LEXINE'S POV
Hinihingal ako habang nakaupo sa may kusina. Kanina pa kasi kami naghahabulan feeling ko tuloy di na ako humihinga.
Charroott lang
Kainis na hoshi yun, napuno na ng icing yung mukha ko di parin tumitigil. Nasan kaya yung singkit na yun?
Inayos ko na muna yung sarili ko at pinunasan yung mukha ko na may icing.
Speaking of the singkit, papalapit siya sakin ngayon.
Inis naman akong tumayo at kunwaring inaayos yung mga prutas, galit galit muna kami ngayon. Siyempre pakipot muna.
"Lexine..." tawag nya sakin.
"Ouh!?" Pasigaw na sagot ko sa kanya.
"Galit ka pa?'" teka nagpapacute ang luko. Bagay talaga sa kanya magpacute, kahit nga di na magpacute. Cute na kasi sya tapos nagpapacute pa sya kaya nakyukyutan na ako kasi cute na sya kahit di sya nagpapacute.
Ah basta cute siya.
"Oo, galit pa ako"
"Eh sorry na..."
Patatawarin kita pero kiss muna bwahaha...
"Hoyy" sambit nya sabay tusok sa balikat ko. Pinipilit ko yung sarili ko na maging kalmado, pero kinikilig talaga ako eh, ano bayan.
"Patawad na"
Ang rupok ko naman kung papatawarin ko sya ngayon matapos nung lahat na ginawa nya sakin, pinahigop nya lang naman ako ng sabaw na puno ng sili at pinainom ng suka.
"Kumain ka na?" Tanong nya habang inihaharap ako sa kanya.
"Paki mo?" Taas noo kong sigaw. Grabe i'm so proud of myself, ang galing ko dun ah.
"Kumain ka na baka magkasakit ka, baka mapunit yung baby natin.."
Lumaki yung mata ko sa gulat, what the hill? First of all hindi ako buntis and second, virgin pako!!!!
"Alam mo? Baliw ka!" galit na sigaw ko sa pagmumukha nya.
"Baliw sayo"
Akala nya ba madadala niya ako sa mga banat nya na yan? Hmmp pwes magtiis siya, di ako kikiligin.
Kinilig ako dun ah!
"Style mo bulok!"
"It's true"
Ay ayaw talaga tumigil oh! It's true daw? totoo? Wahhh totoong baliw siya sakin? O my gas!
"My sentiment is bizarre"
"Huh?"
"Ang sabi ko mahal kita"Hoyyy pusaa kinikilig akoo, di ko na mapigilan!! What the hill! Marupok na kung marupok! Di ko na maexplain.
Hoshi i love you too!!! I love you to the stars and back to the earth and fly me to the moon!
Siya lang ang tigre na nagpapakilig sakin.
Nadinig ko pa yung mahina nyang pagtawa sabay kurot sa pisngi ko. Pusang gala! Nagwawala na yung puso ko!
"Oh okay ka lang?" tanong nya sakin. Sa tingin niya ba okay lang ako sa lahat ng sinabi niya sakin? No no no i'm not fine. Sobra sobra na yung kilig na nararamdaman ko. Tapos tatanongin niya lang ako kung okay lang ako?
Halos sumabog na nga tong puso ko dahil sa kaba at kilig tapos nakatitig pa yung mga mata niya sakin tapos yung mga kamay niya nakahawak sa magkabilang balikat ko. Wala na patay na.
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 2]
Teen Fiction"Always remember we are under the same sky, looking at the same moon." When will we see the cure? When will we survive from this?