Andito ako sa may Laundry Area nilalabhan ko ang mga punyetang kumot at bedsheet ni Dielan. Mag-iisang linggo na akong nagtatrabaho dito sa bahay niya.
Ang akala ko madali lang ang maglinis sa kwarto niya pero nagkakamali pala ako. Halos araw araw ang kalat, parang hindi lalaki ang may ari ng kwarto niya halos araw araw parang dinaan ng unos at bagyo.
Nagsisisi na tuloy akong pumayag na maging maid niya. Badtrip, kung hindi ko lang kailangan ng malaking halaga hindi ko 'to kukunin. Pero, worth it naman ang pagtatrabaho ko dahil binayaran niya'ko ng eksaktong sinabi niyang payment ko.
Talagang pinapahirapan niya'ko. Hindi man lang siya naawa sa ganda ko. Halos araw-araw naglilinis ako ng kwarto niya.
"Hayy, buhay. " sabi ko habang naglalaba
Ayaw niyang gumamit akong washing machine. Ang gago!Gustong gusto talaga akong pahirapan
Natigil ako sa paglalaba ng may pumasok ,nilingon ko si Aling Trina. Siya ang mayordomona ng bahay. Mukha siyang strikto pero mabait, tinatrato niya ako ng mabuti dito, hindi lang siya kundi ang iba pang mga kasambahay.
"Oh hija, Halika, kumain ka muna ng tanghalian. Alam kong pagod kana diyan. " sabi niya sa'kin
"Ayos pa po ako, Aling Trina . Busog pa naman po ako. Si Diel---si Sir. Dielan nalang po ang yayain niyo. " sabi ko
Isa pa sa kinaiinisan ko, gusto niya daw na tawagin ko siyang Sir. Kapag nasa loob ako ng pamamahay niya. Tsk, pabombahin ko kaya.
"Nasa kusina na siya, Hija. Pinapatawag ka niya sa'kin para sabay kayong kumain. "
"Sabihin mo Aling Trina na ayaw ko siyang kaharap lalo na sa hapagkainan. Naaasar ako diyan, nasisira ang ganda ko sa ginagawa niya. " naiinis kong sabi na ikinangiti niya
"Alam mo, Hija. Ang swerte mo dahil ikaw lang unang babaeng pinapasok niya sa kwarto niya. " kumento niya
Nangunot naman ang noo ko "Anong maswerte do'n,Aling Trina? Sa totoo lang,ako na ata ang pinakamalas at kwarto niya ang pinasukan ko. Grabe, daig pa ang mga makukulit na mga bata ang may ari no'n. Sobrang gulo. " na iistress kong sabi
"Pagpasensyahan mo nalang siya, hija. minsan kasi hindi ko alam kung sinong ponsyo pilato ang pumapasok sa katawan niya. "natatawang litanya na ikinatawa ko rin.
"Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera eh hindi ko'to papasukan. Kahit gwapo pa ang may-ari kung gano'n din ang ugali. " sabi ko
Natigilan naman kami ng may nagsalita sa may tapat ng pinto
"So, I'm handsome? " sabi niya habang nakangisi
"May sinabi ba ako? Aling Trina, may sinabi ba ako? " baling ko dito
"Meron, hija. "
"Aling Trina, humindi kanalang." sabi ko
Tumawa lang ito saka naunang naglakad palabas. Napairap nalang ako. Ang matandang 'yon balak pa'kong ipahamak. wala naman kasi akong sinabi,bukod sa demonyo siya
"Oh ano nanaman ang ginagawa mo dito? Sisirain mo ba ang oras ko sa paglalaba Sir. Dielan. " diniinan ko talaga ang pangalan niya
"You haven't had lunch yet, come on, come with me."
"Anong come with me?"
Napa oh siya "I mean, join me for lunch. " saka nag crossarm at sinandal ang balikat sa may pintuan.
"Hindi na, mamaya na lang ako kakain. " sabi ko at bumalik sa pagkakaupo saka naglaba
"Come on, hindi pwedeng nagpapalipas ka ng gutom."
BINABASA MO ANG
Babies of Mr. Stranger
Romance(COMPLETED) Warning: R-18 -SPG - Mature Content Paano kung isang araw ay malalaman mong ikaw ay buntis at ang masaklap pa do'n ay hindi mo alam kung sino ang lalaking iyong nakatalik ng gabing 'yon. And now She was carrying the babies of Mr. Stra...