Chapter 21

26 4 3
                                    

Chapter 21: Sweeter

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin. Nakamasid lang siya sa akin at mukhang hinihintay akong magsalita. The thing is, I don't have a plan to talk. Wala talaga ako sa mood at hindi ko alam kung bakit. Hindi nagtagal ay hindi rin niya napigilan at nagsalita na.

"Can you tell me what's the problem now, hm?" Malambing niyang sinabi pero alam kong dahil lang iyon sa nagtitimpi siya.

Hindi ko pa rin siya sinagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano'ng problema. Dumako ang tingin ko sa katabi naming table. May mga iba't ibang drinks doon na para sa mga bisita. Wala akong kontrol sa sarili. Kumuha ako ng isang baso at diretsong nilagok iyon sa harapan ni Trek.

"What the heck, love?" Hindi makapaniwalang sambit niya at inagaw sa akin ang baso.

Pangatlong baso pa lang 'yon pero ramdam ko na ang pag-iinit ng aking katawan. Kanina naman ay hindi ko dama ang malakas na epekto. Masarap nga iyon sa pakiramdam. Pero ngayon ay init na init na ako at parang pumupungay na ang aking mga mata.

"Bakit ba sa'kin mo tinatanong 'yan?" Maging ang boses ko ay nag-iiba na ang tono. "Hindi ba't ikaw naman ang biglang hindi na lang namansin?"

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa amin. Kanina lang ay ayos kaming dalawa tapos biglang nag-aaway na kami.

Napatitig siya sa akin. Sobrang lapit niya. Nakipagtapatan ako sa kanya ng tingin pero namumungay na ang aking mga mata. Muling pumunta sa baywang ko ang kamay niya. Hinayaan ko na siyang gawin iyon.

"I'm sorry," he said softly. "Was that the reason why you're upset?"

Napanguso ako sa naging tono niya. I don't know but I suddenly feel childish. Gusto kong magmaktol tungkol sa hindi niya pagpansin sa akin kanina, pero naging maayos ang pakikitungo niya sa ibang babae. Napakurap-kurap ako at hindi ko alam kung bakit namumuo ang luha sa aking mga mata. Umiikot na rin ang paningin ko.

I heard him curse. "Why are you crying? Love, how many glass did you drink?"

Ipinakita ko sa kanya ang tatlong daliri ko. "J-just three."

Napabuntonghininga siya at problemado akong tinignan. Then, he chuckled. He fucking chuckled that pissed me even more.

"Why are you laughing?" I hissed at him.

He pulled me closer to him. Hinaplos niya ang aking likod at para akong hinihele. Bumabagsak na ang talukap ng aking mga mata at nakakahilo ang dami ng tao.

"I think you're already drunk. Love naman, kakarating pa lang natin." He chuckled again. Hinaplos niya ang aking pisngi. "What am I going to tell your parents, hm? Na napabayaan kita kaya ka nalasing?"

Tunog problemado siya pero natatawa pa rin. Hindi pa ako lasing. Matino pa naman 'yong isip ko, e. Medyo inaantok lang at nahihilo na.

"Nasaan sila Shawn?" I asked, eyes are almost closing.

Come on, Kira! You're not drunk! Tatlong baso lang 'yon, ang hina mo naman?

"I don't know. Probably hitting with some girls." He shrugged.

"Siguro kung wala ako rito, gano'n din ang gagawin mo, 'no?" I accused him.

"Hindi, love. I will just get bored if you're not here."

"E, ba't hindi ka namamansin kanina? Parang ayaw mo naman na nandito ako?"

Bumuntonghininga siya sa narinig sa akin. Sa sobrang lapit namin ay ramdam na ramdam ko iyon. Umangat ang kanyang kamay at sinukbit ang mga takas kong buhok sa aking tainga.

Pure Intention (Possession Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon