DISCLAIMER : Ang mga Tauhan,Lugar,at pangyayari ay isang kathang isip lamang ng isang Chismosang Author. Pagpasensyahan niyo kung may mga maling grammar sa mga kwentong mababasa niyo.
Paalala : This is not for kids, pero kung matigas ulo mo sige magbasa ka. this fanfiction contains, swearing, s*x, smoking, alcohol, suicide, and abuse. if you are not comfortable with any of these topics that are involved in this story. I suggest not reading it.
Ginawan ko na ng kwento sina Thea at Dielan. ngunit hindi ito kapareha nang kwento kung saan kasali sa kwento ng My school mate. Madami akong babaguhin.
There's a lot of mistake in my story. Wrong words, wrong grammar, and wrong spellings.
------
"Trabahong disente ang pupuntahan ko Rosyana, tignan mo, nagmumukha na akong prostitute dito sa suot ko,hindi ako sa bar magtatrabaho. " reklamo ko sa kaibigan kong bakla, dahil sa pinili niyang isusuot ko.
Halos kitang kita na ang kaluluwa ko sa suot kong dress na hapit hapit sa katawan ko hanggang tuhod, na naka spaghetti design ang nasa taas nito and it's off shoulder kaya kitang kita na ang dibdib ko.
" Don't be so maarte,Thea. Bagay na bagay nga sa'yo 'yan eh. " aniya at sinipol ang buong katawan ko
"Anong bagay sa'kin dito? Halos kita na ang buong kaluluwa ko sa suot ko. " sabi ko
"Normal lang 'yan. Ganiyan talaga ang fashion ngayon, hindi 'yong naka bestida ka. Like duh, nagmumukha kang losyang.. " maarteng sabi niya
"Magpalit nalang kasi tayo, hindi kasi ako sanay.. "
"Ah no, no, no. Don't palit palit na, it's perfect naman kasi eh. Para naman makuha kaagad sa trabaho mo. "
"Siraulo ka! Hindi ako sa bar maghahanap ng trabaho ok. " sabi ko
"Tss, Isipin mo, ginagawa mo nalang ito para sa dalawang kambal mo na sobrang kulit. " aniya
Naisip ko nanamn ang kambal ko, Pag naiisip ko sila ay parang gumagaan ang buong pakiramdam ko, feel ko napapawi lahat ng problema ko.
Huminga ako ng malalim "Fine, para sa mga anak ko gagawin ko lahat. "
Ngumiti siya atsaka pumapalakpak "Pak na pak talaga teh. You're so pretty in your dress... Oh siya, gora kana,teh . para hindi ka malate." sabi niya
Ngumiti naman ako sa kinuha ko 'yong sliding bag ko.
"Mauuna na ako, bantayan mo muna ang mga anak ko, ha? " sabi ko
"Oh sige, akong bahala sa mga pamangkin kong machuchulit... Goodluck gurl. " sabi niya at kumaway pa
Lumabas ako ng bahay namin. Saka, nagtungo sa garahe upang kunin ang sasakyan ko. kaisa-isang sasakyan ko. Apat na araw na akong nag-hahanap ng trabaho at sa apat na araw na 'yon ay talagang dala dala ko ang kamalasan. Hindi kasi ako tinatanggap eh, hondi ko alam kung bakit! kumpleto naman ako sa lahat lahat. Birt certificate,feedback at sa mga kailangan ko sa paghahanap.
Huli't huli na ito, kapag hindi pa'ko nakahanap ng trabaho ibibigti ko na talaga si Rosyana.
Nakarating ako sa pinakamalaking building, Ito na siguro 'yong Cohen's Company. And it's so big, as in, mapapalula ka sa sobrang laki. Lumabas ako ng sasakyan ko. Huminga ako ng malalim bago pumasok.
"This is it,Thea. Lord! Kahit ngayon lang, pagbigyan niyo naman po ako. " nanalangin ako ng taimtim, sana talaga matanggap ako.
Ilang oras pa ako naghihintay sa may labas ng isang office, madami rin kaming mga nag-aapply, hindi lang naman ako. Ayos na sa'kin kahit maging janittess ako dito. Kaya ko naman 'yon.
BINABASA MO ANG
Babies of Mr. Stranger
Romance(COMPLETED) Warning: R-18 -SPG - Mature Content Paano kung isang araw ay malalaman mong ikaw ay buntis at ang masaklap pa do'n ay hindi mo alam kung sino ang lalaking iyong nakatalik ng gabing 'yon. And now She was carrying the babies of Mr. Stra...