Chapter 3

17.2K 367 14
                                    

Sarap na sarap pa ako sa tulog ng bigla akong niyugyug ng anak kong si Gillian.

"Mommy, Mommy, wake up! Si Dielan po nasa salas na. " sabay yugyug at halik sa mga pisngi ko

"Tell him na pumunta dito, dapat kiss din ako ni Dylan para magising na'ko. " inaantok kong sabi, hindi kopa nga nagagawang idilat ang mga mata ko

"But Mommy... "

"Sige, hindi ako babangon. " nakangusong sabi ko at nagtalukbong.

Gusto ko kasi palagi akong hinahalikan ng dalawang anak ko sa pisngi para magising ako. Morning Routine naming tatlo 'yon.

Narinig ko ang paghagikhik ng anak ko at kasabay no'n ay ang pagyabag no'n palabas. Inaantok pa talaga ako, napagod kami kagabi at the same time napuyat din. Dahil nagmovie marathon kaming apat nina Rosyana. Sayang nga wala si Python. Pumunta kasi sa Europe dahil sa business niya.

"Mommy, Dielan is here na po. " masiglang sabi ng anak ko habang papalapit sa pwesto ko. Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko, Hindi ko parin nagagawang idilat ang mga mata ko.

"Baby Dylan, come here, kiss mona si Mommy sa Cheeks. " nakangiting sabi ko habang tinuturo ang cheek ko.

Humagikgik lang ang anak kong si Gillian at ramdam kong may umupo sa may tabi ng kama. Ramdam ko ang kakaibang amoy, hindi ito ang amoy ng anak. Parang ang ang bigat ng nakaupo. Saktong pagdilat ko ay sumakto naman ang paghalik nito sa pisngi ko.

Takte! Napabalikwas ako agad ng bangon at gulat na nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya dito?

"Goodmorning " he smiled

"W-why did you kiss me? " nauutal kong sabi

Tumayo siya at lumapit sa anak ko na kanina pa nakangiti.

"You said that I will kiss you in the cheeks. " nakangising aniya

"What? "

Oh god! Akala ko ang anak kong si Dylan 'yong binabanggit ng anak ko.

"Mommy, siya po 'yong Dielan na sinasabi ko. My twin po is tulog pa, and he's still salivating kagaya po ni Pangit Rosyana. " sabi niya

"You didn't tell me clearly, Baby. " nakakunot noong saad ko

"Don't scare her, it's your fault anyway. Hindi ka kasi nagigising ng maaga. " natatawang singit ni Dielan

"I'm not ,I do not scare her.. At teka nga, ano bang ginagawa mo dito sa bahay? " inemphasize ko pa talaga 'yong huling word

"As far as i remember this is the day that your going into my house. " he seriously said

Naalala ko naman kaagad. Oo nga pala, monday pala ngayon. Mamayang tanghali pa ang pasok ng anak ko.

"Mommy, I'm going back to my room. Gigisingin ko na po ang mga sleepyhead." sabi niya

Tumango naman ako. Lumabas narin siya kaya kaming dalawa nalang ni Dielan ang andito. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya. Namula na yata ako, dahil naalala ko ang paghalik niya sa pisngi ko kanina.

"Bakit kaba andito? " sabi ko, pilit kong sumeryoso

"cause I'll pick you up." mabilis na sagot

"Maid lang ako, sosyal ko naman may tagasundo pa ako. " sarkastikong sabi ko saka umirap

I heard him Tsked "Kung hindi pa ako pumunta dito ay hindi kana gigising ng maaga. "

"Aba, hindi ko na problema 'yon. And besides, kwarto mo lang naman lilinisin ko. Baka wala pang ilang minuto ay tapos kona ang paglilinis ko. Kaya kahit tanghali na'ko pumunta sa bahay mo ay ayos lang. " mahabang sabi ko.

Babies of Mr. Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon