Chapter 115

7 4 0
                                    

Churi POV

"Churi, churi gising na" Dahan dahan akong nag inat nang makarinig ng boses, inisa isa kong buksan yung mata ko at agad akong umayos ng upo nang makita ko si Jeonghan, di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa dibdib nya. Bigla nalang kumurba ang pilyong ngiti sa labi nya.

"Masyado mo atang na enjoy yung dibdib ko" giit nya pa at tumawa. Naghahalo na yung pakiramdam ko, inaantok pa ako and at the same time na hihiya ako kay Jeonghan, na enjoy ko nga siguro yung dibdib nya, himbing ng tulog ko eh.

Hinampas ko sya sa balikat.

"Kapal ng mukha!" giit ko at may bigla nalang nagdabog sa gilid ng upuan namin, galit na nakatingin samin si Kuya tapos ang haba pa ng nguso.

"Hoy mga love bird, baka gusto nyo nang bumaba?" sarkastikong sabi nya kaya agad namang nagsalubong yung kilay ko. Bumaba?

Napatingin ako sa bintana at agad na lumaki yung mata ko, nakalanding na pala kami.

Umirap lang si Kuya at saka naunang bumaba.

"Hala ang ganda! Wonwoo kargahin moko!" parang bata na sigaw ni Hoshi at saka sumampa sa likod ni Wonwoo, wala namang nagawa si Wonwoo kundi kargahin si Hoshi.

Tumayo na kami ni Jeonghan at saka kinuha yung mga gamit namin na nasa bandang likod na upuan, di ko nga alam kung bakit nang dun yun, diko ata napansin kaninang umaga kasi tulala ako at nagtatampo.

Naglakad na kami pababa ng eroplano, unang hakbang ko palang palabas ay agad na kuminang yung mata ko dahil sa ganda ng lugar, twinkle twinkle little star.

Para akong nasa ibang planeta, nagtaka pa nga ako kasi may place na para talaga sa eroplano.

Parang wala kami sa earth, ito ba yung neverland? Mas grabe pa toh sa inaasahan ko, kulay purple na mga dahon, puno na may dahon na kulay Pink.

Iba't iba ang kulay ng mga dahon kada puno, may puno din na kulay pula ang dahon.

Halos mag kulay rainbow na yung lupa dahil sa iba't ibang kulay ng dahon na nahuhulog dito, kakaiba din ang hugis ng dahon na nang didito.

(Here's the pic of the place)


Gusto ko na tuloy manirahan dito, dito nalang kaya kami tumira? Baka pumayag si Kuya, ayaw kasi nya sa maraming tao kaya baka pumayag yun.

"Churi, humakbang na tayo" nabalik ako sa reyalidad nang kalabitin ako ni Jeonghan. Ayan na naman yung pilyong ngiti sa labi nya.

"Ang sarap tumira dito noh? Gusto mo dito tayo gumawa ng baby" lumaki yung mata ko sa sinabi nya, agad ko syang kinurot sa tagiliran dahilan para mamilipit sya sa sakit.

"Grabe and sakit mo talaga mangurot" daing nya sakin.

Naglakad na ako habang nasa likuran ko naman sya at panay ang tawa.

"HEYAHHHHHHH! TIGIDIG TIGIDIG! HEYAAHH TIGIDIG TIGIDIG! GO WONWOO KAYA MO YAN! MAAABUTAN NATIN SILA BITTERGOURD!" napatingin kaming lahat sa biglang sumigaw.

Sabay naming nasampal yung mga noo namin nang makita si Hoshi na karga ni Wonwoo at uma acting na parang nasa karera.

Mas lumaki pa yung mata ko sa gulat nang makita kung sino yung kalaban nila.

Si Kuya na karga karga ni Doktor Top! Jusmeyo marimar, nadamay ang doktor sa kalukuhan ng ampalaya!

"Kuya! Mamamatay na si Doctor Top!" sigaw ko nang makita si Doctor na hinahabol yung hininga nya, pano ba naman eh nakapulupot yung kamay ni Kuya sa leeg nya.

Huminto naman sila at tuloy tuloy na bumagsak si Doctor Top sa kulay pulang lupa.

"Jusmeyo! Kuya doktor yan hindi yan kabayo!" giit ko habang inaalalayan namin ni Jeonghan si Doctor Top na tumayo. Bigla nalang humaba yung nguso ni Kuya na para bang bata na napagalitan.

"Top look at me" utos ni Kuya kay Doctor Top na parang nahihilo pa.

"Nakikita mo ba ako? Malabo ba paningin mo?Anong mukha ko?"

"Wala namang nagbago, mukha ka paring unggoy!" sagot sa kanya ni Doc--

Teka si Doctor Top yung nagsalita? Hala may pagka topak din pala si Doctor? Kalahi nya ata kami!

Agad namang nagtawanan yung iba kasama na kami ni Jeonghan, yung mahabang nguso ni Kuya ay mas humaba pa ng husto.

Padabog syang tumalikod samin kaya natawa nalang kami, tiningnan ko si Doctor Top.

"Okay ka na po ba?" tanong ko, ngumiti lang sya, ayan na naman yung ngiti nya, nakakahumaling, gusto ko na tuloy---- ay hala yung boyfriend ko nasa gilid ko lang pala.

"Sure ka po bang okay ka lang?" Pagkomperma ko sa lagay nya.

Feel ko maging doctor pag ganito kagwapo yung pasyente, baka nga di na ako magpabayad, libre na ang check up ,iuuwi ko nalang sya samin. Hehe.


"No don't worry, i'm fine" sagot nya at hinabol na si Kuya na mahaba parin ang nguso.



"Tara na?" aya ko kay Jeonghan pero bigla nalang syang umuna saking maglakad, padabog pa yung mga hakbang nya.

Nagtaka tuloy ako, nabasa nya ba yung nasa isip ko?

"Hoy, teka hintay!" Sigaw ko at hinabol sya.

Nang makahabol ay agad ko syang kinilabit pero di nya ako pinapansin.

"Sure ka po bang okay ka lang? " pang gagaya nya sa boses ko kanina, ayan na nga ba sinasabi ko.

Inirapan nya lang ako at padabog na namang naglakad palayo. Napahagikhik nalang ako habang hinahabol sya.

"Hala selos ka na nyan?" natatawang giit ko.

"tchee!" sagot nya naman.

"Hoy tinatanong ko lang naman kung okay lang sya"

"Ako nga di mo tinanong kung okay lang ako sa dala kong bag MO" sabi nya at diniinan pa yung word na "mo".

Sya na nga pala nagdala ng bag naming dalawa.

"Ehh wag ka nang magalit"

"Hindi naman ako galit eh"

"Eh ano yan? Ba't ka padabog na naglalakad?"

"Gusto ko lang ng kiss" sabi sabay nguso sakin.

Ako naman ngayon ang padabog na naglakad palayo, kainis di pa nga ako naka move on sa nangyari kagabi. Ikaw daw ba kasi bihisan ng lalaki. Okay lang sana kung si Kuya yun pero si Jeonghan eh, jusmeyo marimar nakakahiya.

Kahit na childhood bestfriend ko sya na ngayo'y boyfriend ko na ay hindi ko parin maiwasang mahiya.




*Please vote*








When the moon howls [Season 2]Where stories live. Discover now