Chapter 117

4 4 0
                                    

Churi POV

"Akin na" giit ni Jeonghan sabay lahad ng kamay nya sa harapan ko, tinaasan ko lang sya ng kilay at itinuloy na ang pagsusuklay ng buhok. Di ko alam anong pinag sasabi  nya.

"Akin na yung suklay" sabi nya. Kahit nagtataka ay ibinigay ko nalang sa kanya yung suklay na gamit ko.

Maya maya pa ay naglakad sya sa likod ko at nagsimulang magsuklay. Bumibilis na naman yung tibok ng puso ko. Ang ganda pala sa pakiramdam ng sinusuklayan ka ng lalaking mahal mo.

"Sabihin mo lang sakin kung masakit" giit nya, tumango naman ako kahit alam ko namang di ako masasaktan, malumanay sya kung kumilos, ayaw na ayaw makasakit.

Patuloy lang sya sa pagsusuklay, nakatingin lang ako sa labas, di ko maiwasang mamangha, kahit kanina pa naman ako gandang ganda sa lugar, di kasi nakakasawa tingnan yung buong paligid.

"Bumaba na tayo pagkatapos kung magsuk---

Napahinto sa pagsasalita si Jeonghan sa diko malaman na dahilan, naramdaman ko din ang pagsakit ng ulo ko pero di rin naman gaanong masakit.

Tumigil sya sa pagsusuklay at naglakad paharap sakin. Ngingiti sana ako pero natigil rin ito nang makita ko ang mga mata nya, puno ito ng lungkot. Di ko alam ang dahilan.

Ano bang nangyari? Masaya naman sya kanina ah, nagawa nya pa nga akong suklayan.

Lamapit sya sakin at bigla nya nalang akong hinila para mayakap sya. Nabigla pa ako dahil sa higpit ng pagkakayakap nya sakin. Malalim din ang hininga nya kaya nagsimula na akong mag alala.

"Wag kang mawawala, please Churi dito ka lang" nakakabigla yung tono ng boses nya, bakit sya nagkakaganito? Di ko alam kung anong nangyayari.

"Ano bang nangyayari?" Imbes na sagotin ako ay mas humigpit pa yung yakap nya sakin.

"You will stay, right?" basag ang boses na sabi nya. Kahit nagtataka ay sumagot ako.

"Oo, dito lang ako"

"Promise me you will never leave me, promise me you will stay with me forever"

"Oo Jeonghan, pangako yan" Giit ko at humiwalay na sya ng yakap sakin, hinawakan nya ko sa magkabilang balikat, nabigla ako nang makita syang lumuluha.

Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo. Di ko alam ba't bigla nalang syang naging ganito. Ano bang nangyari?

"Ano bang nangyari? Ba't bigla ka nalang lumungkot?" tanong ko sa kanya, ngumiti naman sya sakin.

"Gusto ko lang manigurado na di moko iiwan, di naman diba?" giit nya, tumango tango naman ako at ngumiti ng malawak.

"Di kita iiwan, pangako yan" pagkatapos ay hinila nya na naman ako para mayakap nya.

"Tara na?" Giit nya at tumango naman ako saka nya ko hinila palabas.

Nakahawak lang sya sa kamay ko habang naglalakad pababa. Habang pababa kami ay may naririnig na kaming mga ingay mula sa sala. Parang may nagkakantahan.

"Wonwoo bantayan mo tong alaga mo" kahit malayo pa ay rinig na rinig ko na yung sigaw ni DK. Napatawa nalang kami ni Jeonghan.

Pagdating namin sa sala ay di nga ako nagkamali, may nakalagay na malaking videokihan at yung kumakanta naman ay si Dino.

Naghahabolan naman si Hoshi at si DK habang yung iba namimili ng kakantahin.

"Guys kaninong kanta to?" Sambit ni Dino na naka microphone.

Napahinto naman sa paghahabolan si DK at hoshi,pumunta si Hoshi sa kinaroroonan ni Dino at kinuha ang microphone, nagsimula nang tumugtog ang kanta, naghihiyawan naman sila Scoups sabay palakpak kahit di pa naman nagsisimulang kumanta.

♫Ako'y sayo ikaw ay akin♫

Kanta ni hoshi habang nakaturo kay Lexine, wow damang dama nya yung kanta, pasimple namang itinaas ni Lexine yung pang gitnang daliri nya.

Lumakas pa lalo yung hiyawan nang maglakad si Hoshi papalapit kay Lexine na nakaupo lang sa sofa.

♫Ganda mo sa paningin♫  pagpapatuloy nya sa kanta. Lumapit naman si Mingyu sa kanya at kinuha ang microphone at ipinag patuloy ang kanta.

♫Ako ngayo'y nag iisa♫  kanta nya sabay titig kay Michelle na nakaupo lang sa isang sulok habang umiinom ng kape. Kinindatan naman sya ni Mingyu

♫Sana ay tabihan na♫ kita ko pa ang pamumula sa pisngi ni Michelle pero umiiwas naman sya ng tingin kay Mingyu.

Kinuha na naman ni Hoshi ang mic at kumanta.

♫Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan♫

May papikit pikit pang nalalaman ang luko habang kumakanta, nakahawak pa yung isang kamay nya sa puso.

Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Jeonghan sa gilid ko at saka umakbay sakin. Tiningnan ko naman sya at ngumiti, ngumiti din sya sabay kusot ng pisngi ko.

♫Pakinggan mo ang aking sigaw, sa dilaw na buwan♫

Napapatawa nalang kami sa taglay na kabaliwan ni Hoshi, feel na feel nya talaga, may paluhod luhod pa ang luko habang hinahampas ang puso, nakangiwi namang nakatingin si Lexine sa kanya.

Nabigla nalang ako nang biglang naglakad si Jeonghan papunta kay hoshi at walang ano ano'y inagaw ang mic.

♫Ayokong mabuhay ng malungkot♫ ito na naman sya, hanggang kailan nya ba ako papakiligin ng ganito? Diretso lang yung tingin nya sakin habang nakangiti.

♫Ikaw ang nagpapasaya♫   kilig to the max, parang tatalon  na yung puso ko sa kilig. Para na akong baliw dito sa kinatatayuan ko, di ko na mapigilan yung ngiti ko.

♫Ang makakasama hanggang sa pagtanda♫  namumula na ata ako.

♫Hali na't tayo'y humiga♫ kanta nya sabay kindat, ay tengene! Sabi ko na nga ba may kalukuhan na naman tong lalaking toh! Anong humiga? O baka akin lang yun? Kanta lang naman yun, wala yung malisya.

Pero kasi naman eh! Iba iniisip ko! Bakit ba kasi may pakindat kindat pa.

"Tssk" halos mapatalon pa ako sa kinatatayuan ko nang biglang may nagsalita sa gilid ko, tiningnan ko yun at nakita ko si Kuya na sunod sunod ang pag irap sakin.

Ayan na naman si Bittergourd!

********************

A/N: Hi! Please listen to Taeyang's song "Eyes, nose, lips" promise ang ganda ng kantang yan. And also listen so Moon Junhui's new song entitiled "crow" sobrang ganda ng song lalong lalo na yung boses ni Jun, best boy indeed.

I will be writing my favorate songs sa author's note para mapakinggan nyo, i really really like recommending my favorate songs.

I'm into EXO CBX song entitled "Cry" right now, it'a a very very very wonderful song.

Vote and enjoy!




When the moon howls [Season 2]Where stories live. Discover now