Chapter 22

9.7K 194 9
                                    










"What's up,Mrs.Thea Fernandez Cohen." Malakas na sigaw sa pangalan ko ang umalingawngaw sa loob ng cafeteria

Napalingon kaming pareho ni Sarah sa may entrance ng Cafeteria. Hundi lang kami ang mga napalingon maging ang ibang mga costumer pa ay ginawaran siya ng mga kakaibang tingin. Bumungad ang gaong si Cloud na halos one hundred percent 'yung volume ng bibig kaya lahat ng mata ay nasa kaniya. Attention seeker talaga ang mokong.

"Siya ba 'yung Cloud? Gwapo din naman pala.manliligaw mo?" tanong kaagad ni Sarah sa'kin habang nakatingin sa direksyon ni Cloud na halos mapunit na ang labi sa sobrang lapad ng ngiti habang naglalakad papunta sa direksiyon naming.

Simpleng t-shirt tsaka nakamaong na pantalon lang ito habang naka rubber shoes ng vans. Feeling teenager. Kunsabagay, mukha pa naman siyang bata. Gwapo rin naman siya pero hindi siya pumasa sa gusto ko.

"Oo, siya, pero correction lang hindi ko siya manliligaw." Pagtatama ko

Alam nanga niyang may Dielan ako. Hindi naman talaga mahirap magustuhan itong si Cloud. May itsura,masipag,mabait. Kung tutuusin ay nasa kaniya na ang lahat. Hindi man siya ganoong kayaman alam kong gagawin niya ang lahat para maalagaan ka. Kaso,alam niyo na. daig pa nito naka mikropono sa lakas ng boses . daig niya din ang mga chismoa kung maghatid ng balita.

"Anong pinag-uusapan niyo? Na miss mo na ba ako Ms.Thea? Ikaw kasi,nag quit kana kaagad sa Tea shop,eh,ilang araw ka palang naman duon." Tuluyan ng nakalapit sa pwesto naming si Cloud at nagsasalita habang umupo sa tapat naming ni Sarah

Kakalapit nalang,kadaldal na.

Lumipat ang tingin niya sa kasama kong titig na titig sa kaniya. Isa pa itong buntis na ito. May nakaharap lang na maitsura. Halos magkahugi puso na ang mga mata nito. Nakakalimutan niya na bang may Python na siya

"By the way,Ms. Beautiful ako nga pala si Cloud Joseph Madriaga.Cj or Cloud nalang para ramdam ko 'yung kapogian ko sa pangalan ko." Kumindat pa "Ikaw,binibini,anong pangalan mo?" nakangiting pagpapakilala nito sabay lahat ng kamay niya

"Sarah...Sarah Suarez." Pagpapakilala naman niya sabay lahad din ng kamay niya para mag shake hands

Tinaasan ako ng kilay si Cloud nang mapansing walang balak na bitawan ni Cloud ang kamay ni Sarah kaya tumikhim ako tsaka tinapik ang kamay niya dahilan ng pagkurap nito at binitawan ang kamay niya

"Ikaw.. tumigil- tigil ka. Gusto mo bang tusukin ko 'yang mata mo?' duro ko ditto

"Thea,'wag ka namang ganiyan sa kaniya. Ang cute cute niya kaya. Tignan mo 'yung cheek niya ang lambot." Pigil sa'kin ni Sarah habang humahagikgik

Umirap ako.

"Mataba ba cheeks ko? Hindi naman ah. Halos magmukha nanga akong buto't balat sa itsura ko. Tignan mo Ms. Sarah . halos lumuwa na ang buto ko sa panga sa sobrang payat."

Natawa si Sarah "Hindi kaya...ang cute mo nga eh."

Pinaglilihian pa ata ang mokong

Tumikhim ang mokong tsaka binigyan ng isang napakatamis na ngiti si Sarah. " Kung cute ako, maganda ka naman Ms. Sarah. Single ka po ---"

"Buntis 'yan." Dugtong ko

Dahan dahang nawala ang ngiti nito at unti-unting napalitan ng pagkagulat. Akala mo makakaisa ka. Kotongan pa kita diyan.

"P-put----seryoso? Bakit ba lahat ng nakikilala kong magaganda.Lahat may bakod na. Malas lang ba ako sa pag-ibig o malas lang talaga. " kunwaring nagdadramang saad niya

Babies of Mr. Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon