Chapter 14

9.1K 206 10
                                    








"Oh anong sabi ni Papa Dielan? " tanong ni Rosyana sa'kin pagkapatapos kong uminom ng tubig

Kanina niya pa ako tinatanong. Ilang beses ko narin siyang sinasagot ng "Siya na daw ang bahala. "

Dalawang linggo. Dalawang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa'kin. No'ng una akala ko busy lang siya. Pero no'ng pumupunta ako sa bahay niya sinasabi ng mga kasambahay na hindi pa daw siya umuuwi

I trid to call him but he always rejecting my calls. Ayaw ko mang magduda pero talagang nagkakaroon ako ng kung ano sa dibdib ko. Lalo na't hindi narin nagpapakita pa si Veron.

Halos dati-dati lang ay palagi siyang nangungulit kay Dielan. Sa tuwing naiisip  kong magkasama sila para akong nasasaktan

Iniisip na baka hindi tuparin ni Dielan ang mga pangako niya.

"Oh, anong nangyayari? Ilang linggo ka ng nangungulila sa presensya ng Papa Dielan ko. Anyare na do'n?  bigla-bigla nalang nag vanish.  "

"Baka busy lang siguro. "sambit ko

"Maging ikaw hindi rin sigurado. "

"May tiwala naman ako sa kaniya. Alam kong tumutupad sa pangako 'yun. "

"Paano ka sure? Baka ando'n na siya sa Veron niya. "

"Tigilan mo nga 'yan. Hindi niya na mahal si Veron. Siya mismo ang nagsabi no'n. "

"Letse talaga 'yang utak mo. Hindi mo ba naisip na first ex-girlfriend niya 'yun? Iniyakan at higit sa lahat ay nagawa niyang mangloko dahil kay Veron. Who knows, baka ginagawa kang panakip butas no'n. "

Natahimik ako.

"It's his choice. wala naman akong karapatang magselos. Wala namang kami---"

"Walang kayo pero nagkantutan kayong dalawa. Ako ba, eh, pinaglololoko niyo." sikmat niya sabay irap

Hindi ko na magawang mahiya sa mga pinagsasasabi niya. Nasanay narin ako sa himpokritang baklang ito.

Kung hindi ko lang siguro ito kaibigan ay baka kanina ko pa sinuntok ang bunganga nito para magtanda

"Ahh,oh ,siya nga pala teh. Mauuna na muna ako ha. May date kasi kami ng bebelabs ko. Bawal ako malate. " lumawak ang ngiti nito sa labi pagkatapos sabihin 'yun tsaka tinignan ang cellphone

Ayo'n ang karengkeng. nagtititili nanaman. Akala mo naman may nakakakilig sa text ng jowa kunno niya. Pero hihingi lang naman ng pera.

Magtatanda ang baklang ito at 'wag na 'wag talaga siyang iiyak sa'kin. Nang makaalis na siya ay napabuntong hininga ako at tumingin sa kung saan

Naboboring na ako ng sobra. I checked again my phone if Dielan woud replied me but still. No answer. Hindi niya man lang ipinasabi sa'kin kung nasa'n siya.

Simula ng iniwan niya ako sa loob ng office niya ay hindi na siya bumalik. Umalis narin ako kaagad do'n. Nakasalubong ko pa nga si Veron pero hindi ko na lang 'yun pinansin.

Baka mas lalo pa akong mabadtrip kapag pinatulan ko.

I dial Dielan's Number. Ilang ring pa ang nagdaan pero wala parin. I sigh in frustration. Hindi ko naman idedeny na namimiss ko na talaga siya

Maging si Gillian ay gusto na siyang makita. Minsan kinukulit akong tawagan siya o kaya naman puntahan. Pero kapag pumupunta kami sa bahay niya o sa office ay wala parin siya.

.
.
.
.
.

Dalawa linggo, tatlong linggo hanggang sa naging isang buwan. Walang Dielan ang nagpakita. Ni anino wala

Babies of Mr. Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon