Chapter 123

10 5 0
                                    

Churi's POV

"Kainis pagkain ko yan eh!" sigaw na naman ni Hoshi sa pagmumukha ko. Kanina pa sya ganyan ng ganyan. Isang  subo ko palang naririnig ko na yung angal nya, eh sya naman tong nakaka labing dalawang subo na ng fried chicken.

Masasapak ko na talaga toh!

"Kumuha ka kaya dun!" pinandilatan ko sya habang tinuturo ko naman yung lamesa kung saan naka lagay ang unlimited na fried chicken. Oo unlimited talaga! Napakadami! Wala ng sabong na magaganap kasi ginawa na nilang fried chicken lahat ng manok!

Kawawang manok, sumalangit ka nawa.

Nakita ko naman si Lexine na may dala dalang malaki na platong puno ng chocolate cake.

"Cake hosh, gusto mo?" Alok nya kay hoshi, ngumiti naman ng nakakaluko si Hoshi sa kanya.

Umaandar na naman ang pagka sira ulo!

"Ayiie, bati na tayo ha?" giit ni hoshi na nakangiti ng malawak. Inirapan naman sya ni Lexine.

"Inaalok lang kita kasi baka mapanis lang toh bukas" depensa ni Lexine kay Hoshi.

"Aysus, may fridge kaya jan. Ang sabihin mo nag aalala ka sakin" pang aasar ni Hoshi.

"Sige na kuha na, ang daldal nito"

May bigla nalang lumitaw na kutsara ng cake sa harapan ko.

"Say ahhhh~~" giit ni Jeonghan habang inilalapit sa bibig ko yung kutsara. Bahagya pa akong natawa habang ngumunguya.

"Lexine subuan mo rin ako" parang bata na sambit ni Hoshi. Tiningnan naman sya ni Lexine na puno ng pandidiri.

"Subuan mo sarili mo" sagot nya kay hoshi. Yumuko naman si Hoshi na para bang bata na nadidismaya.

"Ayaw mo?"  parang papaiyak na sya.

"Ayaw ko" pagmamatigas ni Lexine.

"Ayaw mo talaga?"

"Ayaw ko nga sabi e---

Di na natapos ni lexine ang sasabihin nang bigla nalang syang pahiran ni Hoshi ng icing.

Kumuha naman si Lexine ng maraming icing at saka gumanti kay Hoshi. Tatakbo sana si Hoshi pero agad syang hinawakan ni Mingyu at Minghao sa kamay kaya di na sya naka palag. Punong puno na ng icing yung mukha nya.

Naghahabolan na silang lahat habang may hawak hawak na icing sa mga kamay. Parang nagkaroon ng gira sa buong bahay. Maging si Kuya at Doctor Top ay naghahabulan narin.

Nabigla narin ako nang may makita akong mga maliliit na bula na nagliliparan. Tiningnan ko kung saan galing yun at nakita ko si Dino na may hawak hawak na malaking machine nag naglalabas ng maraming bula.

Ang dami nang nagsisiliparang kung ano sa ere hanggang sa may naramdaman nalang akong nagpahid ng icing sa ilong ko.

Tumawa pa ng mahina ang luko.

"Ang saya mo noh?" Sarkastiko kong tanong kay Jeonghan. Tumawa naman sya.

"Siyempre naman" sagot nya.

Kumuha narin ako ng icing at ipinahid yun sa ilong nya. Ngumiti lang sya ng matamis sakin.

Mas lalo pang naging masaya ang lahat nang may nagpatugtug ng kanta mula sa speaker.

Christmas song ang naririnig ko. Masaya silang lahat habang naghahabulan, may iba rin na kumakain. Nasa sulok naman si Doctora at Scoups na panay ang ngiti habang pinagmamasdan sila Hoshi.

When the moon howls [Season 2]Where stories live. Discover now