakakainis ka!"
"Good 'yan. Iniinis naman talaga kita."
Natatawang napailing ako nang magbangayan sila. Ngunit ang ngiti ko sa labi ay nawala nang muling magtama ang tingin namin ni Trek. Seryoso na siya ngayon at wala na ang ngiti kanina.
"Angel."
Halos magulat ako nang may umakbay sa akin. Paglingon ko ay sumalubong sa akin ang maamong mukha ni Zen. Ngumisi ito at pinitik ang noo ko kaya mabilis kong tinabig ang kamay niya.
"Kuya Zen! Ang sama mo kay Kira," saway ni Tiffany.
"Tiffs, gan'yan talaga kami maglambingan ng Angel ko." Pinanggigilan ni Zen ang magkabilang pisngi ko at matamis siyang ngumiti. "'Di ba, Angel?"
"Zen, kung ako sa'yo, titigilan ko na si Kira, dahil kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina ka pa nakabulagta riyan," si Zander.
Ngumisi si Zen sa akin. "Oo nga pala, nagdadalaga na ang Angel ko."
"E, ikaw? Kailan ka magbibinata? Eighteen ka na pero isip-bata pa rin," ganti ko.
"Angel, matagal na akong nagbinata. Nandoon ka pa nga noon 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...