Chapter 127

10 5 5
                                    

Churi's POV

"Oh anong nangyari sayo? Ba't ka namumutla?" natatawang tanong ko kay Lexine nang makita siyang namumutla at parang di mapakali. Namumula din yung pisngi niya.

Di ko naman alam kung anong nangyari kasi busy ako kanina sa katatawa kila DK na nagbihis babae at may instant make up pa.

"Ahhh, ano wala toh, haha wag mo na pansinin. Di kasi ako nakapag liptint kaya ganito ako kaputla" giit niya.

Tumango tango naman ako sa kanya pero di ko parin maiwasang mapangiwi sa inaasta niya ngayon. Para siyang natatae.

"Excuse me" giit niya at naglakad na paalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin at kita kong papunta siya sa taas na bahagi ng bahay. Baka may kukunin lang sa kwarto niya.

"Mahar"  halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

Tiningnan ko kung sino yun at ang mga mata ni Jeonghan ang sumalubong sakin. Nakaramdam din ako ng kaba nang maramdaman kong parang malungkot siya. Pero kahit ganon ngumiti ako sa kanya na tinugunan niya naman ng pilit na ngiti.

"Saan ka galing?" Tanong ko. Ngumiti siya at ginulo gulo yung buhok ko. Napangiti naman ako sa kanya.

"Kumuha lang ako ng jacket nating dalawa, baka giniginaw ka na" sagot niya naman sakin at isinuot sakin ang isang makapal na jacket at saka niya rin isinuot yung sa kanya.

"Halika" giit niya at hinila ako payakap sa kanya.
"Happy birthday" bati niya na naman at mas hinigpitan pa yung yakap niya sakin.

"Hoshi catch!!!!"

"Hoy minggoy wag mo naman taasan yung pagkakabato mo!"

"Hoii maaapakan niyo yung mga regalo!"

Napapatawa nalang kami habang pinagmamasdan sila Mingyu at Hoshi na nag aagawan ng saging. Para talagang mga bata.

"What about simulan niyo nang buksan yung mga regalo namin para sa inyo?" suhistiyon ni Scoups.

"Sige sige" excited na sabi ni hoshi na pumapalakpak pa sa saya.

Isa isa silang nagkuhanan ng mga upuan at inarrange iyon pabilog at nasa may gitna naman ang mga regalo.

"Sino una mag bubukas?"

"Ako na!" Masayang sambit ni Hoshi at agad na dumampot ng regalo.

"From Ninong Joshua" napatigil siya at tiningnan si Joshua. "Kailan pa kita naging ninong?" sambit ni hoshi na kunot noong nakatingin sa Ninong-kuno niya.

"Bakit? ayaw mo?"

"Hindi hoy! Gusto kaya kita-ayy este gusto ko kaya yung regalo mo. Sorry yung dila ko kasi may sariling mundo"

Natawa nalang kaming lahat sa kanya habang binubuksan niya na yung regalo.

"Waaaa! Isang napakalaking robot! yohooo! Salamat ninong! Thank you  and i love you so much! Mwua!" Tuwang tuwa na sigaw ni Hoshi sabay flying kiss pa kay Joshua nang makita ang laman ng malaking kahon.

Napapailing nalang kami, grabe naman yung regalo ni Joshua halos kasing laki na nga ni Woozi yung robot eh kaso si Hoshi dinaig pa ang isang three years old na bata sa inaasta.

"Churi's turn"

Tumayo na ako at pumili ng regalo na una kong bubuksan. Dinampot ko ang isang kulay berde na box na may katamtamang laki lang.

"From Seungcheol" basa ko sa name na nakatatak sa wrapper.

Binuksan ko na yung box at bumungad sakin ang isang pares ng doll shoes na kulay gray. Napangiti ako at tumingin sa kanya.

"Salamat" giit ko ng may ngiti.

"Welcome as always" sagot niya naman sakin.

Sunod sunod ko nang binuksan ang mga regalo. Magaganda at useful yung mga regalo nila para sakin, meron akong stufftoy na sailormoon galing kay Wonwoo. Tapos isang santa hat at christmas boots naman galing kay Joshua. Isang brown hoodie naman ang natanggap ko mula kay Jun.

Halo halo ang nararamdaman ko habang binubuksan yung mga regalo nila para sakin. Ngayon ko palang naramdaman ang ganitong pakiramdam, yung pakiramdam na  napaka importante mo sa kanila. Kahit mga loko loko sila alam na alam ko naman sa sarili ko na ligtas ako sa kamay nila. Nandyan sila palagi para sakin. Kahit wala nang mga regalo basta't magkakasama kami habang buhay, iyon na ang pinaka malaking regalo ng Diyos para sakin. Ang makasama ko sila habang buhay at ang mabuhay pa kami ng mas matagal.

Para na akong maiiyak, kahit kasi anong gawin kong libang sa sarili ko ay di ko parin maiwasan na maulila. Sa dinami dami ng mga regalo at greetings na natatanggap ko ay may kung anong parte parin sakin ang nagsasabing may kulang pa.

Bakit ba kasi di pa ako nasasanay? Iniwan na nila kami, kinalimutan na nila kami, itinapon na nila kami na parang mga basura. Wala na sila at dapat ko na yung tanggapin, tanggapin ang katotohanan  na kailanman ay hindi na nila kami inalala at hinanap pa.

Nagagalit ako sa kanila, kitang kita mismo ng dalawang mata ko kung paano nag hirap  si kuya para lang makahanap ng trabaho na bubuhay sa aming dalawa. Saksi ako sa mga sandaling nakikita ko siyang umiiyak sa kwarto ng mag isa.

Nagagalit ako kay kuya noong mga panahon iyon. Sa kanya ko hinahanap ang pag aaruga at pagmamahal ng isang magulang na alam kong gustong gusto din niyang maramdaman at maranasan.

Hanggang ngayon ay sariwa parin sa aking ala ala ang mga sinambit niya noong araw na iyon.

"Galit ako sa kanila pero sino ba naman ako para sumbatan sila. Isa lang naman akong walang kwentang anak. Paano na tayo ngayon...."

May kulang sa buhay ko, iyon ay ang pagmamahal at pag aaruga ng mga magulang ko na gusto ko sanang madama bago pa man ako lagutan ng hininga.

Ngunit hindi kailanman hinayaan ni Kuya na isipin ko yun, sapagkat hanggang ngayon ay siya na ang nagsisilbing magulang ko at hindi siya kailanman nagkulang ng pagmamahal sakin.

To my mom and dad, kung nasaan mang panig ng mundo kayo ngayon. Sana masaya kayo na iniwan niyo kami.

At sana maging masaya kayo pag dumating na ang panahon na habang buhay ko na kayong iiwan.

Pag dumating na ang panahon na wala ng Churi na magagalit sa inyo.

Pag dumating na ang panahon na merong tatawag sa telepono niyo at ibabalitang patay na ang anak ninyo.

Sana maging masaya kayo pag dumating na ang panahon na wala nang ako.



Please Vote!

When the moon howls [Season 2]Where stories live. Discover now