Chapter 15: Sick
Natapos ang palabas na tahimik na ako. Sa paminsan-minsan kong paglingon kay Trek ay palagi ko siyang naabutang nakatingin sa akin. Mukhang hindi naman nanonood. Kaya naman nang makalabas kami sa sinehan ay wala akong masabi sa kanya tungkol sa pinanood namin.
Nasa sasakyan na niya kami at pauwi na nang tumunog ang kanyang cellphone. Parehas kaming napatingin doon. Nagpokus din naman agad siya sa pagmamaneho. I don't know who messaged him pero baka importante.
"Can you read it for me, love?"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Uh, ikaw na lang siguro mamaya," sabi ko.
"Check it for me, please? Baka importante," aniya naman.
Hindi na ako nakapagsalita. Tumango na lamang ako at kinuha ang cellphone niya. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang plain wallpaper niya. Walang password. Tinignan ko ang mensahe. Hindi ko alam kung kanino galing dahil hindi naman pangalan ang nakalagay.
From: Sira-ulo
Hoy, Trek! Lez go raw sa PB mamayang gabi.Nag-angat ako ng tingin kay Trek. "Punta raw kayong Poseidon mamayang gabi. Sira-ulo ang contact name."
"It's Shawn. Reply-an mo," aniya.
"Ah... ano'ng sasabihin ko?" Tanong ko.
"Kahit ano. Bahala ka na," sagot niya, nasa daan pa rin ang tingin.
"Ha? Eh..."
Paano pala kapag sinabi kong hindi siya sasama? Napailing ako at nagtipa na lamang ng reply para sa kanya. Hindi naman niya siguro ipapaubaya ang pagre-reply sa akin kung hindi niya gusto ang magiging sagot ko.
To: Sira-ulo
Sige, Shawn.Iyon lamang ang naisip kong sabihin. Wala pang isang minuto ay nagreply agad ito.
From: Sira-ulo
Whoa! Bago yan, ah. Ang ayos mong kausap ngayon, hindi ka nagmumura.Nangunot muli ang noo ko sa reply niya. Nilingon ko si Trek at ipinakitang nagmensahe ulit si Shawn. Tumango ito at sumenyas na reply-an ko ulit.
To: Sira-ulo
Si Kira 'to. Ako ang nagreply sa'yo. Nagmamaneho kasi si Trek.From: Sira-ulo
Eh?! Kira?! Naks naman kaya pala ayaw paistorbo ng kaibigan namin. 😏😏😏To: Sira-ulo
Nasabi ko naman na kay Trek ang mensahe mo.From: Sira-ulo
Sige, Kira. Salamat po!Hindi na ako nag-reply pa at binalik na ang cellphone ni Trek sa pinagkuhanan ko nito. Saglit niya akong binigyan ng tingin.
"Pumayag ka?" He asked.
"Mm-mm." Tumango ako. "Dapat ba hindi?"
Ngumiti lamang siya at pinilig ang ulo. Pagkahatid sa akin sa bahay ay pumasok pa siya para makipag-interaksyon sa mga magulang ko, pagkatapos no'n ay agad rin siyang umalis. Hindi na ako nag-online pa nang gumabi, may lakad rin naman si Trek. Nagbasa na lamang ako sa wattpad app ko.
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...