Lexine's POV
Naiihi na ako katatawa kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa cr.
Natatawa kasi ako dun sa Optimus Pride at bumble bird na sinabi ni Hoshi. Inaamin ko, nakakakilig siya. Lahat ng katangian ng ideal man ko nasa kanya na. Cute, gwapo, murunong magpatawa, maalaga, may pananampalataya sa Diyos, singkit na mga mata, di nga lang ako sigurado kung may pagtingin ba siya sakin. Pero san pa ako? Kung di man magiging kami sa dulo ede mas mabuting single nalang ako habang buhay.
Pero pano nga kung di niya ako magugustuhan? Ang sakit naman pag ganon. Ayaw ko siyang bitawan, marami namang gwapo sa paligid pero siya, iba eh. Bukod tangi siya sa lahat, para bang hinuhuli niya palagi yung tingin ko. Pag may tinitingnan ako, sa mukha niya ako palagi na tatrap.
Tss, corni nga pero totoo naman.
Pero may meaning kaya para sa kanya yung paghalik niya sa pisngi ko kanina? O feeling ko lang sa sarili ko na may kahulugan yun. Pero paano nga kung meron? Paano na kung wala naman pala iyon para sa kanya?
Habang buhay ko yung di makakalimutan, nakatatak sa memorya ko yung mukha niya matapos niya akong halikan, nakangiti siya na halos mawala na yung mata at dali daling kumaripas ng takbo.
Pero yung paraan niya ng pagsuyo sakin kanina, pagsuyo ba yun ng isang kaibigan o higit pa? Nag aassume ako na sana hindi.
Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong ingay mula sa isa sa mga kwarto.
"Aray masakit" mahinang daing ng isang lalaki na sa tingin ko ay si Minghao base narin sa boses.
Itinapat ko yung tenga ko sa pinto.
"Dahan dahanin mo naman Jun" lumaki yung mata ko sa gulat. Luh? imagination ko lang ba yung madumi o totoo talaga to.
"Kaya mo yan, trust me Minghao, the pain will ease after any minute now" napatakip ako sa bibig ko, gusto ko na sanang humakbang palayo pero parang ayaw gumalaw ng mga paa ko.
Ang tsismosa ng paa ko.
"Jun dahan dahan, masakit talaga"
"Shhhhhh, mawawala din yung sakit. Tiwala lang" giit naman ni Jun. Hala ano bang ginagawa nilang dalawa? Iba talaga iniisip ko eh, parang may ginagawa silang kung ano sa loob.
"Ibahin mo yung posisyon mo, nahihirapan ako" sabi ni Jun na mas nagpalaki sa mata ko. Parang gusto ko na talagang tumakbo at kalimutan ang lahat ng narinig ko. Para na akong matatae dito sa kinatatayuan ko.
"Pag ako talaga di nakapaglakad nito mamaya, ikaw talaga sisisihin ko"
"Hubarin mo na kasi, sagabal eh"
Naku po! Totoo ata na may ginagawa silang dalawa sa loob. Di daw makakapaglakad? Ibahin ang posisyon? Dahan dahan? Masakit?
Nakakatakot na tong iniisip ko.
Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto kaya agad agad akong nasubsob sa sahig. Ang sakit!
Kinakabahan ako sa pwede kong makita pag ini angat ko yung tingin ko.
"May hinahanap ka ba Lexine?" tanong ni Jun sakin.
Dahan dahan kong ini angat yung tingin ko sa kanila, nabigla naman ako nang makita siyang nakadamit at may hawak hawak na ointment at alcohol sa kamay.
Agad akong tumayo at nakita ko si Minghao na di makapaglakad ng maayos at may nakalagay na kung anong tela sa tuhod niya.
Mali yung nasa isip ko! Mali! Yan kasi ang dumi ko mag isip! Napag isipan ko pa talaga sila ng masama. Nagduda pa talaga ako sa katauhan nilang dalawa.
Ginagamot naman pala ni Jun si Minghao.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Minghao.
"Ahh mag c-cr lang sana ako"
"Sa kwarto namin?"
"Ah-ano hindi, napadaan lang ako tapos narinig ko kayong dalawa"
Napatawa naman silang dalawa sa dahilan ko.
"Oh sya, mauna na kami. Ito kasing si Minghao nagpapaka lampa, ayan tuloy nadapa."
"Haha, ingat ka sa susunod"
"Sige Lexine, mauna na kami sa ibaba"
"Ah sige"
Naglakad na sila pababa habang nagtungo naman ako sa cr.
Pagkatapos kong mag cr ay nag ayos muna ako ng sarili ko bago tuluyang bumalik sa ibaba. Pero bago pa man ako tuluyang makapaglakad ay may bigla nalang humarang sakin.
"San ka galing?" giit niya at nagcross arm sa harapan ko.
"Nagpunta lang ako sa cr sandali"
"Anong ginawa mo dun?" Parang tanga naman tong lalaking toh, kung di ko lang talaga mahal to kanina ko pa toh binatukan nang matauhan sa tinatanong niya.
"Nagswimming ako dun hosh"
"Tss, pilisopo"
"Ikaw ba hindi?"
"Pilosopo rin"
"Oh edeh match tayo" napahinto ako at napatakip ng bibig, tiningnan niya naman ako ng nakakaluko. "Ah- ano sabi ko match, yung posporo. Ibig kong sabihin para tayong posporo."
Napangiwi naman siya sa sinabi ko, para akong tanga.
"Iniiba mo pa talaga yung kahulugan eh halata naman"
"Na ano?"
"Na nag sisinungaling ka"
"Hoy hindi ah!"
"Nevermind, sinong kasama mo dun?"
"Siyempre wala, nasa ibaba kaya silang lahat"
"Hmm are you sure na wala kang tinatagong lalaki jan sa loob?"
Inis akong napakamot sa ulo ko, pusang gala! Ba't naman ako magdadala ng lalaki jan sa loob? Ang oa naman nitong lalaking toh.
"Wala nga sabi eh"
"Okay" simpleng sagot niya at nag lakad na paalis. Napangiwi naman ako habang sinusundan siya ng tingin.
Luko luko talaga.
Please Vote!:
Bigbang's "We like 2 party" a very very nice song♡
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 2]
Ficção Adolescente"Always remember we are under the same sky, looking at the same moon." When will we see the cure? When will we survive from this?