Churi's POV
"Lexine..." halata sa mukha ni Hoshi ang pagkabigla dahil sa mga sinabi ni Lexine. The red blush on his cheeks we're visible at ramdam na ramdam kong kinikilig siya.
"Pakasal na tayo pagkatapos nito ah?"
Ngumiti lang si Lexine sa kanya at saka ginulo ang buhok niya, nabigla nalang kami nang pagkatapos niyang gulohin ang buhok ni Hoshi ay mabilis niyang sinuntok ang dalawang flight attendant na may hawak dito, bumagsak sa sahig ang isa habang yung isa naman ay masama ang tingin sa kaniya."You really wan't a fight young lady?" Tiningnan ko si Sabrina ngunit nakapamulsa lang ito habang pinagmamasdan kaming lahat.
"Ayoko nang away, ayoko kasing pagpira-pirasuhin ang katawan nang kaibigan ko para lang maipakita sa duwag na kagaya mo na kaya kita. Kung matapang ka nga, bakit ayaw mo kaming harapin dito nang personal? Ba't kailangan mo pang gamitin ang katawan ni Michelle para lang labanan kami? Duwag ka pala eh!"
Kitang kita ko ang pagkabigla ni Sabrina sa mga sinabi ni Lexine, tama nga naman talaga si Lexine, isang duwag si Sabrina, she only have the brain but not the body. Kung matapang nga siya ba't di niya kami harapin para makita natin kung sino talaga ang bida.
"Shut your mouth or else--
Naputol ang sasabihin ni Sabrina nang sa isang iglap ay nasa leeg niya na ang espada ni Lexine.
"Or else what?"
"Papatayin ko kayong lahat!" sigaw nito at bigla nalang may kinapa sa bulsa, kitang kita ko ang pangamba sa mata niya nang hindi makita ang hinahanap."Freaks! Where's the remote!"
"Ito ba hinahanap mo?" Nagulantang kaming lahat nang biglang sumulpot si Kuya kasama si Doctor Top na kasalukuyan pang sumisipsip nang lollipop sa bibig.
Ba't diko napansin na wala pala si Kuya at Doctor Top dito kanina pa?
"Sorry ha, namiss namin yung eksena. Sumakit kasi yung tiyan ko sa cup noodles eh kaya ayon tumae muna ako at alam niyo ba na ang sarap nang pakiramdam ko pagkatapos tumae. Ito ba yung hinahanap mo?" Nasapo ko nalang yung noo ko dahil sa mahaba niyang salaysay. Kakaiba ka talaga kuya, wala 'kang katulad.
"Damn! Give it back to me!"
"Hala sayo pala toh? Akala ko laruan, pipindotin ko na sana kaso bigla ko narinig boses mo." sarkastikong sambit ni Kuya habang winawagayway sa harapan ni Sabrina ang remote control niya. Nakangiti lang din si Doctor Top habang nakapamulsang sumisipsip nang lollipop.
"Churi..." may mahinang boses akong narinig mula kanino, agad kong ibinaling ang atensyon ko kay Jeonghan habang nilalabanan na nila Lexine at Kuya ang mga kalaban, nabigla din ako nang makita na marami pala silang kalaban na puro pa lalaki.
Di ko na sila pinansin pa kasi alam kong kaya naman ni Lexine at Kuya ang mga lalaking 'yon, sa ngayon ay nag-aalala ako kay Jeonghan, nawalan siya nang malay habang hawak hawak parin nang dalawang lalaki. Agad na kumilos ang kamay ko at ang huli ko nalang nakita ay ang pagbagsak nang dalawang lalaki sa sahig kasabay nang pagdurugo nang mga bibig nito.
Agad kong inalalayan si Jeonghan upang huwag itong mahulog sa sahig, isinandal ko ito sa upuan at saka ko pinuntahan si Mingyu na halatang matutumba na dahil sa panghihina, ano bang ginawa nila sa kanila?
Pinatabi ko si Mingyu sa wala nang malay na si Jeonghan.
Patuloy na nilalabanan nila Kuya at Lexine ang walang katapusang kalaban habang nakagapos naman sa isang upuan si Sabrina.
Tinulungan ko si Doctor Top na kalagan ang mga classmate ko, kung una silang makakatakas ay mapapanatag na kahit papaano ang loob ko. Nang makalagan at mawala ang takip sa bibig ay agad nila akong pinaulanan nang mga tanong.
"Saka ko na ipapaliwanag ang lahat, sa ngayon kailangan nila Kuya ang tulong niyo." Giit ko, kahit naguguluhan ay tumango sila at saka sumali sa pakikipaglaban. Binalikan ko sila Jeonghan at nakita ko si Hoshi na pilit silang ginigising.
Agad akong tumakbo nang bigla kong makita ang luha sa mga mata ni Hoshi, umiiyak siya. Pero bakit?
"Mingyu! Jeonghan! Ano ba, gumising na kayo!" agad akong nakaramdam nang kaba sa dibdib habang nakatingin kay Hoshi.
Itinapat ko ang palad ko sa dibdib ni Jeonghan at Mingyu ngunit mas domoble pa ang kaba nang mapansin ko na mahina na ang heartbeat nila.
"Doctor Top!" Agad na sigaw ko para kunin ang atensyon ni Doctor Top.
Agad siyang tumakbo papalapit sa amin nang marinig ang boses ko.
"Mahina na 'yung heartbeat nila, kailangan ko nang tulong mo."
Agad niyang inasikaso sila Jeonghan, bigla ko nalang naramdaman na tumutulo na pala yung luha ko habang nakatingin sa kanila. Damn Sabrina anong ginawa mo? Napahagulgol nalang ako nang makitang may lumalabas na dugo sa mga bibig nila.
"Hosh...anong nangyari sa kanila?"
"May ininject silang parang lason sa...sa katawan nila Mingyu, sinubukan ko silang pigilan pero napahamak lang ako, sorry churi...sorry ate"
May narinig akong mahinang halakhak, agad kong nilapitan si Sabrina at kenwelyuhan ito.
"Tell me! Where's the cure?"
"I have it"
"Ibigay mo sakin!"
"And why would i do that?"
"Kasi nangdito ka para sa kaniya, sinabi mo 'yun kanina! Nangdito ka para bawiin siya, ano pang mababawi mo kung mamamatay siya?" Napahagulgol ako at napaluhod sa harapan niya. Di ko na alam anong gagawin ko, 'di ko inaasahan na may mangyayaring ganito. Nasasaktan ako, paano kung mawala siya? Pinipigilan ko yung sakit na nararamdaman ko dahil may posibilidad na umatake na naman yung sakit ko, hindi ngayon ang panahon para dun, kailangan nila ako, kailangan ako nang taong mahal ko.
"Si Mingyu, Michelle kung naririnig mo man ako, please lang huwag mong hayaang mawala siya, alam kong hindi na sayo 'yung utak na 'yan, pero yung puso mo, nandyan pa naman diba? Hindi utak ang nagmamahal kundi ang puso, parang awa mo na, ibigay mo sakin ang gamot."
Hindi ko na maaninag nang maayos ang mukha niya dahil sa natatabunan na nang luha ko ang paningin ko. Kita ko ang pag-iba nang ekspresyon nang mukha niya.
"I'll gave it to you, pero sa isang kondisyon."
"A-anong kondisyon?" I cried.
"Gave him back to me."
A/N: please vote!
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 2]
Novela Juvenil"Always remember we are under the same sky, looking at the same moon." When will we see the cure? When will we survive from this?