Chapter 9

20 3 0
                                    

Chapter 9: Bitawan mo

He's smiling widely like what he has said is going to happen. I can't help but to roll my eyes at him. Nasasanay naman na ako pero napakahangin niya talaga. Para bang lahat ng gustuhin niya ay makukuha niya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Inabala ko ang sarili sa pagmamasid sa iba't ibang mga bulaklak dito sa garden, may mga puno rin, halos lahat ng makikita ay kulay green. Maganda rito, payapa at tahimik. Marami ang tumatambay rito tuwing break time.

"How can you be so sure na papayag akong maging girlfriend mo?" I asked without looking at him.

"Well, that's my purpose of courting you, right? Hindi mo naman..." Naging mabagal ang pagtatanong niya. "...siguro ako papayagang manligaw kung... wala kang balak sagutin ako... 'di ba?"

Napangisi ako sa sinabi niya. Halatang walang alam sa mga ganito. And he said he courted my cousin. Ibig sabihin ba no'n, inaasahan niya rin noon na magiging sila? Kung gano'n, bakit hindi naging sila?

"Did you really think that getting a girl is that easy, hmm?" I said slowly.

Nilingon ko siya. He looks confused. Nawala ang kaninang ngiti niya at nagsalubong ang makakapal niyang kilay. I can't help but smirk to his reaction.

"Don't smirk, love. You're making me nervous," aniya.

"Halata nga sa mukha mong kinakabahan ka." I chuckled. "But don't worry, nakadepende sa'yo ang panliligaw mo. Kapag nagsasawa ka na, feel free to stop your 'panliligaw'."

"But you will eventually say yes to me right?" There's a hint of hope on his voice.

"I told you before, it's not hard to like you. I honestly admire you–"

"Talaga?"

His lips formed into a smile like a boy who just got praised by his Mom. He looks cute again with that childish act.

"Parang nagulat ka pa? Just who wouldn't..." Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan niya. "You're attractive, you get everyone's attention effortlessly because of your looks, and you're intelligent, at the same time cool."

Ngumuso siya na tila nagpipigil ng ngiti. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at umiwas siya ng tingin nang hindi na nga mapigilan ang pagngiti. Kung hindi lang siya si Trek, iisipin ko nang kinikilig siya. 

He still looks good even in his side view. Dumagdag pa ang bad boy look niya sa lakas ng kanyang dating. His every action and every simple gesture could make every girl feel butterflies on their stomach. He's just effortlessly handsome.

"... pero hindi sapat ang lahat ng iyon para masabi kong gusto kita," dagdag ko.

Nawala ang ngiti niya at tila hindi makapaniwalang tinignan ako.

"E, 'di ba, magkapareho lang naman 'yong admiration at like?"

"May pinagkaiba 'yon. Paghanga is paghanga. You admire the person but you don't want a deeper relation with them. While like, it is something deeper."

"But paghanga can turn into something deeper too," hirit niya.

"Hm, yes. Tama naman." I nod and smiled at him.

"Tsk. I just want to be selfish already," frustrated niyang sabi. "Gusto kitang ipagdamot sa iba. Please, like me, love. Like me, please."

Hindi rin kami nagtagal do'n. Ako ang nagyayang bumalik na kami sa classroom. Maaga pa naman, pero ano lang ang gagawin namin doon? Ayoko naman sa isiping lalandiin lang ako ni Trek do'n.

Habang naglalakad pabalik sa classroom ay ang dami niya pa ring sinasabi na tungkol sa amin. Nakapamulsa siyang naglalakad at nakatingin sa akin, mabuti at hindi siya nadadapa.

Pure Intention (Possession Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon