Chapter 12: Squat
Maayos na natapos ang reporting sa araw na iyon. We all did well, except from Zen who keeps his pride high. Habang nagre-report ang mga kasama niya ay ginagaya niya ang mga ito sa maliit at pambatang tinig. Tunany nga'ng isip-bata siya at minsan hindi iyon nakakabuti sa kanya.
Nang matapos ang klase sa araw na iyon ay nauna na ako sa paglabas at hindi na hinintay pa ang mga lalaki. Nakita ko sa hallway sina Tiffany at Zander. Naghaharutan silang dalawa roon at mukhang naghihintay sa amin.
Nilapitan ko sila. "Hi! Tapos na ang klase n'yo?"
"Kira!" Tiffany showed me a cute smile.
"Oo," sinagot naman ni Zander ang tanong ko. "Where's Zen?"
"Naiwan pa sa classroom."
Hinintay namin si Zen. Hindi naman puwedeng iyon namin iyon dahil siguradong uulanin kami ng mga tantrums niya. Nagkuwentuhan kaming tatlo room habang naghihintay.
Napaayos ako ng tayo nang lumabas na ang grupo ni Trek. Ganoon din ang ginawa ng dalawang kasama ko. Halos maglambitin sa braso ko si Tiffany nang makita niya si Rage, lalo na at lumapit sila sa amin. Panay ang impit na tili nito at narinig ko ang mahinang saway ni Zander sa kanya.
"Susunduin ka ba ng mga magulang mo o ihahatid ka ni Zen?" paunang tanong ni Trek.
Nanatili sa kanyang likuran ang kanyang mga kaibigan. Nang tignan ko ang mga ito ay pare-pareho silang nagpakita ng ngiti. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Tiffany sa akin. Kinikilig na naman siya, duda akong hindi iyon napapansin ni Rage.
"Susunduin daw ako nila Papa," sagot ko sa tanong ni Trek.
"Mm." Napatango-tango siya. "Mauuna na akong aalis, may lakad kami ng mga kaibigan ko."
Kumunot ang noo ko ngunit sa huli ay ngumuso at napatango lang. Madalas ang mga lakad nilang ganito at hindi ko maiwasang ma-curious kung saan sila pumupunta at kung ano'ng ginagawa nila.
"We are going. Bukas na lang ulit."
Muli akong tumango. "Sige."
Umalis ang mga ito at sinundan namin sila ng tingin. Para silang mga hari ng daan kaya hindi ko maiwasang mapangiwi. Ang yayabang talaga nila. Mahirap nang itanggi iyon.
"Yie! Rage, akin ka na lang..." maliit ang boses na sabi ni Tiffany, siguro ay para hindi marinig ng lalaki.
Hinila ni Zander ang dulo ng buhok niya dahilan upang samaan niya ng tingin ang kaibigan. Natawa ako at inilingan na lamang ang bardagulan nila.
"Tara?"
Napalingon kami nang sa wakas ay marinig ang boses ni Zen. Hindi ko alam kung ano pa'ng ginawa niya sa classroom pero nang umalis ako kanina ay may mga kumausap pa sa kanya.
"Tagal mo, Kuya." Sumimangot si Tiffany.
"Ikaw nga ay may oras pang magpantasya kay Rage," mabilis na pambabara ni Zander.
"Epal nito."
Maingay sa hallway dahil marami na ang Estudyante na pauwi. Nakipagsabayan kami sa paglalakad at nakikipaglabanan din sa lakas ng boses ang mga kasama namin. Harutan sila nang harutang dalawa at nakikitawa na lang kami ni Zen.
"Bakit ba palagi mong pinagdidiskitahan 'yang buhok ko?" singhal ni Tiffany matapos hilain ni Zander ang dulo ng buhok niya.
"Ang haba, e. Tapos palaging naka-pig tail. Sarap hilain."
"Sus. Inggit ka lang. Gusto mo rin ng ganito 'no?" Asar ni Tiffany.
"Hindi ko pinangarap, mahal ko," mataray na sagot naman ng isa.
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...