Churi's POV
"Upo mga friends! Mag iaannounce daw si Kris!" Parang baklang sabi ni Seungkwan.
Umupo naman kami, nagsimula na ako kabahan sa sasabihin ni Kris, paano nga kung ikakasal na sila ni Michelle? Ilang taon kaya iiyak si mingyu?
"In this upcoming January 18, we will be opening our own Academy which is the Winter Land Academy. We've noticed that there was a lot of Filipinos here in Netherlands so it came up to our minds that we should open a school for filipinos here"
Literal na napanganga kaming lahat sa anunsyo ni Kris, para din akong nabunutan ng tinik , buong akala ko may relasyon sila ni Michelle.
Ang advance ko talaga mag isip!
"Me and my section decided to study in our own Academy, there's also a place located near the Academy and it's free, my Grandmother own that place, it'a actually a mansion but the difference is that it look more like a dorm for there was a lot of room inside"
Kulang nalang may tumulong laway sa mga bibig naming lahat.
"We already call all of your parents yesterday and they all agreed so the decision is up to you"
So papa aralin nya kami sa academy na sila mismo ang may ari?? Is that true? TOTOO????? Saan pa kami nun? Libre na ang lahat baka nga pati pagkain sa cafeteria libre na narin.
Napatingin ako sa iba na di alam kung anong erereact.
Naghihintay lang si Kris sa isasagot namin
"So pumayag yung mga magulang namin na dito kami mag aral?" tanong ni Jun.
"Yes, and they also sound very happy"
"Kung ganon, bakit hindi?" Sabi ni DK.
"Oo nga, dito nalang tayo mag aral!"
"Ang saya siguro dito"
"Maganda siguro dun"
"Libre lahat"
"Ang saya nito!"
Kanya kanya sila ng reaksyon. Ang saya saya nila tingnan, excited silang lahat dahil sa sinabi ni Kris.
"Maayos naman yung english ko diba?" tanong ni Hoshi.
"Di ka naman marunong mag english eh!" pang aasar sa kanya ni Mingyu.
"Anong hindi???! Halika ka showdown tayo! Ano na! Come hair! Ano pang hinihintay mo? Come hair."
Napatawa nalang kaming lahat sa kanilang dalawa. Alam naman naming lahat na marunong silang mag english, ang hilig lang talaga nilang mang asar sa isa't isa.
"Anong desisyon nyo?" tanong ni Kris.
Tiningnan ko si Kuya para hingin ang permeso nya. Akala ko di sya papayag pero nabigla ako nang tumango sya.
"Payag kami Kris, sa Winter Land Academy kami mag aaral" giit ni Scoups at nag hiyawan nalang silang lahat. Napangiti rin si Kris habang pinagmamasdan sila.
"Sino nga pala Principal dun?" Tanong ni Minghao kay Kris.
"Oo nga, baka estrikto"
"Sino Kris?"
Ngumiti si Kris saming lahat.
"The Principal will be no other than Tristan Dragon Nacino, the one and only" anunsyo ni Kris.
Di ko pa lubos maintindihan, ayoko sanang maniwala pero buong pangalan na ni Kuya yung binanggit nya.
"Si Tristan?" di makapaniwalang tanong ni Vernon.
"Ako at wala nang iba" giit ni Kuya at kumaway kaway pa na parang nasa miss universe.
Pano nangyari yun?
"I eexplain ko nalang sa inyo bukas, sa ngayon ituloy muna natin ang Party!"
Please vote!
A/N: BTS song "Life goes on"
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 2]
Teen Fiction"Always remember we are under the same sky, looking at the same moon." When will we see the cure? When will we survive from this?