Chapter 19: Text
Nag-bonding lang kami kaonti at nagpaalam din silang aalis na. Sinamahan pa ako ni Mama na ihatid sila sa gate, halos hindi tuloy sila makaalis-alis dahil napapahaba pa ang usapan. Lalo na itong si Zen na ang dami-daming sinasabi sa Mama ko. Ayaw naman mauna noong iba, nalulugi yata sa bonding.
Natapos ang araw na iyon na puno ng kapayapaan ang puso ko. Isinantabi ko ang mga negatibong isipin at nagpasalamat na lang sa magandang nangyari sa aking kaarawan.
Naging maayos ang mga sumunod kong araw sa Saithon. Medyo gumaan din ang relasyon ko sa aking mga kaklase, hindi na katulad noon na tila lahat sila ay ilag sa akin. Siguro ay nagkakasanayan na rin sa presensiya ng isa't isa. Ilang buwan na rin naman kasi ang lumipas.
"Ano? Punta kayo sa birthday ng pinsan ko, ah," ani Shawn na hindi na kami binigyan ng pagkakataon na tumanggi.
"Ilang beses mo nang sinabi 'yan," sagot ni Westley.
Shawn mocked his way of speaking. Sumama agad ang tingin ni Westley sa kanya.
"18th birthday, hindi ba? 'Di naman kaya nakakahiya?" Si Owen.
"Hindi 'yon. I will introduce you all to her. Wala kasing kaibigan si Claire," sagot ni Shawn.
Nakikinig lamang ako sa usapan nila, ganoon din ang katabi kong si Trek. Si Zen naman ay abala sa cellphone niya. Kanina pa nga ako nagtataka dahil ang seryoso ng mukha niya. Naka-landscape ang cellphone niya kaya hula kong naglalaro siya dahil nagpipindot sa screen.
"Huy, ginagawa mo?" Mahina kong tanong at binunggo siya sa balikat.
" Wag malikot, Angel," aniya lang nang hindi man lang tumitingin.
Dahil sa kuryosidad ay sinilip ko na ang ginagawa niya. Hindi ako makapaniwala nang makitang naglalaro siya ng Pou. Wala naman na 'yan sa cellphone niya noon.
"Trip mo?" Naitanong ko.
"Tatalunin ko si Zaijan," simpleng sagot niya.
Magsasalita pa lamang sana ako nang maramdaman ang marahang hila sa aking braso. Nagtataka kong nilingon si Trek na nakahawak sa akin kahit nasa mga kaibigan naman ang tingin niya. Napalayo ako kay Zen dahil sa marahang paghila niya sa akin.
"Sa 26 na iyon 'di ba?" Tanong naman ni Rage.
"Oo. Tangina niyo, umayos kayo ro'n, ah. Strict parents no'n."
"Oh, tapos inaasar mo kay Westley?"
Hindi nakapagsalita si Shawn sa balik ni Trek sa kanya. Nagpatuloy lang sila sa kuwentuhan. Nagpaalam na lang ako na pupuntahan muna sina Tiffany at Zander. Hindi pa naman nagsisimula ang first period sa araw na iyon. Naiwan na si Zen sa kanila.
Pumunta ako sa classroom ng nila Tiffany. Namataan ko agad ang mga pamilyar na mukha roon, katulad na lamang nina Dyn, Lazarus, at Warius. Gano'n pa man, si Zaijan ang unang nakapansin sa akin. Umangat ang tingin niya sa akin mula sa cellphone. Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago nilingon ang puwesto nila Tiffany.
Nagulat ako nang itigil niya ang ginagawa sa cellphone at tumayo. Nilapitan niya si Zander at tinapik ito sa balikat. Nang lumingin sa kanya ang kaibigan ko ay itinuro niya ako na nakatayo sa pintuan nila. Umalis din agad si Zaijan pagkatapos no'n.
Agad kong nakitang kinausap ni Zander si Tiffany. Agad ang paglingon ng babae sa akin at malaking ngumiti. Nilapitan ako nito at parang buntot niyang sumunod si Zander. Nakita kong sinundan sila ng tingin ni Zaijan.
"Hi, Kira! Ba't nandito ka? Nakita ko kayong nakatambay kanina, ah," pauna ni Tiffany.
"Nabagot ako ro'n. Puro sila mga lalaki." Sumimangot ako.
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...