Pisces POV
Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko, kinuha ko agad ito sa bulsa at nagpaalam na muna sa kanila na may kakausapin lang ako sa telepono. Lumayo ako mula sa kanila para walang makarinig sa paguusapan namin.
I answered the call.
"Hello"
"Pisces are you okay?" narinig ko si Libra mula sa kabilang linya.
"I'm totally fine"
"Your with Aries and Aquarius right?"
"Yeah"
"Let's talk privately"
"Yeah i know, i already walked away from them so don't worry"
"Have you noticed something about Aries?"
"Siyemre naman, she's inlove and it's really obvious."
"Yan mismo ang ipinagtaka ko"
"Huh? What's wrong with falling inlove?"
"Naaalala mo pa ba yung phobia niya noon?"
Di ko maiwasang di magtaka nang maalala ko yung phobia niya.
"You know her phobia right?"
"Yeah, it's the fear of falling in love" i answered her.
"Exactly! Naaalala mo pa ba noon kung pano siya magreact about love?"
Mula pa man noon ay takot na si Aries pag pinaguusapan namin yung pag-ibig. Bigla nalang siyang mag hahyperventilate kaya nasa isip na namin mula noon pa na di siya magkakaroon nang kasintahan.
But now, i can see love in her eyes, pero ibang iba yung inaasta niya ngayon kung ikukumpara noon. Did she changed? Pero imposible naman yun.
"Baka nagbago na siya, baka wala na yung phobia na yun"
"No, hindi lang yan yung ipinagtataka ko sa kanya."
"Huh? Meron pa bang nagbago sa kanya?"
"Yeah, she visited us last day in our headquarter. She even bought some seafoods for Master Valerian and me, we all ate together."
"And then?"
"Have you forgotten?"
"Forgot what?"
"Alam natin mula pa noon na allergy si Aries sa seafoods"
I was shocked.
"Alam nating namumula yung balat niya pag kumakain siya nang seafoods and you know what? Her body didn't even react when she ate seafoods last day."
Ramdam ko ang pagtataka sa boses ni Libra. Maging ako ay nagtataka na rin.
"And this is what makes me more shooked, remember when we are still on our training before?"
"Yeah, why?"
"Aksidenteng natumba si Aries noon diba? And that accident leaved a big cut on her shoulder because of the sword"
"Oo, naaalala ko pa yun."
"Mula noon may tahi na yung kanang balikat niya, pero noong isang araw, wala na yung tahi, can't you still get it?"
"Huh?" Di ko parin magets yung mga sinasabi niya.
"Pisces, hindi si Aries yung kasama mo ngayon. Yung nakasama natin sa headquarter at yung nakasama nating iligtas si Master ay hindi si Aries."
"What the-
"Naset up niya tayo, hindi si Aries yung kasama mo ngayon. She's a......
Napatigil siya sa pagsasalita, my heart is beating fast.
"Pisces she's a clone."
"Prove it Libra, wag kang magsasalita nang di mo pa napapatunayan, kung clone siya ba't niya tayo tinulungang isalba si Master?"
"Kasi gusto niyang makuha yung loob at tiwala natin."
I looked at Aries from a far. Paanong hindi ikaw yan? Paanong ang isang clone ay napa ibig sa kaklase ko? But did you really love him? O ginamit mo lang siya? So after all this time you are a spy?
After all this time...sinabi mong mahal mo siya pero ang totoo ay ginamit mo lang siya para makalapit ka sa amin? You used him....You used Mingyu.
"Pisces, sinet up ng mga kalaban yung isip natin. Bukod sa itinurok nilang pampawala nang memorya, may itinurok pa silang iba sa atin."
Libra is crying, i can sense pain in her voice. Gusto ko na ring maiyak, naluko kami, na set up kami. Ang tanga tanga namin.
"Ano?"
"May itinurok silang fluid malapit sa utak natin. Ginawa nilang iba ang mukha ni Aries sa isip natin. Ang mukha ni Aries na naiimahe natin ay hindi talaga niya mukha."
"How can you say so?"
"Alam ko ang lahat kasi nawawalan na nang bisa yung itinurok nila, ngayon ay naaalala ko na yung totoong mukha ni Aries."
"Ba't di sinabi ni Master satin na di pala totoong Aries yung kasama natin?"
"Paano niya masasabi satin yung totoo kung palaging nakadikit sa atin yung clone?"
"Edeh dapat nagsend siya nang message satin"
"Pero nakalink yung device niya sa device natin kaya kung magsesend siya sa isa, mababasa nang lahat. Pag nangyari yun mabubuking tayo nung clone, dapat nating mahuli yung clone Pisces kaya please lang wag mong ipahalata na alam mo na lahat."
"Kung di siya si Aries, nasaan yung totoong Aries?"
"Nangdito siya kasama namin"
I was literally shocked but i managed to calm myself so no one will notice.
"Pwede ko ba siyang makausap?"
"Nasa underground siya ngayon, bago pa man tayo nakabalik sa headquarters ay nangdito na siya. Pero di mo pa siya makakausap sa ngayon"
"Huh? bakit?"
"Because he is still asleep"
"What?"
"Di parin siya nagigising Pisces."
"No no, not that thing. You said he? What do you mean? Nakalimutan mo na ba pano mag english ha?"
"No Pisces, dahil ang totoong Aries ay isang.....
"Isang ano?"
"Ang totoong Aries ay isang lalaki."
Please Vote!
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 2]
Novela Juvenil"Always remember we are under the same sky, looking at the same moon." When will we see the cure? When will we survive from this?