"Mommy i want to see, Papa Dielan." ito na ang ikinatatakot ko
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila. Hindi ko napaghandaan ito.
I face Gillian "Sweetie, Papa Dielan is still busy. Don't worry, kapag hindi na siya busy tayo mismo ang pupunta sa kaniya."
"But Mommy---"
"Papa Dielan is a businessman, sweetie."
"Fine. " pagsuko nito
Hindi niya na rin ako kinulit tungkol sa kaniya kaya kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag.
Iniisip kong kailangan kong puntahan si Dielan para malinawan na kaming dalawa pero hindi pwede eh. Kasi hindi ko rin alam kung saan ko sisimulan ang pagpapaliwanag sa kaniya lalo na't ayaw niya rin akong magpaliwanag
Lies? Kailan pa ako nagsinungaling sa kaniya? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan bago kami umalis? Sa pagkakatanda ko ay wala naman.
Dapat pa nga ako ang dapat magalit sa kaniya dahil hindi man lang niya nagawang sagutin ang lahat ng messages at tawag namin na sa kaniya.
At ngayong bumalik kami, hindi ko inaasahang nagkabalikan na sila ni Veron at ang mas malala pa ay may anak na. Hinding hindi ko rin ikakailang masaya nga ito sa kanila
Problemado akong bumuntong hininga.
"Oh, ito juice ka muna. Laki ng problema ah? " sulpot ni Rosyana sa tabi ko
Inilapag nito ang isang basong Juice sa harap ko at tumabi sa'kin sa pag-upo.
"Naaawa na ako sa'yo. " aniya kaya napalingon ako sa kaniya
"Bakit naman? "
"Sa lagay mo, hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari sa buhay mo. Lalo na sa mga anak mo. Hindi naman sa tsismosa ako pero narinig ko ang usapan niyo ni Sarah no'ng nagdaang araw." huminga siya ng malalim na at tumingin sa sahig na para bang may iniisip "Naawa na rin ako sa mga pamangkin ko. Bumalik sila dito ng walang kaalam alam ng totoo tungkol sa ama nila. "
"Kahit naman anong pilit kong ayusin ang mga dapat ayusin hindi ko rin magawa. "
"Wala na talagang maayos pa. Sabi mo nga 'diba nagkabalikan na sila no'ng chechebureche niyang ex. Ang masaklap pa ay may anak na sila. Sure ka bang anak nila 'yon? Baka naman na misunderstand ka lang. "
I shake my head. If it's not his son, bakit gano'n siya umasta no'ng nakita niya ang bata? Hindi ko maikakailang sobrang saya niya no'ng matanaw niya ito. Halos ayaw ng bitawan no'ng binuhat
"Alam mo, kung ako sa'yo sabihin mo na sa kanila habang maaga pa. Kaysa naman sa umaasa silang bumalik ulit ang papa nila. "
Hindi ko rin alam, maging ako ay naguguluhan.
"Ayaw kong saktan ang damdamin nila."
Napa-igik ako ng kurutin ako sa tagiliran.
"Kailangan mo talagang manakit? " inis na saad ko
Umirap ito "Kailan mo sasabihin kung gano'n? Kapag malaki na sila? Swear to god, ipupusta ko lahat ng makinis sa katawan ko. Kapag tinagalan mo ang pagsabi sa kanila ng totoo mas lalo lamang silang masasaktan. 'diba ayaw mo no'n? "
"Siyempre ayaw ko, hindi ko rin kasi alam kung saan ko sisimulan. Naghahanap ako ng tiyempo. Kakausapin ko din si Dielan kapag may time kami pareho para maliwanagan ang lahat. Ama pa rin sila ng mga anak ko. Pero kung gusto niyang malayo kami sa kaniya. Hindi ko naman siya mapipilit. Mas mabuti pa nga 'yon dahil hindi nanamin siya nagugulo pa."
BINABASA MO ANG
Babies of Mr. Stranger
Romance(COMPLETED) Warning: R-18 -SPG - Mature Content Paano kung isang araw ay malalaman mong ikaw ay buntis at ang masaklap pa do'n ay hindi mo alam kung sino ang lalaking iyong nakatalik ng gabing 'yon. And now She was carrying the babies of Mr. Stra...