Isang linggo ko nang iniiwasan si Dielan. Isang linggo na din siyang pumupunta dito sa bahay para subukan akong kausapin pero sa mga anak ko lang ang bagsak niya
Simula ng nalaman ng mga anak ko ang nangyari ay hindi na masyadong lumalapit sa kaniya si Dylan. Si Gillian lang ang kumakausap sa kaniya. Naiintindihan ko ang anak ko dahil napalapit na siya rito.
Gustuhin ko mang ipagdamot ang dalawa sa kaniya pero si Gillian mismo ang gustong lumapit. Ayaw ko lang na magalit o umiyak ang anak ko kasi mas lalo lang akong nasasaktan.
Binabawi ko na 'yung sinabi kong 'wag na 'wag siyang lalapit sa mga anak ko. Sa'kin lang siya 'wag lumapit dahil galit parin ako sa kaniya.
Gabi na pero gising parin ang diwa ko. Pumunta ako ng balkonahe at do'n nagpalipas ng ilang minuto. Ramdam ko ang katahimikan. Ang ingay ng mga dahong nagpapalakpakan dahil sa hangin.
Lumingon ako sa kalangitan ng punong-puno ng bitwin.
Ang mga ugong ng mga sasakyang dumadaan. Buti hindi pa sinasarado ang gate dito sa village. Anong oras na ah.
Humugot ako ng isang pinakamalalim na hininga. Napalingon ako sa gate nang makitang may tumigil na isang mamahaling Sasakyan. Kulay pa lang ay kilalang-kilala ko na kung sino.
"Ano nanamang ginagawa nito dito? hindi pa sapat 'yung oras kong ibinigay sa kaniya para makita ang dalawa."
Inis akong bumalik sa kwarto ko. At pinilit na matulog pero hindi ko magawa. Iniisip ko parin ang manlolokong 'yun .
Bakit ba ganito kalakas ng tama ko sa kaniya. Nasaktan nanga'ko't lahat lahat pero iniisip ko parin siya.
Napabalikwas ako ng marinig ang sunod sunod na tunog ng doorbell
Hindi na ako magtataka kung sino 'yun.
Inis akong bumangon at lumabas para pagbuksan siya at sabihing lumayas na kasi wala naman na siyang lugar dito. pero kaya ko kayang sabihin?
Hayss bahala na
Salubong ang kilay kong binuksan ang gate. Nakupo siya sa gilid ng gate habang abo't abot ang doorbell at pinipindot 'yun. Hindi niya na yata napansin ang pagbukas dahil nakatulala ito
Bumuntong hininga ako "Ano nanamang ginagawa mo dito? " tanong ko na ikinalingon niya gawi ko at mabilis na tumayo tsaka inayos ang sarili
Medyo hindi nabalanse ang pagtayo kaya kamuntikan na siyang matumba pero hindi ko alam kusang gumalaw ang katawan ko para alalayan siya. Naamoy ko ang alak sa bunganga niya
Nag-inom pa talaga
"Thea, k-kausapin mo na ako." mahina nitong bulong at hinapit ako sa bewang tsaka ako mahigpit na niyakap
gusto kong kumalas pero wala akong lakas. Ilang araw ko siyang nahagkan. Pero mali, galit dapat ako sa kaniya. Sa sitwasyo ngayon dapat hindi ako magpapaapekto sa pagiging malambot ko
Malakas ko siyang tinulak kaya napahiwalay ako sa kaniya
"What happened to you? Ano bang ginagawa mo dito? gabing-gabi na. kung gusto mo manira ng masarap na tulog 'wag ka dito mambubulabog. " singhal ko
Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko na parang batang pinapagalitan. Magulo ang suot nitong T-shirt. Magulo ang buhok, namumula ang mga mata. Naka drugs na yata ito.
Hindi ako ng pagpapatawa, Thea. Utak mo kung saan saan napupunta.
"Umuwi kana. "
"No, hear me out please... I miss you. hindi ako sanay ng gan'to. "
BINABASA MO ANG
Babies of Mr. Stranger
Romance(COMPLETED) Warning: R-18 -SPG - Mature Content Paano kung isang araw ay malalaman mong ikaw ay buntis at ang masaklap pa do'n ay hindi mo alam kung sino ang lalaking iyong nakatalik ng gabing 'yon. And now She was carrying the babies of Mr. Stra...