Chapter 1: Strange
Everyone fell silent. Even Amethyst's group didn't say anything but a frown was visible on their faces. Sa isang iglap ay nabago ang pangyayari. Hindi ko inaasahan ito, hindi ko inaasahang may mangangahas na mangialam. Ang ipinakita sa akin ng mga mag-aaral ay ang pagiging duwag nila.
Tinignan ko ang lalaking tumulong sa akin at pagkatapos ay sa kamay kong hawak niya. Sa tingin ko ay hindi pa rin ako nakakabawi sa presensiya niya, hindi ko magawang sabihin na bitawan niya ako.
Who's this guy? Iyon ang tanong sa aking isipan.
Tinanguhan niya ang mga kasamang dumating. Ngumiti ang ilan at tumango rin na tila nagkaintindihan sila kahit hindi magsalita. Sa tingin ko ay mga kaibigan niya ito.
I lost my words, like those girls who bullied me. Kakaiba talaga ang epekto ng lalaki. I even let him drag me out of the commotion. Tila nawala ang tapang ko kanina. Ganoon lang kadali at natahimik ako.
"Sandali..." I called his attention.
Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin pero mahigpit iyon. He turned around to face me. I immediately looked away when our eyes met, his eyes look dangerous. Nakakatakot tignan. Nagbibigay iyon ng kakaibang kaba sa akin.
"Iyong libro ko."
I pointed my books that he's still holding. Instead of giving it back to me, he tilted his head as if studying my face.
"Do you have extra clothes?" he asked in a baritone.
Bumaba ang kaniyang tingin sa basa kong damit. Nagtagal ang mga mata niya sa aking dibdib na bahagyang nakikitaan ng balat dahil sa pagkabasa. Bumalik sa aking isipan ang mga nangyari, ang iritasyon ko para sa mga babaeng iyon ay hindi maisatinig.
Agad akong nag-isip ng sasabihin, ayaw ko nang magtagal na kasama siya. Naiilang ako sa kaniya, lalo na at hindi ko naman siya kilala. Nagpapasalamat ako sa naging tulong niya pero hindi na niya kailangan pang dagdagan ito.
"Wala. Pero okay na ako-"
Naputol ang sasabihin ko nang muli niya akong hinila. Naitikom ko ang bibig at bumaba ang tingin sa kamay kong hawak niya. It feels warm. Kahit medyo mahigpit ay may kasama pa ring ingat.
I just found myself in the locker area with this guy. He let go of my hand to open one of the lockers, I guess it is his. Kahit may ideya na ako kung ano ang gagawin niya ay hindi pa rin ako nagsalita, nakakatakot kasing kausapin ang lalaki, tila sariling opinyon niya lang ang pakikinggan.
"Wear this," aniya at inabot ang isang puting T-shirt na tingin ko ay kanya.
Napailing ako at hindi nagawang tanggapin iyon.
"Hindi naman ako masyadong nabasa. Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan-"
"Wear this," may riin niyang sabi, para bang kahit anong sabihin ko ay ipapasuot niya pa rin iyon sa akin.
Bumuntonghininga ako at tinanggap ang damit. Hindi naman talaga ako masyadong nabasa pero mukhang mas nababahala pa siya kaysa sa akin. Sa totoo lang ay isang kalabit na lang at maiinis na rin ako sa kanya, I feel like he's being bossy. Ni hindi ko nga siya kilala.
"Salamat," tipid kong sabi at nagpakawala ng isang pilit na ngiti.
Hindi ko na hinintay na muli niya akong hilain. Nagtungo ako sa comfort room at doon nagpalit ng damit. Pagkatapos ayusin ang sarili sa harapan ng salamin ay lumabas din ako at nagulat pa nang makitang nakasandal sa pader ang lalaking tumulong sa akin, mukhang naghihintay.
As if he noticed my presence, he looks up and his eyes met mine. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko. Nag-iwas agad ako ng tingin, hindi ko siya matagalan. There's something on him that I couldn't stand. He's just too much.
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...