Chapter 2

19.4K 461 62
                                    


Salo salo kaming tatlo ng mga anak ko sa hapagkainan. It's Saturday, buti nalang walang pasok ang mga anak ko. makakapagbonding na kaming tatlo.

Dalawang araw na ang nakakalipas bago mangyari 'yong pakikipagsagutan ko sa Boss ng Cohen's Company. And i heard na Dielan ang pangalan niya. Gwapo nga suplado at mapanglait pa. daig niya pa si Rosyana kung manglait eh.

"Mommy, we want to go to the mall, we want to take a ride on the train." sambit ni Dylan

"Yes, Mommy, i want to ride the big train din po. " sabi naman ng isa kong anak na si Gillian

Nabulol pa ang anak ko dahil nagsasalita siya habang kumakain. they are twins, my adorable at cute babies.  Babae at lalaki ang kambal ko

"'Diba, I always tell you not to speak when your mouth is full." pangangaral ko kay Gillian

Ang hilig niya kasing magsalita kapag may pagkain sa bunganga. Hindi kagaya nang kakambal niya na uubusin muna ang nasa bibig bago magsalita. Hindi sila parehas ng personality. Si Dylan, paramg cool kung umasta, but he's sweet to me and to her twin.Bata palang pero parang mature na kung mag-isip dahil kay Rosyana. Si Gillian naman, maingay, makulit, lagi silang nagtatalunan ni Rosyana.  Pero kahit gano'n ay pantay parin ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa. walang labis, walang kulang

"Mommy, may tao po sa labas kanina pa nagdodoor bell. " pukaw ni Dylan sa pag-iisip ko

Oo nga, sino ba 'yon? Alangan namang si Rosyan eh linggo pumupunta 'yon dito dahil may sideline siya tuwing sabado. Eh baka si Python.

"Wait me here, just continue eating. ok? " sabi ko sa dalawa

"Yes,Mommy." si Gillian as usual may laman nanaman ang bibig kaya nabulol nanaman.. Kailan kaya mapagsasabihan ng maayos ang batang 'to

Binuksan ko ang pintuan,halos mahulog ang panga ko kung sinong tao ang nasa harapan ko. Naka business attire pa siya at may dalang briefcase.

"Anong ginagawa mo dito? " pinilit kong hindi mautal.

I can feel my body burning.

"I'm here to approach you. 'diba, you're applying for a job?" oh shit! his voice! It feels like he's seducing me.

Naku, hindi! pare-parehas lang ang mga lalaki. man is a man.

"So? Yes, naghahanap ako ng trabaho pero hindi na'ko sa kompanya mo mag a-apply.. And how did you know my address? " seryosong sabi ko

Magsasalita na sana ito ng sumingit ang anak kong si Dylan. Ngayon kolang napagtanto pareho sila ng pangalan pero hindi ang spelling

"Mommy, we're done eating. Who is he?" tanong ng anak ko sa'kin habang nakaturo kay Dielan,  yumuko ako para punasan 'yong kanin na nasa pisngi niya

"He is a devil, baby. " sabi ko

Nangunot ang noo ni Dielan "What? "

"You're a devil? why are you here in my Mom's house?  'diba ang mga devil ay nasa hell. " inosenteng sabi ng Anak ko

"What the---I'm not a devil. I'm a good and handsome, man, little kiddo." Sabi niya sa Anak ko

"Mommy, he's not a devil. bakit naman mo po sinabing devil siya? "

"Dahil nadimunyo siya anak. " sagot ko

Tinitigan ni Dylan si Dielan at parang sinusuri ang mukha niya saka nagsalita

"I see,  tall handsome man like me is not a devil. But I considered you as a devil.  so why are you here?" parang maedad na ito kung makapagsalita

Babies of Mr. Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon