Churi's POV
Nakatingin lang ako sa bintana, pinag mamasdan ang kagandahan ng tanawin sa ibaba. Mga malalaking alon, mala bagyong hangin, malamig na klima. Kulay asul na kalangitan.
Siguro nga walang nakaka alala na birthday namin ni Hoshi ngayon, di ata uso sa kanila kalendaryo.
Pati nga si Jeonghan, di man lang naisipang bumati sakin,hmmp bahala sya.
Ako lang mag isa sa kwarto, ibibili daw ako ni Jeonghan ng mga damit at pang protekta sa lamig, mas gumiginaw kasi ang klima habang tumatagal.
Mula sa bintana ay tanaw na tanaw ko ang asul na karagatan na tila ba wala nang hangganan. Hanggang kailan ko kaya mararanasan to? Hanggang kailan ko kaya makikita to?Hanggang kailan kaya ako mabubuhay at makakaramdam ng ganito?
Nakapatong lang yung mukha ko sa kamay ko na nakatukod sa bintana habang pinagmamasdan ang paligid nang biglang nagring yung phone ko.
Tiningnan ko yun at nakaflash ang mukha ni kuya sa screen, nakikipag videocall sya. Agad naman akong nakaramdam ng saya, babatiin nya na siguro ako.
"Kuya!" tuwang tuwa na sabi ko.
"Hi baby sistah!" ayt ba't bakla?
"Kuya san ka pupunta?" Giit ko.
"Kay Top" sagot nya sakin. Napansin ko kasi na nagmamaneho sya, parang nilagay nya lang sa harapan nya yung phone,buti di nahuhulog.
"Ang gwapo mo naman ngayon kuya" pambobola ko.
"Tss, maliit na bagay" hmmp ang hangin nya talaga, pero totoo nga ang gwapo ni kuya ngayon, naka ayos kasi sya at saka maganda na ang ayos ng buhok di kagaya nung una na parang pugad ng ibon.
"Hmm, may kadate ka no?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo nya sabay iling, wow kung makailing naman to.
"Di ah, no way. Wala pakong nakikitang babae na deserve yung kagwapohan ko. Ang swerte naman nila kung liligawan ko sila, yuck, eww, nakakadiri" halata naman sa mukha nya na nangdidiri sya, gago talaga.
Mapait pa sa ampalaya tong si Kuya, ayaw na ayaw sa mga babae. Nang aaway pa nga sya pag nakakakita ng mga sweet couples. Tinataponan nya rin ng nakakadiring tingin yung mga babaeng umaaligid sa kanya. Pranka din sya kung magsalita, yung babae mismo yung nanliligaw.
"Kamusta na si Hoshi? Inaatake parin ba sya?" sumeryoso ang mukha ni Kuya.
Okay na naman si Hoshi, palagi namin syang kinakausap para di nya na maalala yung sinabi sa kanya ng ate nya.
"Okay na sya kuya" nakahinga ng maluwag si Kuya sa sinabi ko.
"Ikaw? Okay ka lang?" ngumiti ako sa kanya.
"Oo, okay lang ako"
"Buti naman" giit nya.
"Nga pala, merry christmas sa inyo" bati nya samin. Nakakainis di nya nga naaalala.
"Merry Christmas din"
"Sige na, kailangan ko nang i off yung phone"
"Sige kuya goodbye"
***
Nakakainis na talaga, wala pa si Jeonghan tapos ni isa walang bumati sakin, dedma lang silang lahat.
"Ang haba ng nguso mo" may bigla nalang sumulpot sa harapan ko. Nakangiti lang si Jeonghan sakin.
"Hmmp"
"Wag ka nang mainis jan, tara na" tumingin ako sa kanya ; nakalahad yung kamay nya sakin.
"San naman tayo pupunta?" sabi ko pero maldita yung tono.
"Sa neverland" pasimpleng sagot nya. Nagcross arm lang ako at mas humaba pa yung nguso dahil sa sagot nya, pinag tritripan nya ako.
"Halika na"
"Ayaw"
"Halika na sabi eh"
"Ayaw"
Nabigla nalang ako nang bigla nya akong buhatin, dahilan para mahampas ko yung kamay nya.
"Ibaba moko ano ba" nagsmirk lang sya sakin.
"Ayaw mo eh"
"Oo na sasama na"
"Okay" di nya parin ako binababa.
"Ibaba mo na ako!"
"Ayaw"
"Ibaba mo na ako sabi eh"
"Ayaw" hmmp, gumaganti ata sya.
Nagsimula na syang maglakad, nakakasalubong pa namin yung iba na nakangiting malawak samin.
May iba pang kinikilig, at yung iba naman panay pang iinis.
Nakita ko mula sa malayo si Wonwoo na naglalakad papunta samin.
"What happened?" tanong nya kay Jeonghan.
"Ayaw sumama eh" sagot naman nung baliw. Tumawa lang si Wonwoo.
"Ibaba mo na yan, tingnan mo itsura oh! Papatay na ng tao" sabay tawa nya ng malakas. Pilit ko syang inabot para masapak pero inilayo ako ni Jeonghan, naglakad sya ng mabilis para mailayo ako kay Wonwoo.
Pino protektahan nya yung tropa nyang pangit.
Naglakad pa sya palabas, hinayaan ko nalang syang buhatin ako.
"Are you mad at me?" mahinang tanong nya. Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Merry Christmas mahar" huh? Parang tanga tong lalaking toh.
"Galit ka nga"
"Di ako galit!" sigaw ko sa kanya. Ibinaba nya na ako. Kinuha nya yung mukha ko at ihinarap sa kanya. Hawak hawak nya yung pisngi ko habang nakatitig ng diretso yung mata nya sakin.
"I know your mad" malumanay yung boses nya.
"Happy birthday my lady, happy birthday my endless and unforgettable love" sabi nya at inilapit ang mukha nya sakin,"I love you" bulong nya at saka ako hinalikan. Ramdam ko yung saya sa mga sinabi nya, buong akala ko nakalimutan nya na.
"♫Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday ,happy birthday happy birthday to you"♫
May bigla nalang kumanta at nang humiwalay na kami ni Jeonghan sa halik ay agad kong tiningnan kung sino yun.
Humalukipkip pa ako para makomperma kung sya ba talaga.
Nakangiti sya sakin habang may hawak hawak na Isang malaking cake, nasa likod nya yung iba pati na si Mingyu na may daladala ring isang cake.
Napangiti ako dahil sa saya.
"Kuya!" Sigaw ko at tumakbo para mayakap sya.
"Happy birthday sistah!"
-vote and comment!
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 2]
Genç Kurgu"Always remember we are under the same sky, looking at the same moon." When will we see the cure? When will we survive from this?