Churi's POV
"Four days na sunod sunod ang ulan noon kaya four days din kitang kinakarga papunta sa bahay nyo kasi busy yung Kuya mo sa pag hahanap ng trabaho"
"At straight four days ka ding nahihimatay" natatawang saad ko sa kanya.
"Okay lang naman kasi kinakantahan mo naman ako pagkatapos" giit nya, sinubsob ko yung mukha ko sa dibdib nya. "Kantahan moko" napa angat yung tingin ko sa kanya.
"Ikaw dapat kumanta para sakin, ikaw tong maganda boses eh"
"Naaalala mo pa nung sabay tayong pinatawag sa guidance kasi sinapak natin yung kaklase natin?"
"Di ko makakalimutan yun, ang maldito kasi nung kaklase natin, nang aagaw ng baon" sabi ko, hinatak nya pa ako papalapit sa kanya.
Malakas ang hangin pero okay lang kasi binilhan naman ako ni Jeonghan ng jacket at saka nakayakap rin ako sa kanya. Tanging mga naglalakihang alon lang ang naririnig namin.
"Iniiba mo naman yung usapan eh, sige na kanta na" pamimilit ko sa kanya.
"Ayoko" agad akong umalis sa pagkakayakap sa kanya at nag kunwaring naiinis.
Ginulo nya yung buhok ko habang suot suot ang matamis na ngiti.
Hinatak nya ko pabalik sa bisig nya para mayakap sya.
"Kantahan mo na kasi ako" pamimilit ko na naman.
"Kiss muna"
Agad namang nagsalubong yung kilay ko, ang mahal naman ng boses nya, kailangan may kapalit na kiss?
"Adik ka"
"Sa shabu hindi, sa kiss mo, Oo" agad ko syang kinurot sa tagiliran kaya napa iktad sya habang tumatawa.
"Oo na, kakanta na"
Inayos nya muna yung lalamunan nya, napapangiti naman ako habang naka tingin sa kanya.
"♫ Ako ay may lubo, lumipad sa langi---ARAYY!♫
"Umayos ka kung ayaw mong ilibing kita ng buhay sa buhangin!"
"It's Okay, specially if your with me.....naked"
Agad ko syang inirapan, kanina nya pa ako inaasar. Di nga talaga sya nag bago, magaling parin sya pag dating sa pang aasar.
"Manyak ka!" sigaw ko pero tawa lang naman ang isinagot nya.
"Hahaha totoo kaya" giit nya sabay tawa.
"May naaalala din ako, yung time na nagpunta ka sa bahay namin, parang grade 8 ata tayo nun tapos wala si Kuya kaya tayo yung nagluto, inuna mo yung isda bago yung mantika HAHAHAHAHA tapos di mo pa nilinisan yung isda kaya nag palutang lutang yung mga tina-e"
"Wag mo nang ipa alala pa" giit nya na tawa parin ng tawa.
"Ang laking bagay pala ng pag c-cr ng kuya mo para satin"
"Huh?"
"Kasi kung di nag cr yung Kuya mo, di kita malalapitan, di ako mag aalala sayo. Kung di nag cr yung kuya mo, di kita makikilala. Weird pero totoo" giit nya.
"Oo nga"
Salamat sa ta-e
Niyakap nya ako ng mahigpit.
May kinuha sya sa bulsa nya, tiningnan ko sya at may hawak hawak syang isang kwentas.
"Tumalikod ka" giit nya na ginawa ko naman.
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 2]
Novela Juvenil"Always remember we are under the same sky, looking at the same moon." When will we see the cure? When will we survive from this?