Churi's POV
"Okay lang yan kuya, naiintindihan ka namin" giit ko at hinimas himas yung likod nya. Galit parin kasi sya sa ginawa nila DK sa kanya.
Nagpatuloy yung iba sa pagkakantahan. Kami naman itong naka upo kasama si Joshua.
"It's time to eat" giit ni Kris at parang may bigla nalang nag ting sa utak nila Hoshi at dali daling nag sitigil sa pagkakantahan.
Nagsilapitan sila samin kung saan nakahanda ang mga pagkain.
May bigla nalang nagbukas ng pinto at dali daling ipinasok ang mga malalaking box, tiningnan ko pa kung sino yung pumasok , sila Dino pala kasama sila Scoups. Nakita ko rin si Michelle na parang excited yung mukha.
Kinakabahan ako sa announcement nila, kinakabahan ako para kay Mingyu.
Inilagay nila iyon sa napakalaking mesa at saka binuksan, para namang kuminang yung mga pagkain nang buksan nila ang mga box. Ang daming cake at iba't ibang flavor ng icecream. Kompleto lahat ng dessert. Yummy!
Feeling ko nag haheart na yung mata ko ngayon. Kaya pala ang daming box sa likuran ng airplane kanina, mga pagkain pala yun.
Ang ingrande naman ng birthday party na to. Grabe na tong surprise nila samin ni Hoshi. Ito na ata yung pinaka masayang birthday ko sa buong buhay ko.
Noon kasi kami kami lang ni Kuya ang nag cecelebrate, minsan dumadalaw si Doctor Top. Nung bata pa ako, palaging pumupunta si Ben o si Jeonghan sa bahay namin kasi alam nyang magtatampo ako kapag di sya pumunta kaya nag papa alam sya sa magulang nya para lang mapuntahan ako.
Pero simula nung insedente na nangyari, di nya na ako dinadalaw at ang buong akala ko noon ay nawawala sya at iniwan nya na ako.
Pero hindi, at alam kong di nya yun magagawa sakin.
Tumahimik na kaming lahat habang nakayuko para mag dasal.
"Dear Lord, thank you for giving my little Princess another year of existence. Today is the day that both Churi and Hoshi we're born, the two of the most sparkling stars in the night sky in short my two angels. Thank you for giving them all the things that they need for everyday. Thank you for you just give me the best present in my whole life. I will never beg for another gift for they are the best thing that happened to my life. Thank you for guiding them everyday. Your always there as their companion. Seeing the two of them smile without any worries always boost my energy. I will never get tired of taking good care of my two angels. Hope you will always give them lots of years to breathe, i hope they will survive their disease. How i wish there will be a cure so that they can still be with me for lots of years. I don't need anyone in my life, with them beside me. I always feel contented. Ikaw na po ang bahala sa kanilang dalawa, nawa ay makamtan nila ang buhay na tahimik at puno ng pagmamahal at kasiyahan. For the Kingdom, the power and the glory are yours, now and forever. Amen"
Ramdam ko din ang pag agos ng mga luha sa pisngi ko.
Tiningnan ko silang lahat at saka ngumiti, lahat sila ay parang nagtataka at nag aalala. Siguro dahil sa nabanggit ni Kuya na sakit namin ni Hoshi. Di ko alam kung sasabihin naba namin sa kanila. Wala silang alam sa kalagayan namin dahil ayaw naming aminin sa kanila dahil alam naming mag aalala sila ng husto.
Pero lahat ng lihim ay hindi dapat habang buhay itinatago. Siguro ngayon na nila dapat malaman ang sekreto namin.
"May hindi ba kami alam tungkol sa kalagayan ninyong dalawa?" tanong ni Joshua na bakas sa mukha ang pag kabahala.
"May sakit ba kayo?"
"Anong sakit? Malala ba? Di nyo naman kami iiwan diba?"
"Hoi magsalita kayo"
"Magtatampo kami pag di nyo sinabi"
Tiningnan ko si Hoshi, nag alala agad ako nang makita syang umiiyak. Nasa tabi nya si Lexine na kasalukuyan syang pinapatahan. Naglakad din papunta sa gawi nya si kuya habang nasa likod ko naman si Jeonghan na hawak ng mahigpit ang kamay ko.
"Magsalita kayo..... please" giit ni Dino.
"Siguro ngayon na ang panahon para malaman nyo yung totoong kalagayan namin ni Hoshi." Pag sisimula ko, pinilit kong hatakin pabalik yung luha ko at palitan ito ng ngiti. Tahimik lang silang lahat at tanging paghagos lang ni Hoshi ang ingay na naririnig. Bakas sa mga mukha nila ang pagkabahala.
"Alam kong hindi kayo pamilyar sa sakit nato at saka di rin naman halata na may sakit kaming iniinda ni Hoshi kasi palagi nyo naman kaming nakikita na nakangiti. Ang totoo akala ko noon ako lang ang may ganitong sakit hanggang sa isang araw laking gulat ko nalang nang madatnan ko si Hoshi na iniinda yung sakit na kagaya nung sakin. tumigil ako sandali para alisin yung bumabara sa lalamunan ko at para narin mapunasan yung luha sa mata ko. Ramdam ko rin ang mahigpit na paghawak ni Jeonghan sa kamay ko.
"Hanahaki, yan ang tawag sa sakit namin ni Hoshi. Akala ng iba, hindi totoo ang sakit na yan. Pero kami ang patunay na totoo ang naturang sakit. Sabi nila aatakihin kalang ng sakit na toh kung di ka mahal ng taong mahal mo, pero sa kaso namin, kahit masasakit na salita lang galing sa ibang tao ay inaatake na kami. Kung di nyo alam ay matagal ko nang kilala si Jeonghan, mula bata pa ay magkaibigan na kami. Hindi naman talaga Jeonghan yung pangalan nya, kilala ko sya noon sa pangalang Ben Jeke Yoon pero dahil sa insedente na nangyari kung saan inatake ako ng sakit ko ay pinili ni Kuya na palayuin si Jeonghan sakin para wag nang lumala pa."
Ipinagpatuloy ni Hoshi yung sasabihin ko. Tumikhim muna sya para maalis yung bumabara sa lalamunan nya.
"Kapag nasasaktan kami, bigla nalang kaming uubo ng walang tigil, kasabay nun ang pag agos ng mga dugo sa bibig namin na may kasamang mga bulaklak. Masakit sa lalamunan pero mas masakit sa puso kapag inaatake kami. Kaya inilalayo namin ang mga sarili namin sa mga bagay na sasaktan lang kami"
Tiningnan ko sila lahat, may tumutulong luha sa mga mata nila at bakas sa mukha ang pagkalito at pagkabahala.
"M-mga bulaklak?" Tanong ni Wonwoo habang pinupunasan yung nga luha.
"Oo, mahirap unawain pero kasabay ng pag agos ng dugo ay sya ring pag kawala ng mga bulaklak. Di namin alam kung saan galing ang mga iyon dahil maging kami rin ay nalilito, pero isa lang ang tiyak kami, kailangan naming maging masaya."
"May posibilidad ba na...
Napahinto sa pagsasalita si Mingyu ng senyasan sya ni Kuya na wag ipagpatuloy yung sasabihin. Pero kuha naman namin ang gusto nyang itanong kaya ako na ang sumagot.
"Pag di mapipigilan ay pwedeng bumara ang mga bulaklak sa baga namin at pipigilan nun ang paghinga namin hanggang sa mamatay kami"giit ko. Masaya ako sa mga sandaling ito dahil sa wakas ay nasabi rin namin ang lahat.
"Wala bang gamot, magtatagal pa ba kayo. Gagaling naman siguro kayo diba?" Tanong ni Seungkwan habang umiiyak.
Hinihintay nilang lahat ang isasagot namin. Bakas ang pagkatakot sa mga mata nila pero kailangan kong sabihin ang totoo. Ang katotohanan na walang gamot para sa sakit na ito.
"Di na kami gagaling, dadalhin namin ang sakit na ito hanggang sa libingan" giit ko at nagsi iyakan na silang lahat.
Maging si Kris na nasa isang sulok lang at tahimik na nakikinig ay tumulo narin ang luha.
Napatingin din ako kay Kuya, umiiyak din sya kagaya ng iba.
Ang mga mata ni Kuya na lamang ang huli kong nakita hanggang sa may naramdaman nalang akong mga bulaklak sa palad ko at ang pag alalay ng isang tao sa katawan ko na bumagsak sa sahig.
Please vote!
A/N: Seventeen's song "KIDULT" is so beautiful....
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 2]
Teen Fiction"Always remember we are under the same sky, looking at the same moon." When will we see the cure? When will we survive from this?