Chapter 10: Accident kiss
Ang video namin ang naging usap-usapan sa buong SU. Marami na ang nag-post at nakapanood ng video na uploaded sa facebook page ng Saithon. Muntikan kaming mapatawag sa POD, mabuti na lang at hindi naman umabot doon. Bigla na lang na-take down ang videos.
Bawat bulungan sa hallway tuwing dumaraan ako ay hindi na maiiwasan. Hindi na rin ako nagsayang ng panahon na suwayin pa sila tungkol doon. Sasanayin ko na lang siguro ang sarili ko na ganito talaga rito.
Lumipas ang ilang araw at hindi na rin nagkaroon ng pagkakataon si Trek para lapitan ako. Sa tuwing sinusubukan niya ay dumarating si Zen. Noon naman ay ayos lang sa kaibigan ko si Trek pero simula nang pangyayaring iyon ay tila lumayo ang loob niya rito.
"Coreen, let's talk!"
"Wala na tayong dapat pag-usapan! Just go, Yohann! I don't want to see you anymore!"
Umagang-umaga ay iyan agad ang inabutan ko sa tapat ng SU. Si Coreen, isa sa mga kaibigan ni Amethyst, ay nakikipagsagutan na naman kay Kurt Yohann na taga kabilang University. Nakasuot pa ito ng uniform nila at siya lang ang kaibahan dito.
Huminto ako sa paglalakad dahil nakakahiya namang sumingit sa harapan nila gayong seryoso silang nag-uusap. Ang kaso mas lalong naging awkward dahil mukhang may lovers quarrel sila.
"No. Let's fix this, please!" pagpupumilit ng lalaki.
"Aayusin? Paulit-ulit na lang! Bakit ko pa nga ba inisip na magbabago ka? You're a playboy for Pete's sake!"
Nagmamartsang umalis si Coreen at pumasok na. Walang nagawa si Kurt dahil may guard naman ang SU kaya hindi siya makakasunod. Naglakad na rin ako papasok nang hindi tinitignan ang lalaki, kahit pa gustong lumingon ng mga mata ko.
Isang panibagong araw at payapang tignan ang SU. May kanya-kanyang mundo ang mga students at iyon ang maganda kaysa naman wala na naman silang magawa at ako ang kanilang pag-uusapan. Hindi ko naman ginustong masali sa ganitong sitwasyon. Palagi na lang akong hinahabol ng gulo.
Nakasalubong ko si Tiffany sa aking paglalakad. Hindi niya kasama si Zander. Ang ipinagtaka ko ay hindi siya masigasig ngayon at may pagkabahala sa kanyang mukha. Agad kong inisip kong may problema ba.
"Ayos ka lang?" tanong ko na agad sinundan ng isa pang tanong. "Wala pa si Zen?"
Hindi mapakali si Tiffany at hindi rin makatingin nang diretso sa akin. Kumunot ang noo ko sa inaakto niya.
"Ah..." She laughed the awkwardness. "Wala pa, K-Kira. Kaya nga nandito si... Trek para makusap ka."
Nagulat ako sa sinabi niya. Agad kong nilibot ang tingin at nakita si Trek. Nagtama ang aming mga mata pero agad akong umiwas ng tingin. Muli kong binalingan si Tiffany pero mabilis na siyang tumakbo paalis at iniwan kami roon. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko na lang din umalis pero ang hirap kumilos.
Lumapit si Trek pero umatras ako. I don't want to be near him. He's just too much. Hindi ko kinakaya ang presensiya niya, lalo na ng puso ko, nagwawala ito tuwing nandiyan siya.
It's been what? More than one week. More than one week that we are not talking, gayunpaman ay palagi kong nahuhuli ang tingin niya sa'kin. Walang araw din ang lumagpas nang hindi siya nagpapaabot ng bulaklak, hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin siyang nagbibigay no'n. Kung hindi si Owen ay si Shawn, Rage, o Westley ang inuutusan niyang mag-abot.
"Love..." mahinang sabi niya. Sa sobrang hina ay naging bulong na.
Hindi ako nakapagsalita. I don't know what to say. Parang sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Dahil lang sa isang pangyayaring iyon. Samantala noon, malapit na kami sa isa't isa, kumportable na kami sa isa't isa. Tapos ngayon, ganito.
BINABASA MO ANG
Pure Intention (Possession Series#2)
Teen FictionPossession Series#2 Kira Angela Perez is a transfer student. She had experienced being bullied by her schoolmates. Wala namang pakialam si Kira doon dahil ang gusto niya lang ay makapag-aral, but this guy came into the picture. Nagulat na lamang si...