Chapter 7:Pinsan
Galit pa rin ang ekspresyon ni Trek at kahit wala na si Zaijan ay parang gusto niya pa rin ng away. Buong lakas kong hinablot ang kamay kong hawak niya at dahil sa ginawa kong iyon ay nahulog ang hawak kong paper bag. Natapon ang mga laman no'n.
"I'm sorry..." marahang sinabi ni Trek at akmang hahawakan ang kamay ko pero hindi niya naituloy iyon nang makita ang laman ng paper bag na natapon sa sahig.
Nagsalubong ang mga kilay ni Trek. Hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
"What the fuck are you reading, Kira?"
"Hindi akin 'yan!" Nakasimangot ko nang sinabi.
Lumuhod siya at pinulot ang mga nahulog ko. Masama niyang tinignan ang mga libro na parang may kasalanan ang mga iyon sa kanya. Sa pagtayo niya ay agad siyang dinumog ng kanyang mga kaibigan. Pinag-agawan nila ang mga libro. Si Trek naman ay tumitig sa akin na tila nanghihingi ng paliwanag.
"Hala, Kira, ano 'to? Ilang taon ka na nga ulit?" si Shawn na tila napakalaki ng kasalanan ko.
"Seventeen..." mahinang sabi ko at nag-iwas ng tingin.
"Hala ka d'yan," tila gulat na sabi ni Owen. "Bawal ka pa magbasa ng gan'yan. That's for eighteen and above."
"Angas ng book cover, oh!" Humalakhak si Rage at pinakita ang librong hawak. "Eight pack 'yan, oh. Meron ka ba n'yan?"
"Meron ako niyan! Iuntog pa kita sa abs ko," pagyayabang ni Shawn.
Napatingin ako kay Westley na siyang tahimik lang sa kanila. Binubuklat na niya ang librong hawak at base sa nakikita kong galaw ng kanyang mga mata ay binabasa niya iyon. Nang balingan ko naman si Trek ay masama na ang tingin niya sa akin.
"What are these, Kira? Sino'ng nagbigay ng mga ito sa'yo? You're just seventeen, you can't buy these kind of books," seryosong tanong nito.
"Hindi nga akin 'yan. Hindi naman ako makakbili niyan, e–"
"That's why I'm asking you, Kira. Who bought you these?" may riin ang pagtatanong niya.
Nakayuko ito sa akin at pilit sinasalubong ang aking tingin pero sadyang umiiwas ako. Sa sobrang seryoso ni Trek ay hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.
"Those are mine!" Isang tinig ang pumukaw sa amin.
Nilingon namin ang pinanggalingang ng boses. Salubong ang mga kilay na nagmartsa palapit sa amin si Coreen. Inagaw niya ang paper bag kay Trek at sunod niyang kinuha ang iba pang libro na binabasa na ng mga kaibigan nito.
Hindi makapaniwalang tinignan siya ng mga kaibigan ni Trek. Sinundan pa nila ng tingin ang mga librong ibinalik ni Coreen sa paper bag. Nang matapos ay umirap si Coreen sa kanila.
"Don't look at me as if you are not watching fifty shades of gray too."
Napamaang na lang ang mga lalaki sa huling mga salitang binitawan ni Coreen bago tila modelong naglakad paalis. Bumuntonghininga naman ako at napatingin kay Trek na hindi pa rin ang natatanggal ang nagdududang tingin sa akin.
"Damn, bro. Nabasa ko, step by step!" Manghang sinabi ni Rage.
"At least, nagbabasa lang kami!" Depensa ko, hindi na napansin na inilaglag ko na pala ang aking sarili. "E, kayo? Nakikita at naririnig niyo."
"So, you are reading those?" Trek asked flatly.
Ngumuso ako at hindi na lang nagsalita. Pinaglaruan ko ang aking mga daliri. Napahilot sa sintido si Trek na tila problemadong-problemado ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...