Chapter 13

10 2 0
                                    

Chapter 13: Date

"Akala ko maging ang teacher ay hindi mo pakikinggan," sabi ko kay Trek nang pabalik na kami sa aming upuan.

"Teacher 'yon, alangan bastusin ko." Ngumuso siya.

Napangiti ako at pabirong tinapik siya sa balikat. "Good 'yan, 'tol."

He frowned. "Don't 'tol me, woman. Why don't call me love, instead?"

Natawa ako sa tinuran niya. "Huwag ako, Guttierez. Naaalala ko si Zaijan sa pagtawag mo sa akin ng woman."

Agad sumama ang mukha niya sa sinabi ko. "Since when did you get close to that sleepyhead?"

"Hindi nga kami close." Ngumuso ako.

Napatingin siya sa labi ko, kapagkuwan ay umiwas siya at napasinghal.

"He even kissed you. That bastard." Tila ba sarili niya ang kinakausap dahil mahina lang iyon.

"Wala nga lang 'yon. Nakalimutan ko na nga, eh. Mas apektado ka pa sa akin," sabi ko.

"I will not forget that for ten years–"

"Grabe ka!" Natawa ako.

"Asus! Huwag kayong maglandian kapag nakikita ko, nakakainis!"

Dumaan sa gitna namin ang nakabusangot na si Zen. Natawa ang kasunod niyang si Owen. Napailing ako at nagtungo na rin sa upuan ko. Trek stick his tongue out to Zen, nang-aasar. Kapagkuwan ay umupo na rin ito sa tabi ni Owen.

Sa sumunod na subject ay nagpokus na ako sa lesson at hindi na pinagtuonan ng pansin ang pag-aasaran ng mga lalaki kahit magkakalayo sila ng upuan. Paminsan-minsan naman akong kinakausap ni Zen pero agad rin naman akong nakakabalik sa pakikinig.

"Aish!" Nag-inat ng katawan si Zen at kapagkuwan ay hinarap ako. "Angel, tara sa canteen!"

Break time na namin kaya nagyayaya ito. Hindi ko na lang siya sinagot at inayos na ang mga gamit kong nilabas kanina, sa canteen naman talaga ang punta namin. Nakasunod sa amin ang grupo ni Trek nang maglakad kami sa hallway. Hindi natigil ang harutan nila. Parang hindi sila nagsasawa sa isa't isa.

"Kuya Zen! Kira!" Tiffany waved at us.

Nagmi-miryenda na sila ni Zander nang datnan namin. Umupo ako sa tabi ni Tiffany at sa kabilang gilid ko si Zen na katabi naman ni Zander.

"Nahuli ba kayong pinalabas o sadyang napakabagal n'yong lumakad papunta rito?" Halos sarkastikong sabi ni Zander.

"None of the above," sagot ni Zen, pinantayan ang pagiging sarkastiko ng kaibigan namin.

The gay just rolled his eyes to my best friend.

"Nakita ko kayong tumatakbo sa hallway kanina." Uminom si Tiffany ng juice bago nagpatuloy. "Na-late kayo?"

"Mm." Tumango ako, natatawa pa.

"Eh, bakit naman kayo na-late?" Si Zander.

"Hindi namin namalayan ang oras. Napasarap ang kuwentuhan," tipid kong sagot.

"Ayan, 'teh, chismis pa."

"Pinag-squat nga kami, eh."

"Sino ba'ng teacher n'yo kanina?" tanong ni Tiffany.

"Si Mrs. Ayala," sagot ko.

"Ay, medyo istrikta nga iyon, beh." Napatampal siya sa hangin.

Napatango-tango na lamang ako.

"Nakausap ko si Tita Zaira kanina, Kuya." Nilingon ni Tiffany ang pinsan. "Ang sabi niya ay ayaw mo na naman daw uminom ng gamot."

Agad kumunot ang noo ko sa narinig. Nagkatinginan kami ni Zen ngunit agad niyang iniwasan ang mga mata ko. Magsasalita na sana ito ngunit naunahan siya ng isang tinig.

Pure Intention (Possession Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon