Chapter 3

59 8 2
                                    

Chapter 3: Zen

Hindi ako makapaniwala. Mabilis kong nakalimutan ang ginawang paghalik sa akin ni Trek, para bang hindi ko iyon inayakan, parang walang nangyari, parang tanggap na ng sistema ko, parang ayos lang iyon. At mas lalong lumala ang iritasyon ko para sa sarili dahil sa mga sumunod na araw ay hinahayaan ko pa rin siyang lumapit sa akin.

"Hindi ka magbi-break?" tanong niya noong Huwebes, parang sanay na sanay na sa akin.

Umiling lamang ako.

"Hoy, Trek! Hindi ka na naman sasama sa amin?" sabi ng kaibigan niyang si Shawn.

Sa ika-apat na araw ko rito sa Saithon ay alam ko na ang mga pangalan nila. Ang grupo kasi ng mga ito ang palaging natatawag at napapagalitan ng teacher dahil sa pagiging pilyo. Halata naman.

"Hindi ba kayo makaalis nang wala ako?" sarkastikong balik ni Trek sa kaibigan.

"Gago! Sa dami ng kaaway mo baka kami ang abangan d'yan," pabirong sabi ni Owen.

"Iyong grupo ni Zaijan, mainit na naman ang mata sa atin." Si Rage naman iyon, siya 'yong maangas din magsalita.

"Tsk. Umalis na kayo! Kung pinakialaman kayo, e'di, patulan niyo. Bahala na kung ma-guidance, sasamahan ko naman kayo."

Napailing na lamang ako sa mga naririnig sa kanila. Normal lang sa kanila pag-usapan ang pagiging bayolente. Talaga namang mahilig sa gulo ang grupo ni Trek. Hindi ko nga rin alam kung bakit napunta sila sa Section A.

Nagpaalam sila sa isa't isa at nang makalabas ang mga kaibigan ni Trek ay hinarap niya ako. Kagaya ng palagi kong ginagawa ay nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tumitig sa mga mata niya, dahil may nakikita ako roon na hindi ko nagugustuhan.

"May mga kaibigan ka naman nang kasabay, bakit hindi ka pumunta sa canteen?" aniya.

"Hindi pa ako siguro sanay," sagot ko lang.

Kaonti lang kaming naiwan sa classroom. Mabibilang lang sa daliri at tahimik pa ang iba. Ngunit kalaunan ay umalis din ang mga ito hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira doon. Sa tingin ko ay umalis lang ang iba naming kaklase dahil naiilang sila kay Trek, gano'n kalakas ang epekto niya.

"Mm..." Napatango-tango siya at pinaglaruan ng daliri ang kanyang labi. "Gusto mo ibili na lang kita?"

"Hindi na. I'm not hungry too."

Tumango ulit siya. "Kumportable ka na ngayon sa akin?"

No, I'm not comfortable when he's around but I'm starting to get used to his presence. Siguro ay puwede ko rin siyang maging kaibigan, kagaya ni Zen.

"Ikatlong araw pa lang natin na magkakilala, sa tingin mo kumportable agad ako sa'yo? Hindi ko alam kung seryoso ka ba talaga sa ginagawa mo pero bahala ka na. Kahit naman anong reklamo ko, sa huli ay ikaw pa rin ang magagalit. Na sa iyo pa rin 'yong desisyon kung lalapit ka, wala akong magagawa."

"Para ka namang galit na galit sa akin," pabiro niyang sabi.

"Sinong babae ang hindi magagalit sa ganitong pang-uuto mo sa akin?"

"Hindi nga kita inuuto lang–"

"E'di, hindi kung hindi. Basta ganoon iyon."

"Actually, ikaw lang 'yong nagalit."

"E'di, may mga babae ka pang ginulo nang ganito, kung gano'n?" Nagtaas ako ng kilay, ngayon ay may lakas na ng loob na tignan siya sa mata.

He chuckled. "No. You got it wrong, love. Ikaw lang ang nagustuhan ko, hm?"

"Nadulas ka na nga, itatangi mo pa. Alam kong play boy ka," akusa ko.

"Whoa, I'm not. Ikaw lang naman ang babae ko, paanong naging playboy 'yon?" aniya.

Pure Intention (Possession Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon