Chapter 13

9.3K 193 8
                                    

"How can i be sure that it was you? " tanong ko

"I know ngayon hindi mo parin ako paniniwalaa. But trust me. Ako 'yon " he stared at me "When you pushed me away that time. Lumayo na talaga ako. Hindi na kita ginulo dahil alam kung gusto monga talagang mapag-isa.  You know, that time ikaw lang ang babaeng tumulak sa'kin palayo. that time, ikaw lang ang walang pakielam kung sino ang nasa harapan mo. I'm handsome, rich, habulin din ako ng maraming kababaihan. " umihip ang malakas na hangin

Makapal din pala ang mukha

"Pero ikaw lang talaga ang naglakas loob na itulak ako palayo. Kaya ko nakuha ang atensyon mo. That time,sa ginawa mo parang naapakan ang pagka ego ko bilang lalaki. Nasanay akong habulin ng babae. Nasanay akong isang ngiti ko lang sa mga nakakaharap kong babae ay nangingisay na sa kilig. But, with you, i was wrong. May babae din palang hindi tumitingin sa panlabas---"

"I don't want to know that. I want to know if why did you do that to me? Why did you take advantage of me when i'm so drunk?  M-matatanggap ko pa 'yung gigising ako nang meron ka sa tabi ko. But, what did you do? iniwan mo ako. Iniwan mo akong hubo't-hubad. Iniwan mo'kong hindi ko man lang nalalaman ang pangalan mo. Now, you're here, talking to me like there was no happened between us. Are you bullshiting me? " gigil kong saad

"No, Thea, please believe me.  I'm sorry, i'm here to explain everything. Everything that i have done to you. Gusto kong bumawi. Gusto kong bumawi sa'yo at sa mga anak natin." puno ng pagsusumamong sambit niya

Magsasalita pa sana siya ng nagring bigla ang phone ko. sinagot ko kaagad

"Where are you? Kanina ka pa hinahanap ni Dylan. " ani Dielan

"H-ha? n-nasa labas ako...babalik na ako." binaba kona ang tawag at hinarap si Scott "M-mag-usap nalang tayo sa susunod. Hinahanap na'ko ng anak ko. "

"P-pwede ko ba silang makita? "

"Hindi... i-i mean,  'wag muna ipapaliwanag ko pa sa kanila ang lahat. Ayaw ko silang biglain. kakausapin ko muna... Tatawagan nalang kita ulit kung kailan tayo mag-uusap. " sambit ko at hindi na hinintay pa siyang magsalita

Dali-dali akong naglakad pabalik ng Cohen's Company. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit hindi ako nakakaramdam ng saya? Hindi kayang makiramdam ang puso ko.

Hindi ba't masaya ako dahil nakita kona ang ama ng mga anak ko. Ito ang gusto ko 'diba?pero bakit kulang? bakit parang may mali.

Sumakay ako ng elevator. Inayos ko ang sarili ko dahil baka mahalata nilang umiiyak ako.

Ngayon, hindi ko alam kung paano ko sisimula ang lahat para sa mga anak ko. Kapag bibiglain ko sila baka maguluhan lang. baka may masaktan pa. Naguguluhan na ako. Bakit ngayon pa? Paano si Dielan? Anong laban niya sa ama ng mga anak ko?

Huminga ako ng malalim ng makarating na'ko sa tapat ng pinto ng office ni Dielan. Binuksan ko kaagad iyon.

Napatingin sa'kin si Dielan na nagtataka

"Where did you go? " sumeryoso kaagad ang boses niya

Sasabihin ko ba? ayaw kong masaktan si Dielan. Ayaw kong lumayo ang mga anak ko sa kaniya lalo na't napalapit siya kay Gillian. Kung hindi ko naman sasabihin, paano ang Papa nila? gusto ng bumawi ni Scott sa kanila. Jusko! lord!  bakit hindi ko naisip kung anong kinahihitnan nito

"I'm asking you, Thea? where did you go? Bakit ngayon ka lang? "

"N-nagpahangin lang ako sa labas. " good liar, Thea

"Nagpahangin? " aniya sabay tingin sa mukha ko

Tumango ako. tsaka nag-iwas ng tingin. baka makita niya pa ang namumugto kong mata

Babies of Mr. Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon