Chapter 24: Friend
Nalunod ang ingay ng mga mag-aaral sa dami ng iniisip ko. Nakatanaw ako sa bintana ng classroom namin at pinagmamasdan ang mga dumadaan ngunit naglalabay sa ibang mundo ang isipan ko. Kanina pa kami nakarating sa classroom, may kanya-kanya nang ginagawa ang mga kasama ko. Hindi na ako nakapagpaalam kina Tiffany at Zander dahil sa pag-uusap namin ni Trek.
"Angel, what's bothering you?"
Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang marahang boses ni Zen. Napatingin ako sa kanya. Lumayo ito ng kaonti sa akin nang ginawa ko iyon.
"Huh? Wala naman," sagot ko at saglit na nagnakaw ng tingin kay Trek.
He's seriously looking at us. Hindi ko siya natagalan at agad ring bumaling kay Zen.
"Anong wala? Kanina ka pa tulala at malalaim ang iniisip. Hindi ka naman ganyan. Ano'ng problema?" Sunod-sunod niyang turan.
"Ano ka ba!" I laughed and waved my hand in the air. "Wala! Ayos lang ako. Iniisip ko lang 'yong binabasa ko sa wattpad ngayon. Parang hindi ka pa sanay, ah."
"Hindi mo naman sinabi agad." Sumimangot diya.
"E, agad kang nag-conclude," I fired.
Nang araw na iyon ay madalang lang kaming mag-usap ni Trek. Hindi ko maiwasang mag-alala. Kahit palagi niya akong binibigyan ng assurance ay natatakot pa rin ako na baka bigla na lang siyang magsawa. Sa uwian ay sumama rin siya sa amin ni Zen na maghintay ng sundo ko.
Sa sumunod na araw ay okay naman na ulit kami hanggang sa parang hindi na nangyari ang pag-uusap naming iyon. Nag-iingat na rin ako sa mga nagiging kilos tuwing nandiyan si Zaijan, lalo na at ayaw talagag tigilan ni Zen iyon. Hindi ko alam sa lalaking iyon at pursigidong maging kaibigan si Zaijan.
My days at Saithon University went smoothly like that. Hindi ko namalayan ang mga araw na lumipas. Kung babalikan ay parang kahapon lang nang unang araw ko rito, hindi ko pa kasama si Zen noon. And then, there's Trek. I can still remember our first encounters here. Kung 'yong dating ako, hindi siguro makapaniwalang magkasama pa rin kaming dalawa ngayon.
"Ano'ng binasa mo ngayon?"
Napatingin ako kay Coreen nang magtanong siya sa akin. Hindi ko rin alam kung paano nangyari na malapit na kami ngayon. Simpleng mga interaction lang naman dati hanggang sa bigla na lamang kaming naging malapit, maging kina Tiffany at Zander nga.
"I'm re-reading something spectacular," sagot ko at tumingin sa aming harapan.
Nasa tapat kami ng aming classroom. May mga benches dito kaya may upuan kami. Mula rito ay kita ang malawak na field, ganoon na rin ang tambayan ng mga Estudyante. Sa hindi kalayuan ay tanaw namin sina Zaijan at Zen. Kasama namin si Zen kanina pero nang makita ang pinsan ni Coreen ay umalis at pinuntahan ito.
"Ang lupit mo naman pala." She smirked.
Alam naming pareho kung ano ang nangyari sa kuwentong iyon kaya niya naman nasabi iyon.
"Oy, nagbo-bonding kayo nang wala ako, ha!"
We both heard Tiffany's little voice. As usual, Zander is walking behind her with his hands in his pockets. Mabilis silang nakarating sa amin.
"Doon ka kila Kuya Zen, girls time 'to!" Ipinagtabuyan niya si Zander.
"Puwede naman siya sa girl time," nakangising sabi ni Coreen.
Kung noon ay nag-iilangan pa sila, ngayon ay nakakapagbiruan na ang mga ito. Halos mabingi nga kami ni Tiffany sa araw-araw na pagbabangayan nina Zander at Coreen.
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...