Chapter 24

7.4K 181 8
                                    




"Ano? Nakausap mo na ba siya? " bungad kaagad sa akin ni Sarah pagkapasok ko ng kwarto ng hospital kung saan nakadestino si Dylan

Pagod akong umiling, bagsak ang balikat nito. Naupo ako sa upuan na nasa tabi ni kama kung saan nakahiga ang anak ko.

Nilingon ko ang anak kong mahimbing na natutulog. Puno ng pagod ang mukha nito kahit nagpapahinga. May bendang nakabalot sa ulo nito.

Hinaplos ko ang mukha niya. Pakiramdam ko kulang ako sa tuwing gumigising ako ng maaga. Nagpapasalamat ako dahil dininig ng panginoon ang panalangin kong pagalingin ang anak ko.

Pero ang sabi sa'kin ng doctor ay malakas ang impact ng pagkakabagok sa ulo ng anak ko. Mas naging kritikal ito dahil may sakit ito sa puso kaya't kahit hanggat maaari ay kailangan na siyang operahan sa ibang bansa dahil kukulangin lamang sila dito ng kakailanganin.

Wala pa din kaming nahahanap na heart donor ng anak ko.

Si Dielan hindi ko na din mahagilap. Nagsisisi ako kung bakit ko pa siya pinaalis. Hindi ko naman alam na mangyayari ito.

"Sabi ng guard ilang linggo na daw siyang hindi pumapasok ng trabaho." nagsimula ng mangilid ang luha ko "Sinubukan ko na rin siyang puntahan sa bahay niya pero mga kasambahay niya lang ang ando'n. "

"Eh saan naman kay nagsususuot ang lokong 'yon? " galit na saad ni Rosyana sa isang tabi "Tama ang anak mo, pagkatapos makuha ang loob mo iiwan kana niya. "

Parang hindi na siya kung babae magsalita. Bakas na bakas na ang pagiging lalaki nito. Magiging masaya na sana ako kasi tuluyan ng nagbabago si Rosyana pero hindi ko magawa dahil sa kalagayan ng anak ko

"Anak ko, gising kana. " bulong ko habang hinahaplos ang pisngi niya

"Kumain ka na ba? Ilang linggo ka ng pabalik balik doon. Isipin mo, buntis ka rin. " Rosyana

Napailing ako "Kailangan eh, kailangan malaman ni Dielan ang nangyari sa anak namin. "

"Oo nga kailangan nga talaga siya. Pero ano ngayon? Nasa'n siya? Sinagot na ba ang tawag mo? Hindi ba't hindi?  'wag kanang umasa sa lalaking 'yon. " nagtaas ang boses nito

"Kumalma ka nga Rosy---"

"Hindi ako kakalma, paano ba naman kasi. Naturingang ama ng mga anak mo walang pakielam---"

"Baka naman kasi busy siya. "

"Kung busy siya magsasabi siya. Tinawagan na natin lahat lahat pero ni isang reply niya,wala."

Nalungkot ako, para akong dinudurog. Ilang linggo, pabalik balik ako para hanapin siya at nagbabakasakaling makita ko siya para makausap. Ilang linggo na rin siyang hinahanap ni Gillian

Sa opisina niya,sa bahay niya, sa lugar kung saan siya palagi. Halos napuntahan ko na pero wala. Hindi ko siya mahagilap. Naitanong kona ito sa pinsan niya pero hindi niya din alam

Para na akong mababaliw kakaisip kung nasa'n siya. Baka kung ano ng nangyari sa kaniya. Baka naholdap, o kaya naman nabangga tapos hindi pa siya nakikita. Ang dami tapos meron pa ang anak kong pinoproblema ko.

Pagkatapos ng pang-oopera sa anak ko tinawagan ko kaagad sina Mama na pagkatapos bitong buwan ay ihahanda na nila ang private place na gagamitin namin papuntang Canada.  Doon ko na ipapagamot ang anak ko

Nauubusan na ako ng pag-asang makita ko si Dielan bago kami umalis.

Ni hindi ko na magawang umuwi ng bahay dahil sa tuwing nakikita ko 'yong hagdan ay naiiyak ako. Naiimagine ko kung paano nahulog ang anak ko.  kung paano siya nagpagulong gulong pababa hanggang sa tumatama ang katawan nito sa matitigas na bakal o semento.

Babies of Mr. Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon