Chapter 11

18 3 2
                                    

Chapter 11: Report

Alas sais pa naman ang punta namin kila Trek kaya hindi agad ako naghanda dahil maaga pa. Ang hindi ko inaasahan ay ang maagang pagpunta ni Trek sa bahay. Nagpaalam naman na ako sa mga magulang ko. Nagkaroon sila ng mga tanong pero pinayagan naman ako.

"Eh, paano 'yan? Kasama mo ba si Zen?" Ang isa sa mga naging tanong nila.

"Hindi po," mahinahaon kong sagot.

"E, sinong maghahatid at sundo sa 'yo, kung gano'n?"

Mula pa noon ay si Zen na talaga ang inaasahan nila sa ganyan. Parang naging responsibilidad pa tuloy ako ni Zen. Pero gustong-gusto naman niyang ginagawa iyon. Spoiled ako kay Zen.

"Ang sabi ni Trek ay susunduin at ihahatid niya po ako," mahina kong sabi.

Hindi naman nila kilala si Trek. Isa pa ito sa mga pangamba ko, hindi nila alam na mayroon akong manliligaw. Hindi naman ako natatakot sa maaaring maging reaksyon nila, pero hindi naman sila sanay na may ibang lalaking konektado sa akin.

"At sinong Trek naman iyan?"

Naging malikot ang aking mga mata. How should I answer that? My classmate, or my suitor?

"Kaklase ko po, Ma," mahinang sagot ko.

My mother raised an eyebrow. "Kaklase lang?"

Nag-alinlangan pa ako pero sinagot naman siya ng tapat.

"Manliligaw ko po." Nanatiling mahina ang boses ko.

Believe me, I heard my mother gasped dramatically. Si Papa ang nanatiling tahimik, ngunit iyon nga ang mas nagbibigay ng palaisipan sa akin. Hindi ko kasi alam kung ayos lang ba sa kanya ang mga sinabi ko o hindi. Mas mabuti na 'yong alam ko 'yong opinyon nila tungkol dito.

"Kailan pa? Hindi mo man lang sinabi sa amin! Naku, batang 'to." Namaywang si Mama na tila problemadong-problemado sa akin.

Napanguso ako. Alam ko namang hindi sila tututol dito. They never told me that I am not allowed to have a suitor, or they weren't expecting that I will allow someone to court me.

"Hayaan mo na ang anak natin, Kiela. Malaki na si Kira." Nanatiling mahinahon si Papa.

"Ni hindi ko nga kilala ang Trek na iyan! Paano kung saktan niya ang Kira natin!"

I never had a boyfriend before, that explains my mother's reaction. Nasanay yata siyang si Zen lang ini-entertain kong lalaki. I can't blame her though. I'm their only daughter.

"Uh... Hello po."

And that's when Trek came. I don't know if I should be thankful that he's here or not. Mabilis kong nilingon ang pintuan. And there he is, standing proudly with his fresh look while staring weirdly at us. He said that he'll pick me up but I didn't expect him to be this early! It's not even five-thirty yet! Masyado naman siyang maaga kung six ang simula namin.

"Who are you, young man?" My mother used her strict voice, raising one of her eyebrow.

Lumingon sa akin si Trek bago sumagot kay Mama. Hindi ko na alam ang dapat gawin. Pupuntahan ko ba si Trek at kakausapin? Pero mas pinili kong manatili lang sa aking kinatatayuan.

"Trek Guttierez po, mam–" Kinagat nito ang pang-ibabang labi at binago ang sasabihin. "–ma'am."

Muli siyang tumingin sa gawi ko at nang magtagpo ang aming mga mata ay sinamaan ko siya ng tingin. Kumindat ito sa akin pero nang lapitan siya ni mama ay agad napa-ayos ng tayo.

"A Guttierez, huh?" mabagal na sinabi ni Mama. "Are you familiar with Madame Florence Guttierez?"

"She's my grandmother po," pormal na sagot ni Trek.

Pure Intention (Possession Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon