2 years later
"Mommy, si Baby Ashiela po gising na." sigaw ni Gillian nang makapasok ito sa kwarto ko ,saktong kakagising ko naman.
"Where's Tita Sarah mo? " i ask and yawned
"Pumunta pong grocery kasama si Baby Angelo. " sagot nito
"Ok, ok, where's your brother? Gising na din ba siya? " tumayo ako at inayos ang kama ko
"He's with Tita Sarah po, hihihi. " humagikgik ito
Sabay kaming pumunta sa kwarto nila.
And then i saw my baby Ashiela crawling in her bed. I smiled, sa dalawang taon na nakalipas ay madaming nangyari.
Pero hindi ko parin nakakalimutang i chat or tawagan si Dielan. But i still don't get answers from him.
Successful ang operasyon ng anak ko, sobrang saya ko no'n pero pagkauwi ng bahay kasama sina Dylan ay nakaramdam ako kaagad ng lungkot, nagsesend ako ng mga picture ni Ashiela, mga pictures naming apat. Noong inooperahan si Dylan at nuong gumaling siya. lalo na noong malaki na ang tiyan ko maging no'ng naglelabor ako. . Pero ni minsan hindi niya man lang tinitignan. In two years minsan ko lang siyang nakitang online. 'yon na 'yong pag-asa kong tawagan siya pero agad rin na nag-off. Kaya no choice ako kundi ang maghintay ulit.
Hindi ko alam kung bakit gano'n. Iniisip ko, siguro galit siya noong pinalayas ko siya. Pero hindi eh, no'ng umalis siya hindi ko naramdamang nagalit siya.
"Mommy, you're crying again. " saad ng anak ko ng makita akong umiiyak nanaman
Ano pa bang bago do'n? Araw araw nila akong nakikitang umiiyak. Gusto kong pigilan pero hindi ko magawa.
Masakit kasi parang... parang kinakalimutan kami ni Dielan na para bang ayaw niya kaming kausapin.
Ang dami kong tanong simula ng umalis ako magpa hanggang ngayon. Kung ayos lang ba siya? Kung may sama ba siya ng loob sa'kin? May babae bang lumalapit sa kaniya? Kinukulit pa rin ba siya ni Veron? Naiisip niya ba ako o ang mga anak namin? Nag-aalala ba siya sa'min? At higit sa lahat mahal niya pa ba ako?
Kahit ni minsan hindi ko naisip na sumuko. Hindi ako sumukong mahalin siya sapagkat alam kong may pinanghahawakan ako para hindi siya sukuan pa.
Nakikibalita rin ako kina Rosyana kung nakita nila ito. Minsan daw nakita nila pero hindi man lang sila pinansin. Galit na galit nga daw si Cloud no'n dahil parang wala siyang pakielam. Hindi niya man lang daw kami tinanong.
When we left, I know, he was sad. I know him, mailayo palang siya sa mga anak niya nalulungkot na ito. Sa dalawang taon pa kaya
"Mamma. " my baby Ashiela called me
The reason for my return to reality. I approached it and carry her . I also wiped the saliva that had spread on her cheek.
So far, I haven’t gotten anything from Ashiela. She still looks very much like her Dad. The eyes, nose, mouth. That's all. Maliban nalang sa bilugan nitong pisngi.
Nasobrahan sa vitamis kaya ayan, tumaba.
"Mamam, Mamam. " paulit ulit na sabi ng anak ko
"Mommy, she's already hungry. I cooked pancake po for breakfast. " magiliw na saad ni Gillian
Sa edad niyang 'yan marunong na siyang magluto. Not those hard cooks. 'Yong mga pang madalian lang.
I prepare them in home study. Kumuha ako ng tutor nila dito sa Canada. I want them to go back to school kung saan sila dati nag-aral. Pero ayaw nila, lalo na si Dylan. Gustong gusto nanga nilang bumalik. So am i?
BINABASA MO ANG
Babies of Mr. Stranger
Romance(COMPLETED) Warning: R-18 -SPG - Mature Content Paano kung isang araw ay malalaman mong ikaw ay buntis at ang masaklap pa do'n ay hindi mo alam kung sino ang lalaking iyong nakatalik ng gabing 'yon. And now She was carrying the babies of Mr. Stra...