Churi's POV
Naramdaman ko yung pagvibrate nang cellphone ko habang naglalakad kami papasok sa plane. Di ko na ito pinansin at tinulungan nalang si Jeonghan sa pagdadala nang mga box. Sabi kasi ni Kuya sa loob nalang kami kumain kaya pumasok na kaming lahat since kompleto na kami.
Agad akong naupo sa upuan malapit sa bintana. Naupo naman sa tabi ko si Jeonghan pagkatapos niyang ilapag yung mga dala dalang box. Siya narin ang nagtimpla nang hot chocolate para sakin, nakangiti lang ako habang tinitingnan siya.
Nasa likod namin sila Kuya na kasama na ang kadarating lang na si Doctor Top. Si Hoshi naman yung nasa unahan namin pero hindi na si Woozi yung katabi niya kundi si Lexine.
Inilahad na ni Jeonghan sakin yung isang tasa nang hot chocolate habang hawak hawak niya naman sa kabila niyang kamay yung sa kanya. Inilagay ko yung tasa sa maliit na lamesa sa harapan ko at kinuha yung pack nang strawberry marshmallows.
Nilagyan ko na yung sakin pati yung sa kay Jeonghan. Ngumiti siya sakin na agad ko namang tinugunan.
"Sana naman matapos na yung mag asawa ano? Para makahingi naman ako nang mainit na tubig para sa cup noodles ko." Agad kaming napatawa ni Jeonghan nang marinig si Kuya na nagrereklamo sa likod.
Natatawa kong ibinigay kay Kuya yung lalagyan nang hot water. Nginitian ko si Doctor Top habang busy naman si Kuya sa cupnoodles niya.
"Ikaw babe kumain kana?" malanding sabi niya kay Doctor Top. "Kung di pa halika susubuan kita."
Nagsitinginan silang lahat sa gawi namin habang bahagyang nakangiwi yung mga mukha. Rinig ko din yung mahinang pagtawa ni Doctor Top.
"Anong tinitingin niyo jan? Gulat kayo no?" mas nilandian pa ni Kuya yung tono nang pananalita niya. Nasapo ko nalang yung sariling noo ko sa inaasta niya.
Nagsitawanan lang kaming lahat hanggang sa dumating na yung pilot namin kasama yung mga FA. Nakakapagtaka nga lang kasi mas marami yung lalaking flight attendant kaysa sa mga babae.
Sandali pa kaming nakinig sa kanila hanggang sa matapos na nilang madiscuss lahat lahat.
May kakaiba akong nararamdaman habang umaangat ng bahagya sa ere yung eroplano.
"Are you okay?" agad na sabi ni Jeonghan nang mapansin ako.
"Wala, okay lang ako. Ang sarap nang marshmallow hehe" sabi ko sabay ngiti.
"Mas masarap ako." Medyo napalakas yung boses niya kaya agad na narinig nang iba, sunod sunod yung reaksyon nilang lahat na kala mo'y aagawan nang posisyon sa pamahalaan.
"Mas masarap kaya ako." Sigaw ni Jun na nasa bandang likuran. Sunod sunod yung pag irap nila kay Jun.
"Nahiya naman ako sa inyo! Ako kaya pinakahot dito." giit naman ni Mingyu.
"Nahiya yung pinakacute." sabi naman ni Hoshi na agad binatukan ni Lexine.
"Kung makabatok naman toh! Halikan kita jan eh!" Mapang asar na sabi ni Hoshi.
Napatawa nalang kaming lahat habang namumula naman sa kinauupuan si Lexine.
Sunod sunod pa yung asaran nila hanggang sa maalala ko yung phone ko na nagvibrate kanina. Ano kayang meron?
Naka airplane mode na yung phone naming lahat kasi kanina pa nagsimula yung flight.
Kinuha ko mula sa bulsa ko yung phone ko. Agad na bumungad sakin ang pangalan ni Kris. Ba't niya ako tinext? Kinakabahan ako habang tinitingnan yung miss calls ko galing sa kanya. Ano bang meron?
Binuksan ko yung message ko galing sa kanya, pero agad na nagbago ang reaksyon ko, napalitan ito nang matinding kaba at pagkagulat.
From: Kris Wu
I can't contact Tristan, where are the whole section 17? natagpuang walang malay yung pilot niyo kasama yung mga stewardess. We are all worried.
Received at 9:04 am
Timecheck, 9:30 na. Habang binabasa ko yung text ay kita ko sa peripheral vision ko ang pagtitig sakin nang isang babae. I know it was her.
Pakana niya ang lahat nang ito. Ngayon mas napatunayan ko kung ano talaga siya sa amin.
Isa siyang manloloko. Isa siyang traydor.
Please Vote!
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 2]
Novela Juvenil"Always remember we are under the same sky, looking at the same moon." When will we see the cure? When will we survive from this?