KIRA ANGELA PEREZ
Yakap ang mga libro ay nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi alintana ang mapanghusgang tingin ng mga mag-aaral. Magbubulungan ang mga ito at pagkatapos ay ituturo ako, halatang ako ang kanilang pinag-uusapan. Inilingan ko na lamang ang mga 'yon.
"Oh, ang lakas naman ng loob mong bumalik pa?"
Humarang sa aking daan ang grupo ng mga babaeng siya ring nantrip sa akin kahapon, dahilan upang mapatigil ako. Nalaman kong ang pangalan ng kanilang nagsisilbing lider ay Amethyst.
"Pakiusap, ayoko ng gulo," malumanay kong sabi.
Ngumisi si Amethyst. Sa totoo lang, para silang mga tanga sa aking harapan.
"Puwes, umalis ka rito."
"Hindi ka nababagay rito, girl!"
They're acting immature. Akala ko'y sa libro ko lang nababasa ang ganitong mga eksena, meron din pala rito sa totoong buhay. Ayaw ko na lang pumatol pa dahil naiinis ako sa pag-asta nilang bata. They are a waste of time.
"Paraanin niyo ako," mariin kong sinabi.
Nagtawanan sila na tila napakalaking biro ng aking sinabi. Inayos ko ang aking tindig, hindi maintindihan kung nasaan ang nakakatawa roon. Nang tumila ang kanilang tawanan ay mas pinili kong sa kabila na lang dumaan pero sumunod naman itong si Amethyst at hinarang ulit ako. Nagawa pa nitong ngumisi na tila tuwang-tuwa.
"Huwag kang bastos. Kinakausap pa kita," aniya.
Ang tinutukoy niya ay ang ginawa kong paglihis ng daan.
"Pero hindi maayos ang pakikipag-usap mo sa'kin."
"Haha!" Peke siyang tumawa. "What do you expect? I-welcome pa kita-"
"Hindi ko naman inaasahan na i-welcome mo ako. Pero ang inaasahan ko ay maayos na pakikitungo-"
Natigilan ako sa pagsasalita nang maramdaman ang lamig sa aking mukha na umagos pababa sa aking leeg hanggang sa dibdib. Hinablot niya ang tubig mula sa isang Estudyante at ibinuhos sa akin, pagkatapos ay tumawa siya na para bang nakakatuwa 'yon.
"Oh! Guys, look at her! Naiiyak na siya!"
Ang mga Estudyanteng nanonood sa amin ay nagtawanan. Napakarami nila pero wala man lang umawat, mukhang naaaliw pa sila sa panonood. I'm so disappointed with this kind of treatment from them.
Hindi ko mapigilang mapatanong sa aking isipan, ganito ba talaga ang mga mag-aaral sa Saithon University? Kilala ang Unibersidad na pinapasukan nila ngunit para silang mga walang pinag-aralan. Tama ba na lumipat ako sa paaralan na ito? Pinaliligiran ako ng mga isip-batang tao.
"Ano, lalaban ka?!" hamon ni Amethyst.
Tinulak-tulak niya ako sa balikat pero hindi ako umimik. Kapag pinatulan ko sila ay mas lalo lamang gugulo. Gumagawa na kami rito ang eksena at ayaw ko ng ganoon. Napakakikitid ng utak ng mga mag-aaral dito, nagawa pang pagkatuwaan ang ganitong eksena. Parang mga hindi nag-aaral sa mataas na antas ng paaralan.
"Ano ba?! Magsalita kab Naiinis ako sa pagiging tahimik mo!" Amethyst shouted in so much frustration.
Malakas niya akong itinulak dahilan ng pagkawala ko ng balanse at mapaupo sa sahig, hindi ko inaasahan iyon. Nabitawan ko ang mga librong hawak, bumagsak ang mga iyon sa sahig. Medyo masakit ang naging pagbagsak ko dahilan ng aking pag-ngiwi.
Naiinis ako, sobrang naiinis. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Marami sila at oras na lumaban ay pagtutulungan nila ako. Naranasan ko na iyon kahapon. Mabuti sana kung nandito ang kaibigan kong si Zen.
"Omo! Maiiyak na talaga siya!" Tumawa ito na parang tanga.
Sumabay sa tawanan ang karamihan sa mga estudyante na tila nakakatuwa ang nangyari. Ang ilan naman ay nakatingin lang nang may awa sa mga mata pero walang ginagawa. Cowards. Ganito ba rito? Hinahayaan nilang maghariharian ang mga mayayabang?
Bumigat na ang aking paghinga habang nakayuko, ang buhok ko ay nakaharang sa aking mukha. Ang mga sigawan at tawanan nila ay tila nagpantig sa aking tainga. Naiinis ako pero ayaw kong pumatol, sa tingin ko ay maiiyak na lang ako sa iritasyon.
Sana talaga nandito si Zen.
Kumunot ang noo ko nang humupa ang tawanan, napalitan iyon ng bulung-bulungan at tilian. Inalis ko ang buhok na nakatabing sa aking mukha at sa pag-angat ng tingin ay bumungad sa akin ang grupo ng nagtatangkarang mga lalaki. Nawala sa akin ang atensyon at nalipat sa kanila.
I swallowed hard when one of the boys walked towards me. Huminto siya sa harapan ko at halos mapaatras ako roon. Ang seryoso niyang tingin ay naglakbay sa aking mukha na tila pinag-aaralan ito. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng ilang, napakalakas ng presensya niya.
His presence is intimidating, nararamdaman ko iyon. I scanned him with my eyes. May kahabaan ang itim at tingin kong malambot niyang buhok, nahuhulog ang ilang hibla sa kanyang noo at tumutusok ang dulo noon sa kanyang seryosong mga mata. Matangos ang kanyang ilong, siguradong salung-salo kapag nagsuot ng sunglasses. Ang mapula niyang labi ay nasa isang tuwid na linya, tila napakahirap pangitiin.
Napaatras ako nang mas lumapit siya sa akin. Nang mapansin niya ang paglayo ko ay tinigil niya ang akmang paglapit. Hindi ako sanay sa kanyang awra, naiintimidahan ako sa kanya. Marahil ay nasanay ako sa magaan na presensya ng matalik kong kaibigan na si Zen.
I thought he's one of those immature students, that he would also bully me, ngunit nagulat ang lahat nang lumuhod ito at iabot sa akin ang kamay, maging ako ay nagulat sa kaniyang ginawa.
Nang hindi ko tanggapin ay siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at marahan akong hinila patayo. Sa kabila ng marahang kilos sa akin ay naramdaman ko ang higpit ng kanyang hawak. Ito na rin mismo ang pumulot sa mga libro kong nahulog. Wala akong nagawa kun'di ang tumitig lang sa kanya.
Ano ang ginagawa n'ya? Tinutulungan ako? Bakit?
Masama ang tingin na iginawad ng lalaki sa grupo nila Amethyst bago nito inilibot ang tingin sa lahat ng Estudyanteng naroon.
"Listen everybody! From now on, this girl is already my property. Touching her means messing with me."
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...